Does Age Matter? [31]

8K 133 20
                                    

Nag lalakad ako sa isang pamilyar na lugar… may nakita akong isang figure ng lalaki na nakatayo sa may cliff… bumilis tibok ng puso ko at nag simulang maluha mga mata ko..

“javin” sabi ko ng mahina… nawawalan ako ng lakas… biglang siyang humarap sakin… galit, galit ang muka niya.  “a-ah…..” gusto ko siyang kausapin pero walang lumalabas sa bibig ko, natatakot ako..natatakot ako sa tingin niya, ano bang problema.

“tigilan mo na ang pagpunta dito, lee. Hindi kita mahal, tigilan mo na ako… meron dyang isang lalaki na mamahalin ka ng totoo… buksan mo sana mga mata at puso mo… baka nasa harap mo na siya hindi mo pa napapansin.” Sabi niya.

Umiiling ako… ayoko… hindi… pumikit lang ako saglit, pagkamulat ko wala na siya…

“javin….” Nasabi ko ng mahina.

“baka nasa harap mo na siya hindi mo pa napapansin” narinig ko… hinanap ko siya… lakad ako ng lakad… sinusundan ko boses niya “baka nasa harap mo na siya hindi mo pa napapansin” sa kakalakad ko hindi ko napansin nasa dulo na ako ng cliff….. sa sobrang takot ko na-out of balance ako… nahulog ako sa cliff ” baka nasa harap mo na siya hindi mo pa napapansin”

Bigla akong nagising dahil Nagulat ako kasi may bigla nalang nag vibrate sa unan ko, kinuha ko ang phone ko at nakitang may text… galing kay Rodriguez.

 

‘ Good morning emo girl. Hehe’

 

 

‘baka nasa harap mo na siya hindi mo pa napapansin’ biglang pumasok sa utak ko itong huling mga salitang narinig ko galing kay javin.

 

‘ he-he.  Istorbo ka sa tulog no? ‘ sabi ko.

 

 

‘ nagising kita? Sorry ah. 10 am na kasi. ‘

Nagulat ako dun, napatingin ako sa orasan ko… oo nga no!

 

‘ you overslept? Maganda siguro dream.’

 

 

‘ hahaha. I wish. ‘

 

 

Pumunta na ako sa baba dahil nakaramdam ako ng gutom…  sinalubong naman ako ni rumbo.

“ Good morning, baby.” Sabi ko nung nakita ko si rumbo.  Pumunta ako sa kitchen at kumain, si rumbo nakatingin lang sakin. “wanna take a bath, baby?” sabi ko sa kanya. Bigla namang tumakbo palabas ng kitchen. “ I’ll take that as a yes. “ sabi ko.

Does Age Matter?(Student-Teacher Affair Book Two!) [COMPLETE]Where stories live. Discover now