Does Age Matter? [35]

6.8K 186 44
                                    

Pagkagising ko ng umaga pumunta ako sa kwarto nina mommy para mag lambing medyo matagal tagal ko na ata silang hindi nalalambing. Nung malapit na ako sa pinuntuan nila, medyo bukas ito at naririnig ko mga boses galing sa loob.

“ Nakita ko nga”

“ Anong nangyari? Nakita ba niya? Nakita ba siya?Nakita ba kayo?”

“Hindi… hindi ko lam. Asdfghjkl;”

Hindi ko na maintindihan mga pinag uusapan nila. Mukang seryoso.. tungkol san kaya yun. Dahan dahan akong pumasok sa kwarto nila

“ eh pano kung magkaaminan kapag nagkita sila, tayo-….”

“Good morning!”

Mga nanlalaki ang mga mata nila nung nakita ako.

“Ano pinag uusapan niyo bakit parang ang seryoso naman?”

“Ah, wala yun anak. Tara mag bbreakfast na.”

Hmmm… ramdam kong may tinatago tong mga ito sakin.

Habang kumakain kami kita ko sa corner ng mga ko na nag titinginan sina mom at dad… si kuya naman mukang nag tataka.

“Dad. Gusto ko ng English bulldog…”

“ May new dog ka pa diba.”

“But dad, gusto ko English bulldog.”

“Sige hun, we’ll buy you one.” Sabi ni mom.

Anong kayang meron… nacucurious talaga ako…

After kong kumain, pumunta ako sa garden.. naglakad lakad pinabababa yung mga nakain ko. Iniisip ko yung pinaguusapan nila. Si rumbo sunod ng sunod sakin..

“ you’re so big na baby boy…nasan na kaya yung original mong amo” nung narealize ko yung sinabi ko… nagulat ako sa sarili ko.

Lumabas yung mga kambal kasama mga yaya’s nila. Parang lumaki narin sila… ano ba yan.. bakit parang ang dami ko ng namimiss na pangyayari sa bahay na to. Iba talaga pag brokenhearted ang isang tao… napag iiwanan. I think I’m ok na… medyo. Hahaha.sabi nila may tatlong stages daw bago mo masasabing nakapag move on na.

1. acceptance

2. let go

3. forgive

Ako natanggap ko na na wala na siya… hindi ko palang naleletgo ng 100% at napapatawad sa ginawa niyang pag iwan sakin.

“Aray” may pumitik sa noo ko.

“Ang lalim ng iniisip ha.” Si Rodriguez.

“Ang epal mo ba, feeling close. Kung makapitik ka ha.”

“eh kanina pa ako kumakaway at nag h-hi sayo hindi mo ko pinapansin eh.”

“Ano bang ginagawa mo dito.”

“Inutusan ako ni papa.. may pinapapirmahan kay tito.”

“Ahh.”

“ At anong feeling close? Friends na tayo diba. “ sabi ni Rodriguez.

“Since when?!” sabi ko. Pero friends na nga talaga kami. Inaasar ko lang.

“Hindi nanaman tayo friends?” sabi niya.  Ang seryoso ng muka niya tapos parang naiinis. Ang cute!

“hahaha. Ang seryoso mo naman. Easy ka lang. nag bibiro lang ako.” Inikot niya kamay sa leeg ko at ginulo buhok ko.

“ Oh Alex, ito na yung mga papel oh.” Inabot ni dad yung papers.

“Salamat po tito. Lee, una na ko.”

Umakbay sakin si daddy sabay bulong “ Bagay kayo, anak”

“daddy naman.. magkaibigan lang po kami. “ 

*^*^*^

Sorry, super late na nag update. Medyo busy this past few weeks. Last sem ko na kasi sa school so daming requirements and chenelinchenes. ayun. :) 

Does Age Matter?(Student-Teacher Affair Book Two!) [COMPLETE]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin