Does Age Matter? [9]

13.5K 183 21
                                    

                After naming mag-usap ni Javin nung gabing yun, hindi na niya ako tinext at tinawagan. Pag nakakasalubong ko siya sa school, hindi niya ako tinitingnan or pinapansin. Anyareeh? Wala namang nangyaring masama dun sa huli naming pag uusap, diba? Monday at Wednesday lang ang klase niya samin kaya, walang chance para makasama ko siya. Sa Monday na ulit kami mag kikita, Friday pa lang. Wala talaga akong class every Friday pero nautusan ako ni mom na mag dala ng papers kay tito. Nung pumasok ako sa office ni tito, nandun yung VP ng academic affairs at yung dean ng dept ko.

“ I’ll go ahead sir” – VP. Nginitian niya lang ako.

“ Sabihin mo kay Mr. Santos na magugulo lahat ng schedule pag nag palipat siya ng sections ng tuturuan. Ano bang problema niya dun?”  sabi ni tito

Nung narinig ko yun parang nawalan ng lakas yung tuhod ko, yung tipong bibigay na ako pero tinibayan ko loob ko kahit hindi ko alam kung kaninong section nya ayaw.

“ Wala po siyang Valid reason sir, pero pinag pipilitan po niya eh. “ sagot nung dean.

Tumingin naman sakin si tito.

“ Lee, diba teacher mo si santos? May naiisip ka bang dahilan kung bakit gusto niya sa ibang section?” wala akong maisip, ok lang naman kami nung isang araw eh, pero after that.. wala na.. hindi na niya ako kinakausap.  Medyo naluha ako.

“ Opo, wala naman po. Masaya naman po siya sa room namin eh” yun nalang ang nasagot ko. Umiiwas kaya siya sakin? Dahil kaya ito dun sa tanong niya kung mali yung ginagawa namin? Wala namang mali dun ah, diba? He doesn’t like me.. anong magiging problema dun?

“ Ah, basta. Please tell Mr. Santos na hindi na pwede, that’s final. Baka mag ka-conflict pa sa mga schedules eh. “ sabi ni tito. Nagpaalam narin si dean.

Pinatong ko yung papers sa table ni tito. Pumunta naman sa sofa at humiga. Iniisip ko yung mga nangyari nung isang araw. Anong nag trigger sa kanya na isnobin ako? Bakit niya ako iniiwasan, hindi naman sa assuming ako pero, I think I’m the reason why he wants to change sections, iniiwasan niya nga ako eh.. pero bakit?

Pero kung gusto niya ng ganun, fine! Hindi ako mag hahabol sa kanya. Bahala siya. Sa dinami-dami ng nanliligaw sakin, bakit siya pa ang nakakuha ng attensyon ko! Dammit!

Kinabukasan, nireplyan ko yung isang nanliligaw sakin. I don’t usually do that, pero I’ll give him a chance. Para namang hindi masabi na masama yung ugali ko. Mabait naman siya, magalang.. laging may ‘po’ sa mga text niya. Ewan ko lang kung ganon din sa personal yun.

Hanggang umabot ng lunes, mag katext pa rin kaming dalawa. Archi student siya, classmate ni kuya. Mabait daw talaga yun, matalino pa. Ok naman daw si Paul sa opinion ni kuya ko.

Does Age Matter?(Student-Teacher Affair Book Two!) [COMPLETE]Where stories live. Discover now