Another day, another pain.
Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kalangitan, napaka kalmado nito. Bakit ngayon ko lang nakita ang gandang meron ang langit? Siguro dahil busy ako sa mga bagay dito sa lupa.
I wish I can fly just like Arence or Cloud. Palagi ko silang nakikitang palutang-lutang sa ere.
"Ang lalim ng iniisip, ah," nakangiti kong hinarap si Blaine. "I heard Councils are now deciding who are the 10 students that will participate in olympic."
Napalitan ng lungkot ang ngiti ko at bigla akong nakaramdam ng panghihinayang, alam ko kasing hindi ako mapapabilang sa kanila.
"They'll announce it tomorrow," ani Crystal na kararating lang. Ang weird talaga ng kambal na ito, iyong titig nila ay parang nanghihigop. "I'm not weird!" Sabay na ani Crystal at Javeline.
"What did I told you about reading minds, that's brain trespassing!" Ma-otoridad na ani Ella sabay tawa. "By the way, we don't have classes. The Councils and Professors need a whole day to decide for the olympic." Dagdag niya pa.
"Good, I can stay in the library the whole day. Let's go, Tel," ani Javeline bago hinahin si Crystal sa braso.
"But-- nevermind. Do you guys want to stay in the cafeteria? My treat!" Ani Ella.
"Really? Let's go!" Sagot ni Blaine dito.
Wala ako sa mood, baka masira lang ang mga ngiti nila kapag sumama ako sa kanila.
"Magi-stay nalang muna ako sa kuwarto ko, medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam ko," pagdadahilan ko dito.
"Okay lang. I'll grab some medecine for you. Get well soon," ani Blaine.
Mahina akong tumango bago maglakad palayo sa kanila. Nang makarating ako sa kuwarto ko ay agad ko itong isinara pero isang mapanirang imahe ang tumambad sa'kin.
Sunog ang buong kuwarto, oo, sigurado akong sinunog ito.
"Oh come on, smile! I put so much effort for it."
Mabilis kong tinignan ang nagsalita...si Minerva.
"You did this?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Ngumiti siya at may inilabas mula bulsa ng palda niya. "This ring looks promising. Odd, I never saw you wear this."
Tumakbo ako palapit sa kaniya para kunin ang sing-sing na hawak niya pero may dalawang babaeng lumapit sa'kin, bigla nalang silang sumulpot kung saan. Hinawakan nila ang magkabilang braso ko, kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi nila ako binibitawan.
"You're treasuring this thing, aren't you? Well too bad..." Binalot niya sa kamay niya ang sing-sing at nang ibuka niya ang kamay niya ay lusaw na ito. "It's gone now."
Ngumiti siya, hindi ko namalayan ang mga luhang naguunahang gumapang sa pisngi ko.
Para akong sinasaksak ng paulit-ulit habang pinagmamasdan ang metal na tumutulo mula sa kamay ni Minerva hanggang sa sahig.Hindi ako makapagsalita, sa galit ko ay malakas kong binawi ang mga braso ko at tumakbo palabas ng kuwarto ko.
Simula bata ako ay nasa akin na ang sing-sing na iyon. Iyon lang ang nagiisang bagay na meron ako na ibinigay sa'kin ni kuya.
Iniingatan ko iyon sa takot na baka mawala ito katulad ng pagkawala niya, nangako ako na iingatan ko iyon pero nabigo ako.Huminto ako sa pagtakbo at sumalampak sa malamig na damo, nandito ako sa garden. Inaasahan na sana makita siya.
"I told you to stay away from him."
Tumayo ako bago ilibot ang paningin ko pero siyang pagtayo ko ang pagbabago ng paligid ko.
Nakita ko nalang ang sarili ko na nasa Narette River, paano ako napunta dito? Nagaalangan man pero naglakad ako.
"Kuya?" Bulong ko. Nakatalikod siya mula sa'kin pero alam kong siya iyon.
"Kuya!" Tawag ko sa kaniya.Napaluha ako sa tuwa nang humarap siya sa'kin, nakangiti siya at tila ba tinatawag ako. Tumakbo ako palapit sa kaniya pero bigla nanamang nagbago ang paligid.
Kulay pula ang langit na dala ng kulay pulang buwan.
"Katara!"
Inilibot ko ang paningin ko para hanapin ang boses.
"Katara!"
"M-ma?" Boses ni Mama iyon. Alam kong kaniya iyon.
Nagtatakbo ako hanggang sa makita ko nalang ang sarili ko na nasa gitna ng gubat. Isang madamong daan ang bigla nalang sumulpot sa harap ko, inilibot ko muna ang paligid ko pero wala na akong iba pang makita kundi mga puno...kulay pula ang mga dahon.
Nagaalangan man ay tinahak ko ang daan dahil wala naman akong iba pang pagpipilian, napahinto ako sa paglalakad nang makita ang bahay namin. Nakita ko mula sa kahoy na bintana ang imahe ni Mama na nakasilip mula rito at kung hindi ako nagkakamali ay pigura ni Papa ang nakatayo sa likod niya.
Mabilis akong tumakbo papunta sa bahay pero nang tignan ko ang bintana kung nasaan sina Mama at Papa kanina ay wala na sila.
Dahan-dahan kong hinawakan ang door knob at inikot ito, bigla akong kinabahan. Huminga muna ako ng malalim bago magpatuloy pero pagkabukas ko palang ng pinto ay agad akong napahakbang patalikod.
N-nagkalat ang pulang likido sa buong paligid, tinakpan ko ang ilong ko dahil nakakasuka ang masang-sang na amoy.
Kahit binabalot na ako ng takot ay tumuloy pa rin ako sa loob, di' alintana ang nakakahindik na tanawin dito sa loob ng bahay."Ma? Pa?" Tawag ko sa kanila pero walang sumagot.
Nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Katara"
"M-ma?" Tinignan ko ang babaeng nasa harapan ko, puro dugo ang katawan niya at ang mga tittig niya ay puno ng galit.
Lumapit sa'kin si Mama at niyakap ako. Hindi ako makagalaw, ilang sandali lang ay bumitaw na si Mama mula sa pagkakayakap sa'kin, sinapo ng dalawa niyang kamay ang pisngi ko, nandoon pa rin ang mga titig niya.
"I told you not to go in there," aniya at inalis ang pagkakahawak sa pisngi ko. "You're cursed!"
Nanlaki ang dalawa kong mata matapos maramdaman ang malamig na bagay sa tiyan ko, tinignan ko ang tiyan ko...nagdurugo ito. Tinignan ko si Mama at ang kutsilyong hawak niya, napuno ng pagtataka ang mga mata ko na tumingin sa kaniya.
Lalong tumitindi ang sakit ng sugat ko kaya napasalampak ako sa sahig, mas diniinan ko ang paghawak sa sugat para hindi ako maubusan ng dugo.
Nakaramdam ako ng panlalamig kasunod ng pagbigat ng talukap ng mga mata ko. Unti-unti na ring bumabalik sa dati ang paligid ko.
Bago ako tuluyang pumikit ay nakita ko si Wilson na hawak ang braso ni Haidi, tila nagtatalo sila.
BINABASA MO ANG
Burning Stone Academy (COMPLETED)
Fantasy"School for the Gifted and the Cursed." Welcome to Burning Stone Academy where everyone is gifted and others are cursed! The Council's goal is to help its students to learn, improve, and hide their gifts. You have to attend different classes, meet m...