Until Death Do Us Part

121 6 0
                                    

Javeline's Point of View

Nakakatawang isipin kung paanong nagbago ang timpla ng hangin, it is heavier that it's hard to breath.
Tinignan ko ang kapatid ko, alam na namin ang mangyayari pero hindi ko maiwasang hindi matakot. I can't lose her...hindi pa ako handa.

"When the sun sleeps," sinalubong ni Crys ang mga titig ko at ngumiti. "The moon peaks," dagdag ko mula sa sinabi niya.

"Let's get over this. Show your true color, Ella. They're gone," saad ni Clavigne.

Puno ng pagtataka ang ekspresyon ni Ella pero wala na siyang maloloko ngayon. "What? Anong sinasabi mo?" Sige, dagdagan mo pa ang mga kasinungalingan mo.

"You know what I'm talking about, Ella or should I say...Levine," binalot kami ng matinding katahimikan. Alam ni Clavigne ang mga sinasabi niya, alam niya dahil nakita niya na ito.

"Well..." Mula sa mga mata hanggang talampakan ay nagiba ang katauhan ni Ella. Kung kanina ay kulay brown ang buhok at mga mata niya ay ngayo'y napalitan ng kulay itim. Mas umikli rin ang buhok niya hanggang balikat. "I see what you've done here. Smart move but I made a promise kahit dugo o buhay pa ang kapalit," unti-unting gumapang ang pulang likido sa mga kamay ni Levine hanggang sa maghugis patalim ito.

"Promise para sa tatay mong self-centered? Huh! Is it really true that apples never falls far from the tree?" Pangi-insulto ni Clavigne dito.

Ngumiti si Levine na parang wala lang ang mga sinabi ni Clavigne. Pina-ikot-ikot niya ang dagger sa kamay niya habang nakatingin saamin. "Dapat si Katara lang ang plano ko pero--"

"It is a mission. Dugo o buhay, hindi mo siya mahahawakan hangga't buhay kami," ngumiti ako ng marinig ang mga sinabi ng kapatid ko. "She's right," dagdag ko. Mata ang dimensiyon sa utak ng isang tao. Nakabibighani ang mga mata ni Levine pero sa likod nito ay hindi kaaya-ayang tanawin.

Habang nilalakbay ni Crys ang isipan ni Levine ay ako ang bantay sa reyalidad. Hati ang isipan ko dahil na rin sa iisa lang ang isipan namin ng kapatid ko.

"Sapat na siguro ang oras na ito para makalayo sila, right?" Tanong saakin ni Clavigne na tinanguan ko lang.

"What are you-- AHHH! STOP!" Sigaw ni Levine habang mariing tinatakpan ang tainga niya as if it can help her. Ang hawak niyang dagger ay bigla na lang naglaho, hindi ko manlang napansin kung saan niya ito itinago. Habang naghihirap si Levine na kalabanin ang isip niya ay kabaliktaran naman sa kapatid ko. "Stop, stop, stop, stop," payapa ang mukha ni Crys kahit napaka rumi ng laman ng isip ni Levine, pula at itim. "I...said...STOP!" Huminto ang oras saakin. Tila liwanag na dumaan sa harapan ko ang kulay pulang dagger kasunod ang pagbagsak ni Crys sa lupa. Ang dagger ay bumalik sa pagiging likido at pumasok sa sugat na ginawa nito sa dibdib ni Crys.

Dumapa ako para alalayan ang kapatid ko. "E-eva," aniya. Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ko. Nakita ko na ito pero ang akala ko ay handa na ako...hindi. Kailan man ay hindi ako naging handa para dito.

"Shit! Let's cover the wound," hinayaan ko lang si Clavigne na takpan ang sugat ni Crys kahit alam kong wala itong magagawa.

"N-nakalimutan ko ang parteng iyon," kahit nahihirapan ay nagawa pa rin niyang magsalita ng maayos. "Kahit ako," hindi ko kayang magsalita dahil anumang oras ay mau-utal ako.
Ngumiti siya na nagbigay ng ngiti sa mga labi ko, nakangiti siya kahit may dugong tumutulo mula sa mga labi niya.

"We did a good job, are we?" Mahina akong natawa dahil sa itinanong ni Crys. Tumango ako. "Of course we are. We did better," sinusubukan kong pagaanin ang mabigat na bugso ng damdamin sa dibdib ko. Tinignan ko si Clavigne na hindi mapakali sa gilid ko, takot siya sa dugo pero nababalutan na ng dugo ang palad niya. "Clavigne, it is fine. Go get her and I'll be right behind you," saad ko dito. Nagdalawang isip pa siya. "Go," dagdag ko. Agad siyang tumayo at naglakad palayo. Ngayon ay kami na lang ng kambal ko ang nandito.

"Remember your promise that you will always and forever will protect me at all cost?" Tumango ako. "You did it and I am so proud of you," hindi ko na napigilan ang mga luhang naguunahang kumawala sa mga mata ko. Pinunasan ito ni Crys at sinapo ang pisngi ko. Mariin kong hinawakan ang kamay niya hanggang sa maramdaman ko ang paglamig ng simoy ng hangin.

"And we're always be one with the wind."

She closed her eyes. Akala mo ay matutulog lang siya. Ganito pala kasakit, hindi ako handa para sa ganito katinding sugat.

Dahan-dahan kong inilapag ang katawan ng kapatid ko sa lupa at inilapat ang kamay niya sa dibdib niya. Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha. I need to go, Crys.

Tumayo ako bago humakbang ng tatlong beses palayo sa kaniya. Pinunasan ko ang mga luha ko bago tumakbo sa kailaliman ng gubat. Rinig kong malapit lang silang dalawa dito.

"Eva!" Sinalubong ako ni Clavigne at walang pagdadalawang isip na hinila kung saan. Hindi ko kinuwestiyon ang kilos niya at sumunod lang hanggang sa dalhin niya ako sa isa pang bangin kung nasaan si Levine.

"She finally left my mind," inis na aniya at muling inihagis ang dagger papunta sa direksiyon ko pero huminto ito sa ere at muling tumilapon pabalik sa kaniya. Nang malapit ng tumama sa kaniya ang dagger ay naging likido itong nakipag isa sa palad niya at naglaho.

Umangat mula sa lupa si Levine pero kagagawan ito ni Clavigne. Tumilapon siya at nahagip ng isang puno malapit sa kinaroroonan namin. Hindi ko sasayangin ang oras kaya mabilis akong lumapit sa kaniya, hinawakan ko ng mariin ang pisngi niya at tinitigan sa mga mata. Nanghihina siya sa lakas ng pagkakabagsak niya sa puno. Sinusubukan niyang tanggalin ang pagkakahawak ko sa pisngi niya pero dala na rin siguro ng galit ko kaya lahat ng lakas ko ay nakabuntong dito. "Tama n--"

"Nex?!" Sigaw ni Clavigne ang huling narinig ko bago bago mabitawan ang pagkakahawak kay Levine. Pinagmasdan ko ang kulay pulang likido na tumutulo mula sa isang patalim.

"I am so sorry. Please forgive me," mas ibinaon niya ang kutsilyo sa likod ko. Nalasahan ko ang tila kalawang sa bibig ko. Mabilis niyang hinugot ang kutsilyo. Bumagsak ako sa lupa habang si Levine ay diretsong nakatayo habang nakatingin saakin. Puno ng pagsisisi ang mga mata ni Nex pero kulang ang sorry. Hindi dapat ito--hindi.

Umalingaw-ngaw sa buong paligid ang sigaw ni Clavigne kasunod ang tunog ng butong binali. Bumagsak si Nex sa lupa hindi kalayuan saakin. Iniligtas ni Nex si Levine, hindi na ako nagulat. Mahina si Nex at madaling mauto pero bakit ganito? Ramdam ko sa mga mata ni Levine ang paghihinagpis habang nakatingin sa walang buhay na katawan ni Nex.

Isang kurap lang ng mga mata ko ay nawala si Levine, ganoon din si Clavigne. Hindi pala sila nawala dahil parehas sila ngayong nakatayo sa dulo ng bangin. Hawak-hawak ni Levine si Clavigne sa leeg at anumang oras ay puwede niya itong bitawan at hayaang mahulog sa bangin.

Nilalamig ako, hindi ko maramdaman ang katawan ko pero pinilit kong tumayo. Kinuha ko ang kutsilyong ginamit ni Nex saakin at naglakad palapit sa dalawa. Ilang beses akong muntik matumba pero kailangan ako ni Clavigne.

"Gagawin mo talaga ito?"

"Of course. You killed him! You...I am tired of all of you!" Nawala ang sakit sa katawan ko at tanging ang malalim na sugat sa pagkatao ko ang natira at ito ang naging dahilan para sugurin si Levine. Hindi man ako nagtagumpay na sugatan siya gamit ang patalim ay nagawa ko naman siyang itulak. Dumapa ako para silipin kung maayos lang si Clavigne pero wala, kahit anino niya ay wala.

Ang akala namin ay makakatulong ang pakikipag kaibigan sa kaniya pero akala lang namin iyon. She's a monster and will always be a monster.

I am done. Levine is dead. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang kapatid ko. Buong buhay ko ay wala akong ginawa kundi ang protektahan siya, nagsanay ako para sa araw na ito pero hindi ko napaghandaan ang mga posibleng mangyari. Hindi ganito ang inaasahan ko.

She's dead...and I am soon too. Now, I can feel the pain. Hindi lang ang sakit ng katawan ko kung hindi ang sakit sa loob ko. Tila may sumaksak din sa kaluluwa ko. Hindi ako makahinga, nilalamig ako. She's here.

Burning Stone Academy (COMPLETED)Where stories live. Discover now