Ang sakit sa ulo ng school na ito pero sa wakas ay nakarating din ako sa sinasabi niyang Center. Ano nga ulit pangalan niya? Cleo--Cloe? Vega na lang, mas madali yon.
Wala namang umagaw ng interes ko dito hindi katulad ng sa Mid Town. Oo, may napakalaking bato sa pinakagitna at sa paligid nito ay may apat na apoy, kung pagdudugtungin mo sila ay magiging hugis kudrado. Nakakapanibago, wala manlang akong nakikitang kakaiba...I mean, iyon bang lagpas sa imahinasyon ng isang tao.
Ang tahimik din dito at parang walang mga estudyante at guro, sa Mid Town kasi ay nagkalat maliban na lang kapag may klase, alam ko kasi palagi akong late.
"Hey," tinignan ko ang babaeng tumawag sakin. Pamilyar ang mga titig na ibinibigay niya pero hindi ko siya kilala. "Newbie?" Tila may kung anong malamig na hangin ang dumampi sa balat ko nang marinig ang sinabi niya. Marahan akong tumango bilang sagot. "Ahhh! I can't!" Nagulat ako sa inasal niya kaya hindi agad ako nakapag react nang hawakan niya ako sa braso at hinila.
"Saan mo ako dadalhin?" Nagtatakang tanong ko dito habang pilit na hinihila ang braso ko pero masyado siyang malakas kumpara sakin.
"Listen carefully," malakas niyang binitawan ang braso ko at iniharap ako sa kaniya. Namumula ang mga mata niya at galit na galit. Hindi ko alam kung galit ba siya o naiiyak. "Get the hell out of here. I don't give a fuck kung saan ka pupunta basta huwag kang babalik, do you understand?!" Napaatras ako nang simulan niya akong duru-duruin. "Ano pang tinutunganga mo diyan? Go!" Pasigaw na aniya sabay angat ng kamay niya para ituro ang malaking gate sa di' kalayuan saamin, akala ko ay sasampalin niya ako kaya kusa akong tumakbo palayo. Nakakatakot siya sa totoo lang.
Simula nang makarating ako dito ay hindi ko ramdam na kumportable ako, ganito ba lahat ng tao dito? Kahit nakangiti sila ay parang may mali.
Nang makalapit ako sa gate ay kusa itong bumukas kaya dire-diretso lang ang takbo ko. Sinundan ko ang diretsong daan hanggang sa hindi ko na masyadong matanaw ang school. Huminto ako sa pagtakbo pero nagpatuloy ako sa paglalakad. Ano bang meron doon? Unang araw ko sa klase pero absent ako.
Iyong babae kanina, pamilyar ang mga titig niya pero hindi ko pa siya nakikita kahit kailan. Ramdam ko ring may mali sa school na iyon pero binaliwala ko lang kasi nga naninibago ako.
Woods
"Huh?" Huminto ako sa paglalakad para alamin kung sino ang nagsalita.
Katara
Inilibot ko ang paningin ko. Kumunot ng bahagya ang noo ko dahil walang kahit na sino dito. Minumulto na ba ako?
Run
Hindi ko alam pero kusang kumilos ang mga binti ko at tumakbo papasok ng gubat. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta pero sinusundan ko lang ang damdamin ko.
Patuloy ako sa pagtakbo at hindi inda ang hingal at pagod hanggang sa wala na akong matakbuhan. Isang malaking pader ang sumalubong saakin. Katulad ito ng sa border...teka- nakarating ako sa border?
Katara
Mabilis akong lumingon sa likod nang marinig ang tila boses na sumasabay sa hangin. Napako ang mga mata ko sa isang puno kung saan ay may isang bagay na nakasabit dito.
Alam ko agad kung ano ito- o sino. Patakbo akong lumapit dito pero masyadong mataas ang sanga, sinubukan kong tumalon pero mataas talaga siya.
Kusa itong dumulas mula sa sanga na para bang bumitaw siya sa pagkaka kapit dito at pinagkatiwalaan akong saluhin siya gamit ang mga palad ko.
Pinagmasdan ko ang scarf na hawak ko. Nawala na ang ganda niya dahil sa bakas ng apoy. Halos maubos na siya.
"Frim?" Tawag ko dito. Mahinhin siyang lumutang sa hangin, ramdam kong nahihirapan siya pero pilit niyang ipinulupot ang sarili niya sa leeg ko pero agad din siyang bumigay. Hinayaan ko siyang magpahinga sa balikat ko.
Scarf lang siya pero bakit nasasaktan ako? Simula kasi ay kasama ko na siya. Bakit hindi ko manlang siya naalala? A-ang mga kaibigan ko. Simula nang makarating kami dito ay hindi ko pa sila nakikita. Paano ko sila hahanapin?
Come
Saglit kong tinignan si Frim. Naaawa ako sa kalagayan niya, halos maging itim na ang kulay niya, sino o ano ang gumawa nito sayo?
Tila iisa ang isip namin kaya naiintindihan ko kung saan niya ako gustong papuntahin. Bumalik kami sa gubat, nakakapanibago dahil wala gaanong huni ng ibon dito. Pati ang simoy ng hangin ay ang hirap langhapin
Habang palapit kami nang palapit kung saan niya ako gustong pumunta ay palakas din nang palakas ang ingay na naririnig ko.
Hide
Mabilis akong tumakbo sa pinakamalapit na puno at nagtago. Hindi ko alam kung bakit pero ito rin ang sabi ng intuition ko.
"North-east...Clear."
Bigla akong binalot nang kaba dahil sa narinig ko. Nakakatakot ang boses niya, parang static ng telebisyon pero boses lalaki at the same time.
"Ahh!" Napasigaw ako dahil sa gulat nang may humigit sa kamay ko. Nagpumiglas pa ako pero parang bato ang may hawak sa'kin, hindi manlang siya natitinag. Naka-suot siya ng gogles na kulay itim pero kahit ganoon ay alam kong saakin siya nakatingin.
Naramdaman kong gumalaw si Frim at dahan-dahang gumapang papunta sa braso ko na hawak nitong lalaki. Agad ako nitong nabitawan kaya agad din akong umatras palayo, gusto kong tumakbo pero si Frim. Ayaw ko siyang iwan.
"North-east! North-east!" Paulit-ulit na sigaw nito habang pilit na inaalis ang pagkakapulupot ni Frim sa leeg niya.
Bigla akong pinagsakluban ng langit at lupa nang panoorin kung paano niya hatiin si Frim sa dalawang piraso. Agad na bumagsak sa sahig ang tela na tila nawalan na ng buhay. Kasunod rin nitong bumagsak sa sahig ang lalaki. Napakabilis ng pangyayari.
Nilapitan ko si Frim at magkasabay na dinampot ang telang kanina ay iisa. Sinubukan ko silang pagdugtungin pero mukha lang akong tanga.
"Frim?" Tawag ko dito pero wala akong natanggap na sagot. Humigpit ang hawak ko dito at paluhod na bumagsak sa lupang nababalutan ng mga tuyong dahon. "Clavigne will kill me..." saad ko at nagbabakasakaling makakatanggap ng kaunting paggalaw bilang sagot pero wala. Para na lang akong nakikipag usap sa simpleng piraso ng tela.
Sunod-sunod na yabag ng mga paa ang naririnig ko mula sa kalayuan pero nanatili ako sa puwesto ko.
"Code Blue!"
I know Frim...naalala ko na.
"Steady!"
Papa is a necromancer. Naalala ko na kung paano niya bigyan ng buhay si Frim gamit lamang ang abilidad niya. Kung paano siya napunta sa pangangalaga ni Clavigne ay hindi ko alam.
Galit at panghihinayang ang bumabalot saakin habang pinagmamasdan ang scarf na si papa mismo ang gumawa.
"On your left! Cadence!"
It feels like something is missing. Ano bang meron sayo Frim?
"What? Blaine- Blaine the trees..."
Hindi ko maramdaman ang paligid, sobrang kalmado. Echo, parang narinig ko si Blaine pero hindi ako makagalaw.
"Katara? Katara look at me..."
"Is she okay?"
And then there's tears. I miss my brother.
BINABASA MO ANG
Burning Stone Academy (COMPLETED)
Fantasy"School for the Gifted and the Cursed." Welcome to Burning Stone Academy where everyone is gifted and others are cursed! The Council's goal is to help its students to learn, improve, and hide their gifts. You have to attend different classes, meet m...