Statue

225 16 0
                                    

Rain's Point of View

Isang buntong hininga pa, isa pa at kukuryentehen ko na talaga ito.

"Anong sinabi mo?"

Nagmamadali kong kinuha ang mga gamit ko bago lumabas. Bakit ba kasi palaging may dalang libro si Cadence? Kailangan ko tuloy buhatin lahat ng ito.

"You know I can see through you, right?" Hindi ko binigyang pansin ang nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Pansinin mo ako!" Malakas na sigaw niya. Nagtinginan ang mga tao sa hallway sa direksiyon namin.

Kalma lang, Rain. Ikaw si Cadence. Hinarap ko siya at tinignan "What do you want?"

"You may have his face, his accent, his green eyes, but I wanna hear you sing,"  sinusubukan talaga ako ng babaeng ito. "Sorry...I just don't want you to get in trouble," biglang nagbago ang timpla niya. Parang hindi siya iyong babaeng pinapainit ang ulo ko mula kanina.

Tinapik ko ang balikat niya at ngumiti, saglit lang dahil mahuhulog ang mga librong dala ko. "Hindi ako malalagay sa alanganin kung wala kang pagsasabihan."

Tinignan niya ako sa mga mata bago tumalikod. "Alam na ng Council ang ginawa niyong pandaraya. Binigyan kita ng pagkakataon para umamin and for context, your dirty little secret is no longer my responsibility," aniya bago maglakad palayo. Naiwan akong tulala habang mahigpit na nakakapit sa mga librong dala ko. Pagkurap ng mata ko ay wala na ako sa hallway, nandito na ako sa-- lagot.

"Stealing someone's identity is highly probihited in Olympics. Kindly defend yourself Mr. Howler?" Binalot ako ng kaba ng malaman kung sino ang nagsalita, si Councilor Ibiel. Huling kita ko sa kaniya ay noong may pinatalsik siyang mga estudyante.
Iwinasiwas niya ang kamay niya sa ere kasabay ang paglutang ng mga librong hawak ko palapit sa direksiyon niya bago maglaho ang mga ito sa ere. Kaya ngayon ay wala na akong hawak, wala na akong mapagbubuntungan ng kaba ko. "Go on."

Nanigas ako sa sobrang lamig ng boses niya. Parang may kung ano sa lalamunan ko na nagpapatuyo dito.
Alam kong hindi magsasalita si Councilor Ibiel kaya wala akong magagawa kung hindi ang magsalita. "Hindi pa po ako handa," iyan ang tanging lumabas sa bibig ko dahil iyan naman talaga ang totoo at isa pa ay gustong sumama ni Cadence sa Olympics ng malamang kasama dito si Blaine.

"You will stay in the Dungeon until our decision were made," magsasalita pa sana ako pero ng iwasiwas niya ang kamay niya kasunod ng pagkurap ng mga mata ko ay nasa Dungeon na ako. Nakakulong sa isang selda na napalilibutan ng bakal na rehas at ang tanging ilaw ay ang mga kandila sa bawat sulok ng kuwarto.

Kasalanan ni Adair ito, eh! Siya lang naman ang nakakaalam ng mga nangyari...siguro?

"Don't blame me," mabilis pa sa alas cinco kong nilingon ang nagsalita. "I am not here for you. I felt something in here that I don't know...I can't tell," dagdag niya habang lumalapit sa tatlong estatwa na nasa isang sulok.

"Iyong totoo, anong ginagawa mo dito at paano ka nakapasok?" Magkasunod na tanong ko. Hindi ko sinasadyang mahawakan ang rehas kaya ng magdikit ang palad ko at ang bakal ay nakuryente ako. Hindi naman masakit, sobrang sakit!

"Hindi lang ikaw ang may alam pagdating sa pagsuway sa patakaran ng paaralan, Rain," mapanuksong aniya. Tinignan niya ang kulungang kinaroroonan ko at lumapit dito. "Looks fragile," walang pagdadalawang isip niyang hinawakan ang rehas gamit ang dalawa niyang kamay pero agad ring napabitaw. Alam niyang pinapanood ko siya kaya ng tignan niya ako ay siya namang irap niya bago muling tinignan ang rehas.

"Sasaktan mo lang ang sarili mo," saad ko at naupo sa sahig habang pinagmamasdan pa rin siya. Hindi niya ako pinansin.

Sa pangalawang pagkakataon ay hindi na niya binitawan ang rehas pero mariin siyang napapikit. Hindi nanaman ako makapagsalita dahil sa gulat ng mapansing umuusok na ang kamay ni Adair. Dahan-dahan akong tumayo habang hindi pinuputol ang tingin ko sa kaniya.

"Hmmp-- what are you doing?" Aniya. Iminulat niya ang mga mata niya at tumingin saakin. Tinignan ko lamang siya ng may pagtataka dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Humakbang ako palapit sa kaniya pero bago pa man ako makalapit ng tuluyan ay nagtalsikan ang pira-pirasong parte ng bakal na rehas. Iniharang ko ang braso ko sa mukha ko at napapikit dala ng tensiyon sa paligid, isama mo pa ang kuryente na sumasabay. Ilang segundo lang ito hanggang sa binalot na ng katahimikan ang paligid. "Useless," napailing ako ng marinig ang sinabi ni Adair.

Inayos ko ang tayo ko at naglakad palabas ng kulungan. Sira-sira ito, paniguradong lagot nanaman ako sa Council nito. "Lagot tayo. You're welcome," aniya at nagawa pa ngang ngumiti.

"Una sa lahat hindi ako nanghingi saiyo ng tulong," saad ko dahil totoo naman. Nananahimik ako dito ng dumating siya.

"How ungrateful. Pasalamat ka nga at inilabas pa kita diyan. Itong mga statue ang pinunta ko dito at nagkataon lang na nandito ka. Well, hindi na ako nagulat," paliwanag niya. Hindi na ako aangal pa dahil baka iwan niya ako dito dahil alam kong kaya niya kung gugustuhin niya.

Ang lalim ng titig ni Adair sa tatlong estatwa. At ito na nga, hinawakan niya na ito. "Hindi mo ba alam na bangkay iyang hinahawakan mo?" Saad ko. Sinusubukan siyang takutin pero walang epekto. Hindi na ako nagulat.

"This isn't the real ones. This things doesn't have a soul," mahinang aniya. "Noong huling nakita ko ito ay may crack malapit sa labi ni Prof. Arthur pero ang isang ito ay wala," saad niya sabay turo sa labi ng estatwa.

"Paano mo nalaman?" Bakas sa boses ko ang pagtataka pero wala akong pake dahil nagtataka talaga ako.

"Ms. Hayes?! What are you do--oh, you two are screwed," papalit-palit ang tingin saamin ni Prof. Taran at sa mga rehas na nagkalat sa paligid. "What are you looking at? The Red Mist broke the barrier between the Academy and Mid Town so hurry up and let's go!" Hindi na nga kami hinintay ni Prof. Taran kaya sinundan na lang din namin siya palabas.

Sobrang dilim ng paligid at ang bigat ng hangin. "Two times in a row," bulong ni Adair sakto lang para marinig ko.

"Anong nangyayari? Isang beses sa labin-walong taon lang dapat ito nangyayari," bakas ang panik sa boses ni Prof. Silvia habang yakap-yakap ang isang pusa na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko.

"I don't know," kahit si Prof. Taran ay walang ideya kung ano nga bang nangyayari.

Nakaramdam ako ng tubig sa balat ko, patak ng ulan. Sumunod dito ay ang malakas na hangin. "Amara and Haniel need someone who can control the natural," ani Adair habang nakatingin saakin. Alam kong ako ang tinutukoy niya pero hindi ba kaya nina Amara at Haniel iyon? Dalawa naman na sila. "Huwag ka ng magreklamo," dagdag niya pa.

"Magpapaulan lang ba ako? Iyon lang ba?" Tanong ko dito. Alam ko kung anong gagawin ko, iniinis ko lang siya.

"Nagawa mo na ito sa Mid Town, kaya mo na iyan malaki ka na," simpleng sagot niya sabay alis. Tingin ko ay pupunta siya sa library.

Ang tahimik dito. Siguro nasa kaniya-kaniya na silang dorm. Mahina akong napalundag ng kumulog ng malakas kasunod ang malakas na tawa. Tinignan ko kung sino ang tumatawa...si Haniel.

"Sorry--HAHAHAHA ngayon ko lang napansin na nandiyan ka pala, bro!" Aniya sa gitna ng pag tawa. Pinupunasan niya pa ang mga luha sa mata niya.

Tawang-tawa ang gago. Ini-angat ko ang kanang kamay ko at malakas na ibinagsak. Huminto sa pagtawa si Haniel para umiwas sa kidlat na nagmula sa kalangitan. Pasalamat siya mabait ako.

Alam ko kung anong ginawa ko sa Mid Town. Tinignan ko ang langit, may parte dito na sumisilaw ang liwanag. Umpisahan natin sa malakas na indayog ng hangin upang dalhin ang pulang usok palayo. Sumunod ang ulan, samahan na rin natin ng kulog para masaya.

Gumagaan na ang simoy ng hangin, nakakahinga na ako ng maluwag hindi katulad kanina na gusto kong manakal ng nangangalang Haniel. Tuluyan na ring pinalitan ng liwanag ang madilim na kalangitan.

"I heard the Council sealed the Mist Cave with magic. Apparently, it wasn't enough. Weird things kept happening since the Olympic started," seryosong ani Adair na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.

"Ms. Hayes and Mr. Howler, detention!"

Burning Stone Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon