Katara's Point of View
Pagdilat ng mga mata ko ay agad akong bumangon. Dahan-dahan lang dahil baka magising sila. Agad akong lumabas nitong library nang tahimik, muntik pa akong makaapak ng kamay.
Sinalubong ako ni Amang Araw at ng malamig na simoy ng hangin. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil kahit na sobra ang pinsala na ginawa ng mga pangyayari ay nakabalik ako sa lugar kung saan ako lumaki.
When I was a kid Mama said, "Go, free yourself like the wind." And I am slowly building what is ruined. Every tree and every structure was slowly going back to normal. From the dust dancing through air to a stronger wall.
Gusto ko ang natural na design nitong school so I wouldn't change anything…but for one thing. I will put the burning stone in the center of Mid Town. And the 4 stones that used to surround it will be separated in four places in Mid Town. Those 4 burning stones will be the barrier between two worlds, and the biggest one is for something and most important.
"Woah…no way."
"Look at the trees! It's going back to normal!"
"Nasinghot ko yata iyong buhangin, pfft!"
"Buo na ulit iyong dorm ko. Kagabi lamesa ko na lang ang nakatayo diyan, eh."
Gising na sila. Mabuti naman dahil may announcement ako para sa lahat. Kagabi ko pa ito pinag iisipan.
Nilapitan ako ni Mama at Papa, nakangiti sila sakin pa ti na rin si…si Nivara. "You did it, you proved me wrong," saad ni mama at niyakap ako.
Bumitaw ako sa pagkakayakap at hinawakan siya sa kamay bago tignan sa mga mata. "No, none of us is right."
"Hindi ka sumpa," muling saad ni mama. Halata na paiyak na siya.
Ngumiti ako. "You tried to protect me but things will still happen whatever we do. Ang importante maayos tayo."
"Katara!" Inambahan ako ng mahigpit na yakap ni Blaine habang si Blade naman ay tinapik ako sa balikat. "Alam mo ba na kapatid ka namin? Sinabi ni Kuya Dame!"
W-what? Isa-isa ko silang tinignan. Ano daw?
"Ang sabi ko dahan-dahan lang," dismayadong saad ni kuya…Dame. Oh.my.gosh. Nang bumitaw sa pagkakayakap sakin si Blaine ay agad kong nilapitan si Kuya at niyakap. "Namiss din kita," saad niya kaya natawa ako.
"Y-yeah, N-Nivara is your mother," bumitaw ako sa yakap namin ni kuya at tinignan si mama na nagsalita.
"Dame and Blade were twins, hindi halata dahil hindi sila magkamukha…and Kat is just 1 year older than Blaine," saad ni papa.
Hindi ko makapaniwalang tinignan si Nivara, or should I say my biological mother…our biological mother. Tahimik lang siya habang pinagmamasdan kami. "Paanong nangyari iyon?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Well, I-I can't take care of you b-because I…I only held you once. I don't want you to be his subject. He will take your power and…and kill you," mangiyak-ngiyak na saad ni Nivara. Sinusubukan niyang magsalita ng diretso pero pinipigilan siya ng nararamdaman niya.
I am shock, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "I'm sorry." Hindi na niya mapigilan umiyak. Lumapit sa kanya si Blaine at niyakap. Yumakap siya pabalik, ramdam ko ang higpit nito.
"Shh, I understand," ani Blaine. "We understand," dagdag niya pa sabay tingin samin.
Si Nivara ang unang humiwalay sa pagka kayakap, tumahaan na rin siya sa pag iyak at pinunasan ang mga luha niya. Hinintay ko siyang tignan ako para bigyan siya ng matamis na ngiti.
BINABASA MO ANG
Burning Stone Academy (COMPLETED)
Fantasy"School for the Gifted and the Cursed." Welcome to Burning Stone Academy where everyone is gifted and others are cursed! The Council's goal is to help its students to learn, improve, and hide their gifts. You have to attend different classes, meet m...