Kabanata 6: Bambang

37 5 69
                                    

Lungsod ng Maynila, Kalakhang Maynila, Pilipinas
Oktubre 14, 2045; 13:00 H (GMT +08:00)

Nang may pagmamadali, pinasok na ng pangkat ni Serbia ang pinakamalaking pamilihan ng gamot at kagamitang medikal sa Bambang. Wala na silang pakialam kung meron pang natitirang gamot sa mga lalagyan, basag ang mga salamin o may nanging engkuwentro ng magkalabang sindikato na nakikipagkompetensya sa kontrol ng lugar. Basta, prentikong dinala ni Bosnia ang sugatang si Montenegro patungo sa storage room at sumunod na rin si Serbia sa kanya, na nagutos sa iba pa.

"Bantayan niyo ang perimetro! Dali!"

Sinunod ng lahat ang utos ng kanilang suqad leader. Kung hindi nagsitago sa mga pilar, sa puwesto ng kahera nila nilagay ang kanilang mga paa para bantayan ang pinasukan nilang botika – basta't may magandang cover laban sa mga maaaring pagmulan ng anumang alingawngaw mula sa labas.

Sa loob, nilapag ni Bosnia ang machine gunner sa gilid habang tinabi ni Serbia sa sugatan ang light machine gun na ginamit para maghanap ng anumang mapapakinabangan sa pagpigil lalo ng pagbulwak ng dugo ng kanilang kasama.

Ang kaliwang hita at braso ang pinakanapuruhan kay Montenegro na nalulunod sa sarili niyang dugo. Sa dami ng sugat na kanyang tinamo dahil sa mga shrapnel, ang leeg ang binigyan ni Bosnia ng paunang-lunas at tanda iyan ng binalot na combat gauze bandage para mapigilan ang lalo pang paglabas ng dugo roon na napakakritikal.

Sinimulan niya na ring trabahuin ang iba pang bahagi ng katawang naapektuhan ng pagsabog. Tanda nito ay ang paggupit niya sa fatigue pants sa kaliwa na halos mapunit na rin sa pagsabog. Narinig niya ang tinig ni Monteengro, na para sa kanya, ay walang saysay.

"Ano'ng oras na? Mama, papa... patawarin niyo po ako."

"Balbas, magiging maayos din ang lahat! Huwag ka lang bibitaw!"

Nakuha ng tinig na iyon ang atensyon ni Bosnia na tumingin na rin sa kanyang mukha. Pumipikit na rin ang kanyang mga mata.

"Balbas, huwag kang magsalita nang ganyan at manatili kang gising! Magpokus ka, pokus!"

"Puta, walang gamot dito!" natalong pasabi ni Serbia matapos mahalughog ang lahat ng mga lagayan ng gamot. Ni isang gauze bandage ay wala silang nakuha. "Ano ang kalagayan niya?"

Hindi nagsalita si Bosnia na abala sa pagkapa sa leeg ng sugatan nilang machine gunner. Ilang beses pa niyang siniguro, pero wala ni isang tibok siyang naramdam. Kinapa niya rin ang kanang pulso sa pag-asang makakakuha pa siya ng anumang sinyales na buhay pa si Montenegro. Pero, wala na talaga. Tumirik na rin ang mga mata nito.

"Monte, Monte! Hoy!" Napabuntong-hininga na lamang si Bosnia. Alam niya ang ibig sabihin nito at kailangan niya nang sabihan si Serbia ng isang matinding katotohanan. "Serbia – wala na si Monte. KIA na siya."

KIA. Killed in action. Tatlong salita, pero sapat na para dugurin ang damdamin ni Serbia sa katahimikan. Pilit kinakalaban ng kanyang katawan ang eksenang sa harapan niya, kung saan nakasandal na lamang si Montenegro sa pader, naliligo sa sariling dugo mula sa mga sugat na tinamo nito sa pagsabog.

Ayaw niyang maniwalang patay na ang kinilala nilang si Mr. Balbas. Kaya ganoon na lamang ang pagtabi niya kay Bosnia at siya na mismo ang nagsuri sa pulso at leeg nito. Pati siya ay walang naramdamang pulso. Doon niya nakumpirmang wala na talaga ang kanilang machine gunner. Patay na si Montenegro.

"Serbia, ano ang susunod nating gagawin?"

"Kalasin mo na ang Negev at itapon mo ang mga piyesa para hindi na magamit pa. Tapos, umalis na tayo rito." Tinapik ni Serbia sa kanang braso ang patay na nilang kasama saka kinuha ang dogtag nito.

Plane of Existence: NirvanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon