Kabanata 21: Tulay sa Dalawang Mundo

9 0 0
                                    

Lungsod ng Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas
Disyembre 21, 2045; 20:08 H (GMT +08:00)

Kahit malamig, mainit ang ulo ni Technician. Himala pa nga kung maituturing na hindi pa niya pinapaputok ang pistolang nakalapag lang sa mesa. Tinititigan lamang ng nanlilisik niyang mga mata ang pintong nasa kanyang harapan, habang ang cook na nasa gawing kanan ay kakatapos lang mag-luto ng panibagong hapunan – ang tinolang puno ng gulay. Tang ina. Nawala ang aking pang-amoy.

Hinahinan na si Technician ng ulam at isinama na rin ang isang dangkal ng kanin na nakapatong sa babasaging pinggan. Tumigil na lamang ang kanyang pagtingin sa pinto nang siya ay lumingon sa gawing kanan para lang kausapin ang cook.

"Hoy, Cook – may mga kakilala ka sa Insaemun, hindi ba?"

"Oo naman. Bakit?" tanong ng naghain ng pagkain sa hapag ng kanyang pinagseserbisyuhan.

"Sasama ako pati ang isang daang tao." Simula na ng pagpapaliwanag ni Technician ang susunod nilang gagawin. "Sila ang magiging back-up ko kung sakaling magka-onsehan. Alam kong malakas ang puwersa ng mga Blue Helmets, pero hindi ako papayag na gagaguhin lang nila ako nang ganoon-ganoon lang."

"Teka lang. Bakit ganoon karami?" Kulang na lang ay mapakamot sa ulo ang nagluluto. Hindi nga lang ito magagawa dahil kalbo siya. "Baka hindi na mabantayan nang maayos ang teritoryo natin."

"Wala ka nang pakialam doon. Ang pake mo lang ay lutuan mo ako ng masasarap na pagkain," pagpapaalala ni Technician sa posisyon ng naglulutong kumontra sa kanyang kagustuhan. "Kailangan ko ng isangdaang katao. Lahat dapat ay may armas. Hindi puwedeng sumama ang sinumang bolo lang ang dala."

"Kung ito ang gusto mo, masusunod." Hindi na nag-isip pa ang cook. Sinunod niya na lamang ang utos na ibinigay sa kanya sa pamamagitan ng paglabas sa kuwarto at pagtawag sa mga taong kinakailangan.

Ang nagbagsak naman ng utos ay muling humawak sa telepono upang kausapin ang iba pa niyang kontak. Hindi basta-basta ang numerong kanyang pinindot, sapagkat iyon ay ang numero ng isa sa mga sinasabing pinakakinakatakutan sa buong Sheol. Hindi. Hindi iyon ang mismong Insaemun, at hindi rin iyon TRAY Associates.

"Who's this?" tanong ng lalaking sadyang pinalabo ang boses.

"Technician. I need your help in attacking Blue Helmets when my deal with them got fucked. I am sure they will bring the big guns."

"And why? What is the deal all about?"

"Project Nirvana. The result of it. I am getting it for the sake of your client. That is why. 9:30 am tomorrow, please go there. It is up to you where you will setup your rally point. My men are expected to be in civilian clothing but armed. Just support us in the fight in case the deal goes south."

"Roger that. We got it. The firepower you requested – you will get it. I promise."

"I am expecting your assistance. Do not betray me."

Ang adrenalinang dumadaloy sa ugat ni Technician ay siyang nagpalakas ng pagbaba ng telepono. Nananatili pa ring lisik ang kanyang mga mata, habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin. Oo, nagngingitngit kahit hindi kita sapagkat ang bibig niya ay tikom na tikom.

Alam niyang ang lahat ng barahang kanyang pagmamay-ari ay naitira na. Ang tanong nga lang ay kung mananalo ba siya sa sugal, at iyan ay kanyang sisiguraduhin kahit na umabot ang lahat sa sukdulan. Ako ang magwawagi. Ako lamang.

* * * * *

La Trinidad, Benguet, Pilipinas
Disyembre 21, 2045; 20:44 H (GMT +08:00)

Plane of Existence: NirvanaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang