Panimula

7 1 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.

(Fantasy Romance)

****

~START~

"Ina, ano po ba ang pag-ibig?" inosenteng tanong ng paslit na prinsesa sa kanyang ina habang sinusuklayan nito ang kanyang buhok.

Tumigil ang kanyang inang reyna sa pagsusuklay at tiningnan siya mula sa salamin. Nakita ng munting prinsesa na ngumiti ang kanyang ina.

"Pag-ibig? Alam mo ba sa mundo ng mga mortal, marami ang pinaniniwalaang kahulugan ng pag-ibig pero walang nakahanap ng totoong kahulugan nito?" kumunot ang noo ng prinsesa.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" tinabingi pa ng prinsesa ang ulo habang nakatingin sa ina na nakaharap sa salamin.

"Dahil wala talaga siyang kahulugan." hinarap ng reyna ang anak sa kanya. "Ang pag-ibig ay wala dito..." tinuro ng reyna ang sintido ng anak. "Kundi narito matatagpuan." tinuro naman nito ang tapat ng puso ng anak.

Bumaba ang tingin ng prinsesa sa tinuro ng ina bago tumingin muli sa ina na naguguluhan.

"Ina, hindi ko po maintindihan." tumawa lang ang reyna Lyra sa tinuran ng anak.

"Hindi mo malalaman ang pag-ibig hangga't di mo ito nararamdaman." hinalikan ng reyna ang noo ng anak.

"Ano po ang pakiramdam ng sinasabi nilang pagmamahal, ina?" Ngumiti ang kanyang ina.

"Amara Yvanna, napakasarap magmahal at mahalin."

"Ina, darating po ba na makilala ko ang nilalang na mamahalin ko?" ngumiti ang ina at hinawi ang buhok ng anak.

"Hihintayin namin ng iyong ama ang ginoo na mamahalin mo at tatanggap sa'yo." hindi na nagsalita ang prinsesa dahil naguguluhan pa rin siya sa pinaliwanag ng ina.

Ang nasa isip lang ng prinsesa ay ang maglaro at maglaro. Wala sa isip niya ang sinasabing pag-ibig ng kanyang mga kalaro na anak ng tagapaglingkod. Pero dahil sa mga sinabi ng kanyang ina ay napaisip ang munting prinsesa.

Matatagpuan ko ba ang lalaking aking mamahalin? Ano ang pakiramdam ng magmahal at mahalin?

***

"Mahal na prinsesa!!" napahalakhak ang prinsesa nang marinig ang tawag ni Luna sa kanya. Si Luna ang nag-alaga sa kanya mula nang siya ay isilang.

Hindi pinansin ng prinsesa ang tagapaglingkod at nanatili sa gintong puno na matatagpuan sa gitna ng kanilang kaharian. Nilabas ng prinsesa ang ginawa nila ng kanyang tiyo Stefano na hari sa kaharian ng mga sirena, ang teleskopyo na gawa sa kahoy.

Sumilip siya sa butas ng teleskopyo at napangiti nang makita ang kabuuan ng kaharian nila mula sa itaas ng puno. Ngumisi siya bago hawakan ang kwintas na binigay pa ng kanyang ina na may disenyong niyebe. Tumalon siya mula sa itaas ng puno at saktong nandoon si Luna sa kanyang tapat.

Napasigaw ang matandang tagapaglingkod sa gulat. Natawa ang pilyang prinsesa bago tumakbo sa isang bundok 'di kalayuan sa kinatatayuan nila. Muli siyang tinawag ni Luna, lumingon lang ang prinsesa bago sumigaw.

Moonlight Chronicles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon