Chronicles 2 Other World

1 1 0
                                    

Amara’s POV

Nagising ako na masakit ang ulo, bumangon ako at nilibot ang tingin sa paligid. Nasa kakahuyan pa rin ako pero wala na ako sa ibabaw ng gintong puno. Hindi ko na rin makita ang gintong puno. Tiningnan ko ang pulso ko at nakitang wala na ang liwanag dito.  Nasa ilalim ako ngayon ng isang malaking puno, lumingon ako sa kanan nang makarinig ng mga ingay.

Yumuko ako nang makaramdam na parang may kumikiskis sa paanan ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang puting kuneho. Umupo ako at hinarap ang kuneho.

“Ano ang iyong ngalan? Bakit tila mag-isa ka, kaibigang kuneho?” tanong ko dito pero nagulat ako nang bigla siyang tumakbo palayo sa akin kaya hinabol ko siya.

Nakarating kami sa paanan ng kabundukan at napanganga sa nakikita sa paligid. Agad kong binuhat ang kuneho habang nakatingin sa paligid. Maingay ang paligid at may mga nagtitinda sa gilid, tila malayo ito sa mundo namin. Karamihan din sa mga tinda dito ay mga espada, sibat, palaso at iba pang sandata na maaaring gamitin sa pakikidigma.

“Tumabi kayo, paparaaating na ang hari mula sa madugong digmaan.” Sigaw ng isang ale kaya dali-daling nag-alisan ang mga nilalang sa palligid.

Nilingon ko ang tinuturo niya at nakarinig ako ng tunog ng maraming yabag ng kabayo na tila ba nagmamadali. Tumabi na ang lahat ng nakaharang kanina sa kalsada pero nanlaki ang mata ko nang may makitang bata na nakaupo sa gitna na tila may hinahanap. Napatingin ako sa mga kabayo na parating kaya agad kong binaba ang kuneho at tumakbo papunta sa bata.

Niyakap ko ang paslit at napapikit na lang dahil ramdam ko na ang mga yabag ng mga kabayo. Narinig ko rin ang sigaw ng mga nasa paligid. Napadilat ako nang wala akong maramdaman na kahit na ano at natahimik ang paligid.

“Sino ka?” nag-angat ako ng tingin sa nagtanong, base sa kanyang itsura ay para siyang isang kawal na kagagaling pa lamang sa digmaan.

Nakasuot ng makapal na baluting gawa sa bakal at madugo ito maging ang kanyang mukha ay nababalutan ng dugo. Tinutok niya ang espada sa tapat ng leeg ko kaya napalunok ako.

“Inuulit ko, sino ka para humarang sa aming dadaanan?” matapang ang mukha na humarap ako sa kanya at tumayo.

“Tinatanong mo kung sino ako? Ako ang inyong prinsesa kaya wala kang karapatan na tutukan ako ng espada sa leeg.” Matapang kong sabi kahit na kinakabahan dahil sa espada sa leeg ko na isang maling galaw ay tiyak na papatay sa akin.

“Prinsesa?” tumawa ang kawal na parang isang malaking biro ang aking sinabi. “Wala kaming prinsesa dahil isang kahinaan ang pagkakaroon ng isang prinsesa sa kastilyo.” Kumunot ang noo ko sa kawal. Tiningnan ko ang paligid at lahat ay nakatingin sa akin na parang akong nawawala na sa sarili.

“Lapastangan ka, hindi ganyan makipag-usap sa isang prinsesa. Anong sinasabi mo? Ano bang kaharian ito? Alam ko na hindi na ito ang Fairy Kingdom dahil bawat sulok ng aming kaharian ay napuntahan ko na. Nasa Magic Kingdom, Elemental Kingdom o iba pa bang tribo dito ako? Imposibleng Meramaid Kingdom dahil nasa ilalim sila ng tubig. Nakarating na ako sa lahat ng kaharian ng Fantasy World pero ngayon ko lang ito narating.” Sabi ko na parang nagiisip.

“Ikaw ang lapastangan, binibini. Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Naaantala ang pagdaan ng hari dahil sa’yo. Mapapanagutan mo ba ang nangyari?” Sabi pa ng isang kawal na lumapit na rin sa amin, katulad ng nauna ay puro dugo rin ang kanyang mukha at baluti maging ang kanyang espada.

“Kayo ang-” di ko natapos ang sasabihin ng may sumigaw at sinabing…

“Magbigay pugay sa ating kamahalan.” Sigaw ng isa kaya nahawi sa gitna ang mga kawal na nakaharang lang kanina sa harap ko.

Moonlight Chronicles Where stories live. Discover now