Chronicles 4 Next Queen

6 1 1
                                    

Amara's POV

"Ano naman ang ginagawa mo dito? Wala ako sa mundo mo kaya ibaba mo ang espada mo. Ito ngayon ang mundo ko..." napatigil ako at nanlaki ang mata sa naisip.

Posible bang muli akong bumalik sa mundo nila at hindi panaginip ang lahat? Nanlaki ang mata ko nang may lumabas mula sa pinanggalingan nitong emperador.

"Clovis?" gulat kong tanong, tumakbo siya papunta sa akin kaya agad ko siyang kinalong.

"Nasa mundo ba ulit ako ng Jarek? Nasa imperyo ng Quebec?" tanong ko, kumunot ang noo niya.

"Walang ganyang lugar sa mundo namin." Sabi niya at tinuro ang ilog na kanina lang ay pinanggalingan ko.

"Walang ilog sa inyo? Seryoso ka?" tiningnan niya ako ng masama kaya natikom ko ang bibig.

"Wala ng anyong tubig sa mundo namin dahil natuyo na." tumango na lang ako, wala nga akong nakita nang makarating ako sa mundo nila.

"Kawawa naman pala kayo pero teka... anong ginagawa mo dito? Paano ka nakarating sa mundo namin?" tanong ko, umiwas siya ng tingin at naglakad na lang papunta kay Sapphire kaya nanlaki ang mata ko.

"Hoy, anong gagawin mo sa alaga ko?" akmang dudukot ako ng palaso nang mapahinto ako. Maingat niyang hinawakan ang paa ni Sapphire at tiningnan ito.

"Nagulat ko lang siya at hindi siya tinamaan ng bato. Ginawa ko lang iyon para pigilan ka dahil muntik mo nang mapatay ang kuneho." Paliwanag niya at lumingon sa akin, tiningnan ko ang hawak kong kuneho.

"Sagutin mo ang tanong ko, anong ginagawa mo dito at bakit kasama mo si Clovis?" nagkibit balikat siya.

"Hindi ko rin alam, hindi ito ang unang beses na makarating ako sa mundo niyo. Bigla na lang ako nagigising sa ibang mundo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ibig mong sabihin ay nakarating ka na dito at alam mo na nagsasabi ako ng totoo sa mundo niyo?" nagkibit balikat siya kaya kumuyom ang kamao ko. "Pero ipinakulong mo pa rin ako?"

"Nang unang beses akong nakarating dito ay ilang taon na ang nakakalipas. Walang nakaalam sa mundo namin na nawala ako dahil ang katawan ko ay naiwan doon at may sakit ako sa mundo namin. Akala ko panaginip lang ang lahat kaya pilit kong kinalimutan pero bigla ka na lang nagpakita at nagpakilalang taga-ibang mundo. Pinakulong kita dahil ayaw kong tanggapin na may ibang mundo pa bukod sa aming mundo." Paliwanag niya kaya napatitig ako sa kanya, habang nagsasalita siya para bang nawala ang matapang at malupit na emperador sa mundo nila.

"Hindi mo alam na posibleng may ibang mundo? Ako nga alam kong may mundo pa ng mga mortal pero hindi ko alam ang tungkol sa mundo niyo." Kumunot ang noo niya.

"Mundo ng mga mortal? May iba pang mundo?" tumango ako.

"Oo, mga tao sila." Sabi ko, lumapit ako kay Sapphire at nakahinga ng maluwag nang makitang wala siyang sugat. "Anong plano mo dito? Huwag kang mag-alala dahil hindi kita ipapakulong. Kapag ginawa ko iyon ay tiyak na lilikha iyon ng pagdududa sa mga magulang ko." sabi ko kaya nang makatayo na si Sapphire ay sabay na kaming naglakad habang nasa likod niya si Clovis. Alam ko na nakasunod ang emperador sa amin.

"Hindi ko alam pero ang nais ko ay alamin kung anong kababalaghan ang nangyari." Tumango lang ako dahil kahit ako ay yun din ang gustong malaman.

Alam kong may mundo ng mga mortal at alam ko rin puntahan iyon dahil minsan na akong tinakas ni tiyo Stefano para puntahan iyon dahil doon daw lumaki ang aking ina. Pero iba ang mundo nila, hindi ko alam kung paano ako nakarating doon at siya dito. Para bang walang lagusan at kusa ka na lang dadalhin ng tadhana sa ibang nundo kung kanyang naisin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Moonlight Chronicles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon