Chronicles 3 Queen's Power

1 1 0
                                    

Amara’s POV

Pinatong ko ang baba ko sa tuhod kong nakatiklop habang nakaupo sa malamig na sahig ng kulungan. Buong buhay ko ay hindi ako nakaranas na makulong kahit pa sa sarili kong silid. Aaminin kong pasaway ako at sutil pero ni minsan ay hindi naisip ng mga magulang ko na ikulong ako para parusahan.

Tiningnan ko ang kuneho na tanging kasama ko dito na panay ang talon na parang masaya pa siya dahil nakakulong kami.

“Kuneho, bakit tila masaya ka pa? Tiyak akong nagaalala na sila ama at ina sa kaharian. Alam nilang mahilig akong mamasyal ngunit hindi ako nagtatagal na wala.” Pagkausap ko sa kuneho na hindi ako pinapansin.

“Anong ngalan mo, munting kuneho?” malamang ay hindi pa rin siya sasagot kaya nag-isip ako.

“Alam ko na, simula ngayon ikaw na si Clovis na ang ibig sabihin ay dakila sa gitna ng digmaan.” Nakangiti ko pang sabi. Ngumuso na lang ako at muling naalala ang pinagusapan namin ng emperador.

“Sino ka?” naalala ko ang isang tanong na lagi kong naririnig sa panaginip ko mula pagkabata. Sino ka? Sino nga ba ako? At sino siya? Ang lalaking may pulang bandana.

“Sinabi ko na diba? Ako si prinsesa Amara Yvanna pero kung ayaw mong maniwala na isa akong prinsesa ay ikaw ang bahala. Basta sinabi ko na ang pangalan ko.” umirap ako kaya kumunot ang noo niya.

“Huwag mo akong bastusin, hawak ko ang buhay mo at isang kumpas ko lang ay maaari kang pugutan ng ulo.”

“As if I care. Namomroblema na nga ako kung paano makabalik sa mundo namin, bibigyan mo pa ako ng isang problema. Kahit kailan ay hindi ako natakot sa banta ng kung sino.” Matapang kong sabi.

“Saan ang iyong mundo na tinutukoy? Paano puntahan iyon?” umiling ako sa sinabi niya.

“Bakit ko sasabihin? Lulusubin mo ang mundo namin? No, thanks. Baka idamay mo pa ang mundo namin sa kabaliwan mo.” Umiiling na sabi ko na kinakunot ng noo niya. Nagulat ako nang hawakan niya ang leeg ko kaya napatingkayad ako, hindi ako makahinga sa higpit ng hawak niya.

“Binalaan na kita, hindi mo gugustuhin akong maubusan ng pasensya sa babaeng tulad mo.” Madiin niyang sabi habang matalim na nakatingin sa akin kaya bigla akong kinabahan.

“Aking kapatid, tama na iyan dahil hinahanap ka na ng ating mga kapatid.” Binitawan niya ako dahil sa lalaking bigla na lang sumulpot.

“Pasalamat ka at dumating ang kapatid ko, kundi hapunan ka na ng mga dragon.” Sabi ng emperador at naglakad na palayo.

“Tsk, sino ka ba? Kung ako sa’yo huwag mong gagalitin ang aking kapatid. Ako si Hades Apollo, ang ikalawa niyang kapatid.” Nagpakilala ang lalaki bago sumunod sa kapatid niyang masamang emperador.

Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako sa tuwing maalala ko ang talim ng tingin niya sa akin. Naalala ko ang kwento ni ama tungkol sa kasamaan ng Dark King dati nung nabubuhay pa ito.

Sa tingin ko si Emperador Ares ang Dark King sa mundong ito. Kailangan ko nang makauwi sa amin bago pa ako mamamatay dito, alam ko naman na matabil ang dila ko noon pa man pero ngayon alam ko na ang ibig sabihin ni Apo Luna na ang pagiging matabil ng dila ko ang magpapahamak sa akin.

Humiga ako sa malamig na sahig at pumikit bago ako tuluyang nakatulog.

***

“Kamahalan? Gumising na po kayo.” Rinig kong tawag ni Zaira kaya agad akong napabangon.

Mabilis kong tiningnan ang paligid at napangiti nang malamang nakabalik na ako. Tiningnan ko ang suot at nakitang nakasuot ako ng pulang bestida, nakaupo na rin ako sa kama.

Moonlight Chronicles Where stories live. Discover now