18.

452 9 0
                                    

MAHAL AKO

Chin

Hindi pa rin tumitigil ang pagpatak ng luha sa aking mata nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Nakatingin lamang ako sa sahig habang pinupunasan ang aking mga luha. Bigla ko na lamang naramdamang may kamay na dumampi sa aking likod at hinaplos haplos iyon na parang pinapatahan ako. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ako ng mga mapupungay na mata ni Patrick. Ang tagal ko na ring hindi nakikita si Patrick kahit sa kompanya nila ako nagtatrabaho dahil na rin siguro sa pagiging busy niya sa mga meetings.

"Ayos ka lang ba?" malumanay niyang tanong.

Napatango ako. Bigla akong namutla. Kakaalis lang ni Andrei ah at biglang sumulpot itong si Patrick sa tabi ko. Narinig niya ba ang lahat?

"Narinig mo?" tanong ko wala sa sarili. Tumango siya.

Napasinghap ako. Ang iniingatan kong lihim ay unti-unti nang nasisiwalat. Nalaman niya na ang pinaka malungkot na kabanata ng aking nakaraan. Iniwan ko si Andrei para sa kasikatan.

Hindi agad siya nakasagot. Tumingin lamang siya sa akin. Alam kong maraming katanungan ang nasa utak niya pero hindi ko iyon masasagot sa ngayon.

"Siya ba ang dahilan kung bakit umiiyak ka gabi-gabi nung nasa training camp ka?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Alam niya iyon?

Pagkatapos kong ireject ang wedding proposal ni Andrei ay agad akong nag under go sa training program ng kompanya nila. Maaga akong bumabalik sa apartment kung saan namamalagi ang mga trainee katulad ko pagkatapos ng training. May sarili akong kwarto kaya agad agad kong nilolock ang pinto at nakaupo lagi sa gilid ng bintana na umiiyak. Nagsisisi ako sa nangyari pero wala akong magawa. Desisyon kong pakawalan siya.

Napatango ako at nagsisimula na namang pumatak ang luha ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako umiyak sa araw na ito.

"Susundin mo ba ang gusto niya?" tanong niya. Hindi ako nakaimik. Kung paglayo ko ang paraan para mapatawad niya ako ay gagawin ko iyon. Tiningnan ako ni Patrick na naghihintay ng isasagot ko. Nag-iwas ako ng tingin.

"So, susundin mo talaga siya?" sarkastikong tanong niya. Tila nababasa niya ang tumatakbo sa utak ko.

"Are you that stupid?" narinig ko ang galit sa boses niya ng nakompirma niya ang sagot sa tanong niya. Pero nagulat ako na sinabihan niya akong stupid, ngayon niya lang ako pinagsalitaan nang ganun.

"What?!" sagot ko. Nakita ko ang pagkuyom ng palad niya. Tumingin siya sa akin na animo'y di makapaniwala sa nangyayari. Ako din naman ah, di makapaniwalang dito aabot ang lahat ng desisyon ko.

"Lalayo ka dahil iyon ang sinabi niya? Ikaw, Chin Galvez! Nagpapadikta sa isang lalaking tulad niya?" nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Kung iyon lang ang solusyon sa lahat ng galit niya sa akin..lalayo ako," sagot ko. Nakita kong hinawi niya sa gilid ang bangs na nakatabon sa kanyang mata.

"Nasisiraan ka na talaga ng bait, Chin! Three years.. three years kang nagtiis para maabot ang pangarap mo tapos lalayo ka nang dahil sa sinabi niya?" nakikita ko ang frustration sa mukha niya. Kumunot ang noo ko.

Alam kong malaki ang mawawalan sa kompanya nila kung aalis ako kaya siguro nagkakaganito siya. Lahat ng album ko ay nasosold out agad after ng releasing nito. Nasosold out din ang mga ticket ng concert ko at maraming endorsement and sponsor ang nahuhugot ko.

"I'm sorry kung ganito ang desisyon ko. Malaki ang utang na loob ko sa inyo dahil hindi ko maaabot ang lahat ng ito. Siguro naman deserve ko rin ang magpahinga muna," tanging nasabi ko. Nanlaki ang mga mata niya.

"No, hindi ako papayag," mariin niyang sinabi. Bakit ba ayaw niya akong pakawalan? I need to take a break. Gusto kong magpahinga muna at mag muni-muni. Pagkakataon ko na din itong mag move-on. Mag move-on sa lahat ng sakit sa puso ko.

"Bakit ba? Mas maraming artist ang magaling sa akin. Makakahanap din kayo ng papalit sa akin," sabi ko.

"Hindi. Hindi kita bibitawan," malamig niyang sabi. Tumindig ang aking balahibo sa sinabi niya parang may ibang kahulugan.

"HA?"

Napabuntong hininga siya bago ako tiningnan ulit. Bigla niyang hinaplos ang aking pisngi at pinahid ang aking mga luha.

"Nasasaktan ako kapag nakikita kitang ganito," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa aking mga mata. Tila umurong ang dila ko at hindi ako nakaimik sa sinabi niya.

"Tutulungan kitang makalimutan siya," pagpapatuloy niya. Nanlaki ang mga mata ko. Ano namang tulong ang maaari niyang itulong sa sugatan kong puso?

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Hindi ko alam kung manhid ka ba o masyado ka lang talaga nabubulag sa pagmamahal mo sa ex mo," sabi niya.

"HA?"

"You know I like you, Chin. Simula nung pumasok ka sa agency, nasayo na ang buong atensyon ko," pag-amin niya. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makahanap ng tamang salita na sasabihin sa kanya. Gusto niya ako? Nagtatapat talaga siya ngayon?

"Rick.."

"I know this is a bad timing pero gusto kong malaman mo na andito ako lagi para sa'yo. Kung ayaw ka niyang mahalin, ako..ako ang magmamahal sa'yo higit pa doon," malambing niyang sabi habang hinahaplos ang kabuuan ng aking mukha. Mula sa aking pisngi, sa aking ilong, sa aking mata at sa gilid ng aking labi. Napatalon ako ng makitang huminto siya at ang kanyang mga mata ay nakapirmi sa aking labi. Napalunok ako ng sunod sunod.

"Rick.." hindi ko kayang itaboy ang lalaking ito sa harapan ko dahil gusto ko lang talagang mapag-isa ngayon. Hinayaan ko lang siya na tingnan ako ng ganoon. Ramdam kong sincere siya sa sinabi niya, sa halos tatlong taon naming pinagsamahan..ngayon niya lang pinagtapat ito kahit alam kong iba ang binibigay niyang atensyon sa akin. I thought dahil siguro sa pagiging close namin. Sana ganito din si Andrei, yung magtatapat ng pagmamahal sa akin tulad ng dati. Bigla na namang kumirot ang puso ko ng maalala ang nangyari.

Biglang tumulo ang luha ko sa pag-iisip sa kanya. Damn this. Wala na ba talagang katapusan ang pag-iyak ko?

"Hindi kita pipilitin ngayon, Chin. Hayaan mo akong ipakita sa'yo na totoo ang nararamdaman ko. Gusto kong pag naka recover ka na, ako ang sasalubong sa'yo," pagsusumamo niya. Tatanggihan ko ba siya? Hindi ko alam because I'm too numb right now to feel anything. Ayaw ko rin siyang paasahin at saktan din kasi pinagdadaanan ko lahat iyon.

"Masasaktan ka lang. Ayaw kong maranasan mo ang nararansan ko. I'm too broken, Rick. Parang hindi pa ako handa na magmahal muli," sabi ko. Nanginginig ang kamay ko. Napansin niya iyon kaya hinawakan niya iyon ng mahigpit.

"I'll wait. Magsusugal ako kahit alam kong simula pa lang ay talo na ako pero para sa'yo, maghihintay ako," determinado niyang sabi. Naalala ko si Andrei sa kanya, ganito din siya dati sa akin nung nanliligaw siya. Gusto kong iumpog ang ulo ko ngayon sa pader dahil siya ang iniisip ko ngayon gayong si Patrick ang nasa harapan ko, nagsusumamo na mahalin ko.

What is my effin problem?

Ayaw kong sagutin siya ngayon. Ayaw kong maging panakip butas siya para makalimutan si Andrei.
Hindi ako nakasagot.

"No pressure, Chin. I will do everything. Anything that make you fall deeply in love with me," sabi niya.

Kung ibang babae lang siguro ang nasa posisyon ko ay agad agad na sasagutin ang lalaking ito. Patrick is one of the kind and handsome guy I met pero sa ngayon all I have to do is clear my mind at unti unti nang mag move on. I like Patrick as a friend. Siguro hahayaan ko na lang muna siya ngayon. Bahala na.

Bahala na.

The Wedding ProposalWhere stories live. Discover now