22.

472 11 18
                                    


MAKE WAYS TO LOVE ME...AGAIN

Chin

Hindi ako makatulog nung gabing iyon. Dito muna ako sa bahay nag stay dahil ayaw akong payagan ni mom na bumyahe dahil maghahating gabi na. Pagkatapos umalis ni Andrei ay agad kong kinausap si mom. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya o matutuwa dahil panay ang ngisi niya sa buong magdamag.

"Mom! Bakit niyo pinapunta dito si Andrei?" tanong ko sa kanya ng makita ko siyang prenteng nanonood ng palabas sa tv na telenovela sa sala. Umupo ako sa tabi niya habang siya naman ay nakatingin pa rin sa tv.

"Ayaw mo nun, nak? Nagkasama ulit kayo?" sagot niya habang kinakain ang pop corn na nasa tabi niya. Parang magbest friend ang turingan namin ni mom dati pa. Alam niya ang mga nagiging problema ko especially sa boys. Nagiging mahigpit siya minsan pero hindi niya ako sinasakal. Bilib ako sa kanya dahil naitaguyod niya akong mag-isa.

"Mom naman!" naiinis kong sabi sa kanya. Hindi ko alam kung saan ba talaga ako nagmana. Tahimik akong tao at mahiyain salungat sa kanya na madaldal at masyadong expressive sa kanyang nararamdaman. Gusto lagi ni mom na tulungan ako sa mga problema ko kaya siya ang gumagawa ng hakbang na resolbahin iyon.

"Wag ka ngang pakipot nak! Kitang kita ko naman na pareho niyo pang mahal ang isa't-isa. Oh, anong nangyari kanina nung umalis ako?" nakangising sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. Tama ang hinala kong planado niya ang lahat ng nangyari.

"So, plano niyo po pa lang iwan kami doon kanina?" tanong ko. Napatango siya. Napabaling ang atensyon niya sa akin tila naging background music na lang ang mga ingay na nanggagaling sa tv. Tiningnan niya ako na naghihintay ng sagot. Parang bata na excited makarinig ng kwento.

"Oh tapos? Anong nangyari?" may halong excitement sa boses niya.

Napabuntong hininga ako bago siya sinagot. Total wala naman akong may maitatagong lihim kay mom.

"He said he still loves me pero galit pa rin siya sakin," sabi ko. Namilog ang mga mata ni mom at gumuhit ang malapad na ngiti sa kanyang mga labi.

"Haha. Itong si Andrei pa hard-to-get pa!" humagalpak sa tawa si mom. Kumunot ang noo ko habang tumatawa siya na parang hindi makapaniwala. Minsan nagtataka ako kung siya ba talaga ang nanay ko.

"Mom! Hindi hard-to-get si Drei! Nasaktan ko kasi siya kaya ganun na lang ang inasal niya kanina," pagdedepensa ko. Nakita ko naman ang pagkamangha sa mga mata niya.

"Wow, nak. Mahal na mahal mo talaga si Drei no? Pagkatapos ka niyang ipagtabuyan ay pinagtatanggol mo pa rin siya?" pagmamangha niya. Eh, ano magagawa ko? Kahit ilang beses niya akong ipagtabuyan ay bumabalik pa rin ako sa kanya. Hindi agad ako nakaimik. Paano ko ba papatunayan kay Andrei na mahal ko siya? Kung papatunayan kong mahal ko siya..may mangyayari ba? Oo, kahit na umamin siyang ako pa rin ay alam kong hindi sapat iyon. Hindi sapat ang mga salita kung hindi iyon ginagawa. Pero sa pagmamahalang ito, alam kong may masasaktan. Ayaw kong makaapak ng ibang tao lalong lalo na si Grace.

"May girlfriend na siya, mom," malungkot kong sabi. Tila may tumutusok sa dibdib ko.

"Sus, asawa nga naaagaw..girlfriend pa kaya?" walang preno na pagkakasabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko. Hindi talaga ako makapaniwala na sa kanya galing ang mga salitang iyon.

"Mom!" saway ko sa kanya.

"Nak, diba ikaw na ang nagsabing mahal ka niya? Huwag ka ng mag-aksaya ulit ng panahon! Nabuhay kayong dalawa na malungkot, puno ng galit at pagsisisi sa mga puso niyo. Nakita ko kung gaano nasaktan si Drei nang wala ka at alam ko din ang mga pinagdaanan mo. Wala akong may sinisisi sa inyong dalawa. Ito ang bunga ng mga pinili niyong landas na tatahakin at pinili mong wala si Andrei habang inaabot mo ang mga pangarap mo. Anak, this time, gusto kong pag-isipan mo lahat ng ito. Gusto kong pag nagdesisyon ka ulit ay piliin mo ang dinidikta ng puso mo. Andito lang ako palagi para sa'yo. Sya, sige matutulog na ako," seryoso niyang sabi sabay paghalik sa noo ko at dumirecho na siyang naglalakad sa kwarto niya na nasa taas lang.

The Wedding ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon