28.

404 5 6
                                    

LEAVE

Chin

"Ano bang ginawa mo sakin, Chin?" sabi ni Drei sa kalagitnaan ng mainit naming halikan. Tila nangangatog na ang tuhod ko habang kami ay nakatayo. Isinandal niya ako sa pader at ikinulong ang aking dalawang kamay sa magkabilang panig. His kiss was hard and very intense. Animo'y sabik na sabik sa labi ko. How I missed his lips.

Aaminin kong ilang beses na kaming naghahalikan dati pero sa bawat halik niya, pakiramdam ko iyon ang unang halik ko.

Manakanaka akong napapadilat sa tuwing may naririnig ako sa paligid. Hindi pwedeng may makakita samin sa ganitong sitwasyon. Mahal ko si Drei pero wala akong balak na wasakin ang pangalan ko sa publiko dahil sa scandal na to. Binitawan niya ang isa kong kamay at ipinasok ang kamay niya sa loob ng tshirt ko. Naramdaman ko na lang ang palad niyang nasa kaliwang dibdib ko na.

"Ugh, Drei. Baka may makakita satin," sabi ko habang nakapikit at dinadama ang bawat niyang halik. Nakakapanibago ang sensasyong dulot nito. May bahagi sa akin na mali itong ginagawa ko pero ang bugso ng damdamin ko ay nananabik sa kanya. Angkinin mo ako, Drei. Sa umpisa pa lang ako'y sayo na. Nagkibit balikat lamang siya at patuloy pa rin sa kanyang ginagawa.

Unti unti niyang binitawan ang kamay kong ikinulong niya at agad akong hinawakan sa aking bewang at idiniin sa katawan niya. Awtomatikong pinulupot ko ang aking mga kamay sa kanyang batok at napapasabunot ako sa kanyang buhok sa tuwing hahalikan niya ako sa leeg.

Nakakaramdam ako ng init sa buo kong katawan. Shemay, gagawin na ba talaga namin to? Hindi ko pinagarap na sa labas ng opisina niya gawin namin to. Paano na lang kung may makakita sa amin dito? Umiinit ang pisngi ko sa naiisip ko. I loved this man all my life. Sa mga oras na to, nais ko lang damhin ang sandaling ito na hinahagkan siya. Hindi ko maitatanggi sa sarili ko ang kasiyahan sa puso ko.

Sa bawat pagdampi ng labi niya sa aking balat. Sa bawat haplos ng kanyang palad, sa bawat paghinga niya, alam ko, alam kong ako pa rin ang mahal niya. Ako lamang.

Bigla siyang huminto sa ginagawa niya at tiningnan ako sa aking mga mata. Nakaramdam ako ng pagkadismaya. Seriously, Chin? Bumibilis ang tibok ng puso ko sa mga titig niyang tumatagos sa aking kaluluwa.

Unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Kumakabog na naman ang puso ko. Hahalikan niya ba ulit ako? Awtomatikong napapikit ako. Naaamoy ko na ang mabango niyang hininga. Hindi ako makapaniwalang aabot kami sa ganito. Naramdaman kong kamay niyang hinawi ang hibla ng buhok at papunta sa likod ng tenga ko.

"Mas masarap pa din ba ako humalik kaysa sa kapatid ko, Chin?" pabulong niyang sabi. Napadilat ako. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Tila sinuklaban ako ng langit at lupa sa narinig ko. Akala ko hinalikan niya ako dahil mahal pa rin niya ako pero nagkamali ako. Hinalikan niya ako para patunayan na mas magaling siyang humalik kaysa sa kapatid niya. This bastard!

"Hindi kami naghalikan!" napipiyok na ako. Pinipigilan ko ang luha kong nagbabadya nang tumulo. Bakit ganun? kahit anong masasakit na salita ang ibinabato niya, mahal ko pa rin siya.

"Talaga? Siguro kung nasa ibang lugar kayo ay higit pa sa halikan ang gagawin niyo," sabi niya. Mas lalong uminit ang ulo ko. Damn you, Drei! Sa sobrang inis ko ay hinampas ko sa dibdib niya ang plastic bag na hawak ko na may lamang ulam.

Masyado nang masakit sakin ito pero heto pa rin ako..nagpapakatanga paravsa kanya!

"Damn you! Hindi ko alam kung bakit pa ako nag-effort paglutuan ka ng ulam kung ganito rin pala ang iaasta mo sakin! Oo, alam kong galit ka sakin pero hindi pa ba sapat sa'yo ang paghihirap ko? Hindi pa ba sapat sa'yo ang masasakit na panunumbat sakin? Simula nang dumating ako lagi mo na lang ako itinataboy," panunumbat ko sa kanya. Sawang-sawa na ako kakaiyak nang dahil sa kanya. Pagod na pagod na ako.

"Ikaw pa talagang may ganang manumbat sakin ng ganyan? Pagkatapos ng lahat, Chin?! Hindi mo alam kung gaano kahirap sakin nung mawala ka," tila nanlambot ako sa sinabi niya. I know I was wrong at ginagawa ko naman ang lahat para mapatawad niya pero bakit ganun? Ang tigas tigas niya.

"Huwag mo nang idamay ang kapatid mo dito, alam kong sakin ka galit diba? Sa akin ka magalit," sabi ko nang hindi siya tinitingnan.

"Ano pa ba ang dapat kong gawin para mapatawad mo? You want me to leave? Okay, aalis ako kung yan ang gusto mo," halos magmakaawa na ako sa harapan niya. Sinabi na niyang umalis na ako dati pero hindi ko ginawa. Maybe this time, pagbibigyan ko na siya. I will leave.

The Wedding ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon