6.

723 17 2
                                    


SELOS

Chin

 Ano ang nararamdaman ko ngayon? Pinilit kong mag-enjoy pero deep inside gusto ko ng umalis at umuwi pabalik ng Maynila. Bakit ba kasi nagkita pa kami ulit? Damn this destiny. Gusto niya talaga isampal sa akin na maling-mali ang ginawa ko dati.

Kasalanan bang abutin ang mga pangarap ko? Ngayong natatamasa ko na ang gusto ko, bakit may gusto pa akong abutin na imposible ko ng makuha? Imposible na talagang makuha ulit ang puso niya. Will my feelings reach you?

"Chin, gusto mo bang umalis na tayo dito?"pag-aalala ni Wendy habang nakatingin sa akin. Tumayo ako sa kinauupuan ko at inayos na ang aking gamit.

 "Yeah, let's go. May mall tour pa ako bukas," sabi ko. Akmang paalis na kami ng biglang may yumakap sa aking likod na kay higpit.

"Ate Chin. Ang saya ko dahil nandito ka," pamilyar ang boses na iyon sa akin. Humarap ako para makita kong sino iyon.

Gusto kong umiyak sa sobrang saya dahil nagkita ulit kami ni Denise, isa sa mga pamangkin ni Andrei sa pinsan niyang si George.Espesyal na tao sa buhay ko si Denise. She's like a little sister to me. Palagi niya akong pinapatawa kapag nalulungkot ako. She always smiles kahit na may sakit siya. She undergoes sa mga therapy dahil sa sakit niyang leukemia three years ago.

"Oh my god! Denise..ikaw ba yan? you look so pretty! Ang laki mo na!" mangiyak-nguyak na sabi ko sabay pagyakap ko sa kanya ng mahigpit. Hindi na siya ang maputla at patpating Denise tulad ng dati. She's healthier and more beautiful. Isa nga siyang Lee.

"Ikaw din ate! Sikat ka na nga e, I'm glad na naabot mo din ang pangarap mo," masayang-masaya niyang sabi.

"Kamusta ka? ang tagal ko ng walang balita sa'yo," sabi ko.

"Kami nga rin e, wala na ding balita sa'yo simula nung umalis ka," saad niya

 "I'm sorry kung hindi ako nagpaalam sa inyo," tugon ko

 "It's okay ate, ang importante nagkita tayo. Ate sino ang kasama mo?" pagmamasid niya sa paligid.

  "Oh, si Wendy,remember her?" sabay turo kay Wendy na nasa likuran niya.

  "OMG..ate Wendy, is that really you? Ang ganda ganda mo na di tulad ng dati na parang.."

  "Ayan ka na naman Denise sa pambubully mo e, tulad ka pa din ng dati," may himig na pagtatampo sa boses ni Wendy. Niyakap siya ni Denise.

  "Si ate Wendy talaga, hindi pa rin nagbabago! matampuhin pa din!" pang-aasar ni Denise kay Wendy.

 "I'm glad na nagkabati na kayo ni tito Andrei," baling niya sa akin.

  "What?" tila nabibingi ako sa sinabi niya.

  "Diba, tito Andrei invites you here?" pagtataka ni Denise.

"No, I'm the one who invites her here," napapitlag ako sa nagsalita mula sa likuran. Si Mrs. Thelma Lee, ang bride ng wedding at ang magiging future mother-in-law ko sana. Hindi ko magawang makatingin sa kanyang mga mata habang siya naman ay nakamasid sa akin. Paano ko haharapin ang taong nagtiwala sa akin na hindi ko sasaktan ang anak niya?

"I'm glad na pumunta ka sa wedding anniversarry namin ni tito Alfonso mo," nakangiting sabi ni tita Thelma. Mas lalo akong nakonsensya sa ginawa ko dati. As I attend this wedding ceremony, nag-eexpect ako na makakatanggap ako ng pangungutya, galit, yamot galing sa kanila pero hindi iyon ang nangyari. Mainit pa rin nila akong tinanggap. Am I that idiot? Am I that naive? Ang laki kong tanga na sinaktan ko sila. Si Andrei kaya, mainit din kaya ang pagtanggap sa akin tulad nila?

The Wedding ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon