4.A. Backseat

19.5K 431 49
                                    

Chapter Four: Backseat

Masaya kaming nagkukwentuhan nina Helena at Aia habang naglalakad nang matanaw ko si Andrew, may kasamang babae. Bigla na lang may tumusok sa aking puso. Sino kaya siya? Bakit sila magkasama? Lumihis ako ng landas upang sundan sila.

"Akala ko ba sa Education?" sabi ni Helena.

Patungo kami sa gusali ng College of Education para sa first general meeting ng Campus Ministries, ang organisayon na aking sinalihan. Hiniling ko kina Helena at Aia na samahan ako, hindi naman sila tumanggi.

"Ella," sabi ni Aia, "sa'n ba talaga tayo pupunta?"

Dire-diretso ako sa paglalakad, hindi napupuknat ang tingin kay Andrew at sa kasama niyang babae. Naka-ponytail siya, maganda ang katawan at tindig pero hindi ko alam ang kanyang hitsura dahil nakatalikod sa amin.

"Shh."

"Bawal ang maingay?" sabi ni Helena.

"Sino ba 'yang sinusundan mo?" sabi ni Aia.

"Si Andrew."

"Sinong Andrew?" sabi ni Helena.

"Basta! H'wag kayong maingay, baka marinig tayo."

"Anong basta?" sabi ni Aia. "Pinsan mo ba 'yan? Kapatid? Sino ba siya?"

Nangilabot ako sa kaisipan na magpinsan o magkapatid kami ni Andrew.

"Promise walang ibang makakaalam," sabi ko, nahihiya, kagat-kagat ang aking hinlalaki.

Magkasabay tumango sina Helena at Aia pero parehong naniningkit ang kanilang mga mata.

"Siya kasi ang . . . " Hindi ko mahagilap ang aking dila, suntukan din ang aking dibdib. Tumungo ako. "Super crush ko siya simula high school."

Tila hindi ako makahinga dahil sa ginawa kong pag-amin. Pakiramdam ko unti-unting namumula ang aking pisngi. Ito pa lang kasi ang pangalawang pagkakataon na sinabi ko sa iba ang nararamdaman ko tungkol kay Andrew. Una, kay Gerlyn na bestfriend at classmate ko noong high school.

"Talaga?" sabi ni Helena. "Kinikilig naman ako." Hinampas niya ako sa braso.

"Crush lang talaga?" tanong ni Aia. "Bakit may super?"

Natigilan ako. Bakit nga ba? "Siguro . . . siguro nga gusto ko na siya!" Nasapo ko ang aking mukha nang mapagtanto ko ang mga lumabas sa aking bibig.

"Uy, dalaga na siya," sabi ni Helena, naging matinis at mataas ang tono ng kanyang boses.

"Ella, h'wag kang mahiya," sabi ni Aia. "Normal lang 'yan."

Tinanggal ko ang takip sa aking mukha. "Pero alam ko namang imposible na magustuhan niya ako."

"Bakit mo naman nasabi 'yan?" sabi ni Aia. "Di ba, siya pa nga ang nagtanggol sa 'yo kay Jayden?"

Ngumiti ako. Gusto ko ring paniwalaan ang bagay na 'yon, pero mahirap umasa. "Imposible 'yon. Pa'no niya ako magugustuhan, hindi naman ako maganda? Hindi ako maputi."

Maputi gaya ng babaeng kasama ni Andrew.

"Girl, ano ka ba?" sabi ni Helena, nakalapat ang kanyang mga kamay sa aking braso habang pinandidilatan ako. "Ang harsh mo sa sarili mo. Maganda ka, okay? Maraming nagsasabi niyan, mga classmates natin."

"Tama," sabi ni Aia. "Ano naman kung hindi ka maputi? Hindi naman sunog ang balat mo, makinis pa. 'Tsaka, girl, ang ganda kaya ng mga mata mo, bilugan."

"At ang hahaba pa ng eyelashes, nakakainggit," sabi ni Helena. "Maganda ka, girl, tandaan mo 'yan. Wala akong friend na panget." Nagtawa siya.

Ngumiti ako dahil sa mga positibong salita nina Helena at Aia. Pagdating kay Andrew, hindi ko maiwasang magdramang-bukid. Hindi naman talaga pangit ang tingin ko sa aking sarili, pwera lang sa hugis ng aking mga kilay – makapal. Tila kilay daw ng isang lalaki, bagama't bumagay din naman sa kabuuang hitsura ng aking mukha.

Jayden UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon