30.B. Necklace

9.8K 200 9
                                    

Chapter Thirty: Necklace

"Thank you so much, Ri. You have no idea how much you made me happy."

Kitang-kita ko kung gaano kasaya si Jayden. Pero sabi niya, wala akong ideya, kaya malamang na sobrang saya niya talaga.

"Pero ikaw dapat ang pinapasaya ko," sabi niya, "hindi ako ang pinapasaya mo."

"Masaya ako. Promise."

Hinalikan niya ako sa pisngi. Kagyat pero may kasamang kuryente, mahinay pero parang yelo na nakapapaso. Hindi ako nakapagsalita.

Bawat palaruan o tindahan o atraksyon o sakayan, tinititigan ni Jayden nang mabuti. Tila ba bago sa kanyang paningin. Para siyang isang bata na pumasok sa isang toy store o candy shop – palinga-linga, mangha-mangha.

"I promise, Ri." Hinawakan niya ang aking kamay habang naglalakad. "I'll bring you to different themed parks in the Philippines. Pati sa Disney Land sa Hong Kong."

Napahagikgik ako sa pagiging OA ni Jayden. "Okay na ako sa EK. Over naman ang HK."

"Basta," sabi niya.

Maayos ang kabuuan ng peryahan na nakatayo sa malawak na loteng napaliligiran ng mga puno, maliban sa isang warehouse sa bandang kaliwa na may karatulang "Ocampo Trading." Tila pamilyar ang apelyido pero hindi ko maalala kung sino. Sa harapan nakapwesto ang mga rides. Sa bandang kaliwa matatagpuan ang mga palaruan. Sa gitna naman nakatayo ang mga food stall. At sa bandang kaliwa makikita ang iba't ibang panoorin.

Binatak ako ni Jayden patungo sa isang booth na may karatulang "Ang Babaeng Anaconda." Wala siyang sinayang na oras para makabili ng tiket. Pumanhik kami sa hagdanan patungo sa balkonaheng gawa sa mga kahoy at tabla. Sa lugar na ito tinutunghayan ng mga manonood ang isang babae at isang ahas na nagtatanghal sa ibaba. Akala ko talaga, may babae na ang katawan ay anaconda, base na rin sa larawan sa karatula. Pero si Jayden, bilib na bilib sa mga pakulo ng babae at ahas. At pumapalakpak pa siya maya't maya.

Hindi rin pinalampas ni Jayden ang mga panoorin gaya ng "Si Putol: Ang Haggard na Buwaya," "The Gorgeous Gorilla," at "Ang Syokoy, Ang Shoke, at Ang Sugar Mommy."

Naglibut-libot kami habang nag-iisip ng sunod na gagawin.

"Ri, kumakain ka ba ng fishball at kikiam?"

"Oo naman."

"Do you want to eat?" Itinuro niya ang isang food stall.

"Kumakain ka ng mga street foods?" tanong ko.

Nagkibit-balikat siya "Hmm . . . Not really. This would be my first time. Pero nakatikim na ako when I was eight years old. Sa TV news ko nalaman ang tungkol sa fishball at kikiam. Na-curious ako kaya nagpabili ako kay Aunty Lily. Pero matagal na 'yon. And I'm craving now."

"Sigurado ka ba? Baka sumakit pa ang tiyan mo? Kasi ako, sanay sa ganitong lugar. Pa'no ka?"

"Okay lang na sumakit ang tiyan ko. May mag-aalaga naman sa 'kin. Di ba, Ri?" Kumindat pa siya sa akin.

"Sira ka talaga. Kung anu-anong sinasabi mo. Mamaya niyan, sumakit nga ang tiyan mo."

"Aww! Ang sweet."

"Sweet? 'Pag di mo itinigil 'yang pagpapa-cute mo, ako ang magpapasakit ng tiyan mo." Ipinakita ko sa kanya ang aking bilog na bilog na kamao.

"Hindi na po." Nagtaas siya ng dalawang kamay. "Suko na ako."

"Good." Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Tara na nga. Nagugutom na rin ako."

Lumapit kami sa food stall. Saktong paalis ang isang grupo ng mga nagmemeryenda kaya nasolo namin si Ateng Magpi-fishball.

Jayden UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon