13. Burger

12.6K 297 6
                                    

Chapter Thirteen: Burger

Sinubukan kong pigilan si Jayden, bumaba ako sa entablado para habulin siya. "Bumalik ka nga dito, Peralta!" sabi ko. "Hindi pa tayo tapos."

Wala siyang naging tugon, dire-diretso sa pag-akyat sa hagdanan.

Sumigaw ako, "Hindi ka pwedeng umayaw. Pa'no na 'yong deal natin?"

Hindi man lang siya lumingon hanggang makalabas sa auditorium. Sa ilang saglit, naging tahimik kami nina Helena at Aia.

"Anong deal ang sinasabi mo, Ella?" tanong ni Aia. Bumaba siya sa entablado at lumapit sa akin.

Sumunod si Helena. "H'wag mong sabihing—Oh em!" Namilog ang kanyang mga mata habang nakanganga.

"Tumigil ka nga, Helena," sabi ni Aia. "Marumi na naman 'yang utak mo."

"Pumayag si Jayden na mag-perform sa benefit concert kapalit ng tatlong wishes."

"Ah, fairy godmother ang peg," sabi ni Helena.

"At ang una niyang hiling"—tumungo ako—"maging personal assistant ako sa loob ng isang buwan."

"Personal assistant? Alalay? Maid?" sabi ni Aia. "Pumayag ka?"

Tumango ako.

"Ay, exciting 'yan." Umalik-ik si Helena.

"Tumahimik ka nga, Helena." Tumingin siya sa akin, tila naghihintay ng aking sasabihin.

"Naiinis nga ako sa sarili ko dahil pumayag ako. Gusto ko kasing gawin 'to para sa mga bata. Pero nagsisisi na ako."

"Girl, don't blame yourself," sabi ni Aia. "Mabuti nga dahil mismong si Jayden ang nag-quit."

"Sino 'yon?"

Napansin ko si Helena, lampas ang kanyang tanaw sa aking balikat. Lumingon ako. May taong bumababa sa hagdanan. Pero hindi ko mawari ang kanyang hitsura dahil madilim sa upper balcony. Nang masinagan ng ilaw ang kanyang mukha, si Andrew pala.

"O, bakit hindi maipinta ang mga reaksyon sa mukha ninyo?"

"Andrew!" Kusang ngumiti ang aking mga labi. Nalimutan ko kaagad ang eksenang ginawa ni Jayden.

"Hi," bati niya.

"Hi. Napadaan ka."

"Nakakaabala ba ako sa inyo?" sabi niya, nang makalapit sa amin.

"Technically, hindi," sabi ni Helena.

"By the way," sabi ni Andrew, "pumunta ako dito para sa concert ng #HashTag band."

Inilabas niya ang mga ticket mula sa kanyang pouch bag at isa-isang iniabot sa amin. Mukhang mamahalin, kulay gold kasi. Hindi ko inasahan na darating siya, na magkikita kami ngayon, at may dala-dala pang sorpresa.

"Ano, game kayo?" tanong niya.

"Naku, syempre naman," sabi ni Helena, habang pinagmamasdan ang ticket. "Choosy pa ba? Kelan ba 'to?"

"Next week, Wednesday," sabi ni Andrew.

"Magbasa ka kasi," sabi ni Aia kay Helena, "Naka-print na nga sa ticket, o."

"Ikaw, ang kontra-bida mo talaga," sabi ni Helena, at saka dinilaan si Aia. "Ella, nood tayo, ha?"

"Oo naman. Favorite band ko kaya 'to. Gustung-gusto ko ang mga songs nila lalo na ang 'Don't Touch My Tweety Bird' at 'Follow, Follow Him.'"

"Ako rin," sabi ni Helena, tila kinikilig base sa tono ng kanyang boses. "Lagi ko 'yang kinakanta habang nasa CR ako at . . . alam n'yo na."

"Yuck! Kadiri ka talaga," sabi ni Aia. Pero dinedma siya ni Helena na abala sa pag-inspeksyon ng concert ticket.

Jayden UniversityWhere stories live. Discover now