11. Perfume

13.7K 308 17
                                    

Chapter Eleven: Perfume

Matamlay akong nagtungo sa Tambayan, nagbabakasakaling nandoon si Jayden para mapag-usapan namin ang tungkol sa benefit concert.

"Don't worry," sabi ni Ate Debby. "Tinawagan ko na si Jayden about the collab. And he didn't say anything. So, I think it's a yes."

Matapos ang isang buwan ng pagboboluntaryo sa The Little Ones Orphanage, muling nagkaroon ng general meeting ang Campus Ministries upang idetalye ang gaganaping benefit concert para sa nasabing bahay-ampunan. Sabi ni Ms. Mendez, dati na itong ginagawa ng organisasyon. Natigil lang sa mga nakaraang taon dahil nagkulang ang suporta ng unibersidad at mga estudyante.

"Any suggestions para sa concert?" sabi ni Ms. Mendez.

Nagtaas ng kamay ang ibang miyembro at inilahad ang kanilang mga suhestiyon. May nagpaplanong maghanda ng isang shadow play. Meron namang nagbabalak imbitahan ang sarili nilang music band.

"My friends and I will do a dance number," sabi ni Nicole, bakas sa kanyang mukha ang pagmamalaki. "This performance will be nothing but extravagant. So excited!"

"Very good," sabi ni Ms. Mendez. Tumingin siya sa akin. "Ella, may naiisip ka bang magandang idea?"

Ako na lang kasi ang hindi nagsasalita. Wala naman akong talento na pwedeng ipakita sa benefit concert. Wala sigurong magkakainteres manood sa mga basic skills ko sa Tae Kwon Do na ginawa ko noong talent's night ng team building.

"Siguro," sabi ko, "tutulong na lang po ako sa paggawa ng mga props."

"We can manage those tasks," sabi ni Ate Debby. "What we need are performers. So, I would suggest na mag-collaborate kayo ni Jayden para sa isang dance prod. Puro song numbers kasi halos lahat ng nandito sa list."

Una, hindi ako sumasayaw, lalo na sa harap ng maraming tao. Ikalawa, ayokong maging partner si Jayden. Ikatlo, papayag lang ako kung si Andrew ang magiging kapareha ko, kaya lang hindi na pwede dahil hiniling ni Ms. Mendez na mag-perform ang kanyang banda, ang Wildcats Mousique. Ikaapat, nasaan nga pala si Jayden, bakit wala siya ngayon dito sa meeting?

"Good idea, Debby," sabi ni Ms. Mendez.

Nagtaas ng kamay si Nicole. "Ma'am, mas maganda siguro kung mag-team up kami ni Jayden. Pwede kaming gumawa ng isang sing and dance prod, like Glee thingy. How about that?"

"I agree with Nicole, ma'am," sabi ko. Tila nakakuha ako ng kakampi at hindi ko na kailangang magpaliwanag kung bakit ayoko ng kanilang mungkahi.

"Good suggestion," sabi ni Ms. Mendez.

Abot hanggang buwan ang ngiti ni Nicole habang nakikipagtinginan sa kanyang dalawang alipores. Hindi ko nga alam kung bakit sila naririto dahil hindi naman sila kasali, bagama't wala namang kaso doon.

"But I think," sabi ni Ms. Mendez, "you're first idea is better. I like to see that extravagant performance!" Ikinampay niya ang dalawang kamay sa hangin na parang nagmumustra ng hugis ng arko.

Tumayo si Nicole. "But ma'am—"

Lahat ng tao, sa kanya nakatingin. Tinunghayan siya ni Ms. Mendez habang nakakiling ang ulo, tila hinihintay ang kanyang sasabihin. Pero hindi niya naituloy, muli siyang bumalik sa upuan at ipinagkrus ang kanyang mga braso.

"Okay," sabi ni Ms. Mendez, makalipas ang ilang saglit. "I think our program is already completed."

At wala na rin akong nagawa kundi sumang-ayon kahit labag sa aking kalooban.

*   *   *

Sarado ang pintuan ng Tambayan nang matanaw ko ito mula sa hagdanan. Pero bago pa ako makalapit, naririnig ko na ang mga boses sa loob, mukhang nagkakatuwaan sila base sa kanilang hiyawan at tawanan. Siguradong may tao pero sana nandoon si Jayden. Kumatok ako sa pinto; kaibigan niya ang nagbukas.

Jayden UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon