2

302 27 11
                                    

#Backstory

"Sister?pwede po bang dito nalang ako?natatakot po ako sa kanila."
Saad ng sampong taong gulang na bata.

"Malaki ka na,hindi ka na nababagay dito."

Nakakuyom na ang kanyang mga kamao sa kanyang likuran. Hindi alam ng madre na sa likod ng maamong mukha at inosenteng ngiti ay may kakaiba ng tumatakbo sa isipan ng bata.

Umalis siya mula sa pagkakaupo sa pasimano ng bintana at lumapit sa matandang madre.

Bahagya siyang tumingala.

"Ipamimigay mo ba talaga ako?"Tanong niya.

Yumukod ng kunti ang madre at hinimas ang buhok ng bata.

"Kailangan,ayaw mo ba nun?magkakaroon ka na ng pamilya?."Ani ng Madre.

"Pero kayo po ang pamilya ko."

"Magiging okay ka din."Saad ng madre.

Nangingilid ang luha ng bata. Ngunit mabilis din nag-iba ang expression ng mukha nito.

"May regalo po ako sa inyo."Aniya"tara po!"

Hinawakan niya sa kanang kamay ang madre at hinila patungo sa kusina.

"Gumawa po ako ng cookies,para po sa inyo."Aniya sabay abot ng chocolate cookies sa madre.

"Talaga?para sa akin 'to?"

"Opo.Tikman niyo po."Sabi niya.

Umangat ang sulok ng labi ng bata,ng tuluyang kinagat ng madre ang cookies na ginawa niya.

"Masarap naman pala 'to.Mamimiss ko 'to pagwala ka na rito."

Niyakap niya ang nurse sa beywang.

"Hindi niyo na po yan matitikman ulit."Aniya.
D

emonyong ngiti ang sumilay sa kanyang labi.

"Ha?bakit mo nasabi ya-----sa-sandali...ahh..."Dahandahang napaluhod ang madre,nakahawak sa leeg ang kanang kamay na tila ba nabibilaukan,habang ang kaliwa ay sa tiyan.

"Tu-tulungan mo a-ako!"pagsusumao ng madreng tuluyang humandusay sa sahig at bumubula na ang bibig.

"Anong nangyayari dito?!"Bulalas ng isang dumating na madre.

Umarte ang batang parang naiiyak at nababahala sa nangyari.

"Uminom po siya ng lason,pinigilan ko po siya pero hindi po siya nagpapigil!"Aniya sabay tungo sa aparador at kinuha ang maliit na bote ng lason.

"Eto po ang ginamit niya!"aniya sabay pakita ng lason sa madre.

"Diyos ko!mahabaging langit!sister Hulya!Sister Hulya!"

Nagsipasukan na ang mga bata at ibang madre sa kusina,hanggang sa nagkagulo gulo na.May umiiyak,humihingi ng saklolo at sumisigaw.

"Tumawag kayo ng ambulansya!"sigaw ng isang madre.

"Wala na siyang pulso,pa-patay na siya..."gimbal na wika ng isa pang madre na pinanghinaan na ng tuhod at napasalampak nalang sa sahig.

Till ALWAYS FOREVER Ends..(Always Forever,series,last book)Where stories live. Discover now