40

172 24 68
                                    

#Suyo101

Nasa iisang silid lamang sina Isabel,Jack at Kim talagang tinotoo nila ang ginawang pag outside de kulambo sa mga asawa. Kaya ayun at nasa tabing dagat ang tatlo at may tig iisang tent.

Tanaw naman nila mula sa cottage nila ang nga kabiyak kaya nga lang dahil sa inis ay hinayaan nila ang mga itong matulog sa tent.

Nag bonfire pa ang tatlong magkapatid at parehong may mga beer na hawak sa kamay.

"Tingnan mo?talagang may gana pang uminom ang kumag!nakakainis talaga!eeehhh!!"Angil ni Kim matapos niyang matanaw sa may bintana sina Vinny.

Its a two storey cottage,na may tatlong silid,facing the shore is Isabel and Sandro's room kung saan nakatambay si Jack at si Kim ngayon. Nagkampihan na rin ang tatlo.

Humalukipkip at sumalampak na umupo si Kim sa bed.Inis na inis.

"Ikaw ba Isabel?paano mo kinik-out si Sandro?"tanong ni Kim kay Isabel.

Nasa uluhang bahagi ng kama si Isabel at nagtutupi ng damit ni Sandro.

"Sinabi ko lang sa kanya na gusto ko na munang mapag isa."Malumanay na saad ni Isabel.

"Ganun?hindi ka man lang ba sumigaw o nagalit?"

Nakangiting umiling si Isabel.

"Kim,ibahin mo si Isabel,hindi siya kagaya mo."Saad ni Jack.Nakasandal si Jack sa may pasimano ng bintana at may hawak na beer sa kanang kamay.

"Ate naman.Haist!basta nakakainis talaga!hay nako talagang sinampal ko yung babae kanina,yung gagang yun ang landi!"

Iiling-iling na ngumiti si Jack. "Bago ka pa ma highblood jan,inumin mo muna yung gamot mo."Paalala nito sa kapatid.

Kim rolled her eyes. "Fine!"

"Tss."Si Jack ng mapansin ang pagdadabog ng kapatid.

Napangiti naman si Isabel,naaaliw siya sa magkapatid na Marasigan.

"Beer Isabel,"Alok ni Jack sa kanya.

"Hindi na ako umiinom e,but well since nandito naman tayo for a vacation,why not."Tugon ni Isabel sabay tayo at lapit kay Jack.

Tinanggap niya ang san mig light na inalok nito at sumandal na rin sa bintana. Pareho na sila ngayong nakaharap sa malawak na dagat at tanaw din nila mula sa kinaroroonan ang mga tent ng mga asawa nila.

Their husbands are not outside anymore,marahil ay pumasok na rin sa loob ng tent ang tatlo.

Patagilid na umupo si Jack sa pasimano ng bintana,sabay tungga ng beer.

"Jack?"

"Hm?"

"Salamat sa lahat."Ani Isabel.

Napaisip si Jack,marahil ang tinutukoy niya ay ang mga nagawa niyang pagligtas sa pamilya ni Isabel.

Nagtama ang mga mata nilang dalawa ni Isabel.Sadyang napakaganda at bait ng ngiti ni Isabel.Si Jack naman ay maangas na tinanguan lang si Isabel.

"Ate?"

Nilingon ni Jack si Kim.

"Pwede ba ako niyan?"ngumuso si Kim,yung labi nakatuon sa beer na hawak ng kapatid.

Nagyakapan agad ang kilay ni Jack.

"Eeps!joke lang!seryoso naman nito,juice nga lang sa akin!"bawi ni Kim.

"Tss!"

Isabel smiled sabay tungo sa mini ref para kumuha ng juice in can for Kim.

"Thanks Ate Isabel."Saad ni Kim.Lumapit na rin kay Isabel at Jack.Pumuwesto sa gitna ng dalawa at nakangiting tumingin na rin sa tatlong tent na nasa dalampasigan.

Till ALWAYS FOREVER Ends..(Always Forever,series,last book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon