27

134 24 40
                                    

#KimIsSick

Isabel

I saw Kim walking towards me. May nakasabit na nikon camera sa leeg at parang umiiyak.

I stood up,inayos ang pulang shawl na nakapatong sa mga balikat ni Letty,isang limang gulang  na batang may sakit na stage 3 lymphoma.

"Kim?"

Nagulat pa siya at halos mabangga ako dahil sa bilis ng paglalakad.

"Are you okay?"

"Ha?ah! oo naman."

She's lying.I know kagagaling niya lang sa pag iyak.

"Sinong mga kasama mo?"

Umiling siya.

"I am with Doc Vince,Vinny and Cherry,dumerecho din pala kayo dito after the wedding?"tanong niya.

"Just me and Uno.Si Sandro,Dos and Fouryn umuwi na ng bahay."

"Ah,si-sige Ate,gusto niyo ng picture pwede akong---"

Natigilan siya ganun din ako ng mapansing biglang dumugo ang ilong niya.

"Kim nag no-nosebleed ka,"utas ko.Di ko maiwasang mag-alala.

Tinakip niya ang kanang palad sa ilong niya at dali-daling nagpaalam sa akin.

I know kung saan siya pupunta.Sa banyo. Hindi na ako nag atubiling sundan siya doon.

Pumasok ako sa building,straight sa lobby at nagtungo sa dulong bahagi nun kung saan naroon ang banyo.

I went inside and I saw Kim.Nasa sink,bahagyang nakayuko,sumusuka at ang dami ng dugo sa kamay ganun din sa sink.

Mabilis ko na siyang nilapitan.Buti nalang at napasandal siya sa akin dahil kung hindi nabagok na ang ulo niya sa sahig.

"Anong nangyayari Kim?!"

"Wa-wala to ate..."

"Wala?!hindi ako naniniwalang wala lang 'to! where's Vinny?teka hahanapin ko siya!"

Aalis na ako ng maagap na hawakan ni Kim ang kanang braso ko para pigilan ako sa pag-alis.

"Huwag ate.Please....."

"What?paano kung iba na yan?paano kung may mangyaring masama sayo!Kim magwawala ang ate Jack mo!"

"Walang mangyayari sa akin ate,sanay na ako sa sakit kong 'to..."paliwanag niya.

Pihit paharap na naman siya sa sink para maghilamos,tumingala ulit para pigilan ang pag agos ng dugo sa kanyang ilong.

Hinahagod ko ang likod niya.

"My god Kim..hindi na okay to baka maubusan ka pa ng dugo...baka.."

Natigilan ako ng humikbi si Kim.

"It's back...."aniya sabay dahandahang animoy nauupos na kandilang napaupo sa sahig.

Nakasandal na siya sa gilid ng sink habang nakatuwid at nakalapat ang mga paa sa sahig.Masakit yung tawa niya dahil ramdam ko ang lungkot dun.

Kumuha ako ng panyo at ako na mismo ang nagpahid ng dugo sa ilong niya.

Umiiyak na rin ako.

"Ate..pagod na ako.Akala ko okay na ako,akala ko magaling na ako,pero eto..eto yung sign na sinasabi ng doctor ko sa akin.."

Pinahid ko ang mga luha at hinawakan ang mga kamay niya.

"Then huwag kang sumuko Kim,lumaban ka,lumaban ka para sa sarili mo at kay Vinny."

Till ALWAYS FOREVER Ends..(Always Forever,series,last book)Where stories live. Discover now