57

99 25 19
                                    

(Don't read this na hindi niyo nababasa ang  CHAPTER 56 FIRST.)

#EENIE MEENIE MINEY MOE

Kim

"Ano ba bitiwan niyo ako!!ano ba?!"

Pilit akong pinapahiga ng dalawang lalaki sa stretcher,at nagtagumpay silang dalawa,dahil malalaki ang katawan nila kaya wala akong kalaban-laban.

Una nilang tinali ang mga kamay ko sa mga bakal sa gilid at ang mga paa ko ang sinunod.Nakasuot na ako ng puting unipormeng animo'y isa akong pasyente sa isang mental hospital.

Bahagya akong nakabukaka,at kahit anong sipa ko ay hindi ko talaga matanggal ang mga nakatali sa paa ko.

"Ano ba?!tanggalin niyo to!sino ba kayo ha?!ang papangit niyo!!!"

Hindi man lang natinag ang dalawang lalaking  nasa aking gilid.Mga walang damdamin!

"Vinny?!!Vinny?!!!"Paulit-ulit kong tawag sa pangalan ng asawa ko.Kahit anong tapang ko ay nakakaramdam pa rin ako ng takot lalo na ngayon na tila nahuhulaan ko na ang gagawin nila sa akin.

"Vinny??!!!!!!"

Natahimik ako ng makarinig ako ng sunod-sunod na palakpak.

Inaninag ko pa ang mukha niya dahil medyo madilim ang lugar na pinagdalhan nila sa akin,tanging kulay kahel na bulb lang ang ilaw na nakakabit sa dingding na nasa uluhan ang nagbibigay mapusyaw na liwanag dito sa silid.

"Sino ka?!at anong kailangan mo sa amin?!!"

Naghari ang malademonyo niyang halakhak sa buong silid.Silid na walang laman maliban sa hinihigaan kong stretcher. Plain na semento lang ang malamig na dingding at ni wala akong nakikitang bintana. Langya! saan ba ako ngayon!mukhang basement itong kinaroroonan ko.

Unti-unting natatamaan ng ilaw ang mukha ng papalapit sa akin.

Napasinghap ako ng tuluyan ko siyang makilala.

"Toni?.ikaw si......"halos hindi iyon lumabas sa bibig ko.

Umangat ang sulok ng kanyang labi.

"O-oo..ako Kim.ako si Hannah!Surprise?"

Nakuyom ko ang aking mga kamao.

"Sabi ko na nga ba!"Gigil kong saad.

Humalakhak na naman siya."Marasigan ka nga,dahil punyetang hinala niyo nagkakatotoo!"

"Tama ako!kaya pala gusto mo akong isama kagabi kahit na ayaw ko!dahil may masama ka ng balak sa akin!"

"Oo!at ginalit mo ako dahil dun!kaya bago ka pa man makapagsumbong sa ate mo!sinigurado ko ng makukuha kita at ang asawa mo!"

"Nasaan si Vinny?!anong ginawa mo sa kanya!ahas ka! pinagkatiwalaan ka ni Simon!!!"

"Hmm..yeah!ang tagal kong naghintay..nagtimpi..nagtrabaho pa ako bilang staff ni Sandro,at namasukan bilang sekretarya ni Simon.Alam mo ba kung bakit?para mapag aralan ko kayong lahat..ganun ako katalino!kaya eto!sa wakas maisasakatuparan ko na rin ang mga plano ko!ang galing ko di ba?bilib ka na?!"

"Walanghiya ka!baliw!hinding-hindi mo kami makakanti!hindi!"

"Talaga?hmmm...."naglabas siya ng injection sa kanang kamay at pinakita iyon sa akin.

"Anong gagawin mo sa akin?!ha?!baliw?!!"

Humakbang siya papalapit sa akin.

Nagpumiglas ako ng hipuin niya ang aking sikmura.

"Hello baby...ang ingay ng Mommy mo nuh?"

"Ano ba?huwag mo akong hawakan!lumayo ka sa akin!"

She clicked her tongue and smirked.Mas lalong nanlisik ang mga mata niya habang hinahalikan ang umbok ng aking tiyan.

"Ano ba?!layuan mo ako!!"

"Sshhh...lalalalala...magigising ang anak mo..gusto mo ba?patulugin ko siya?......Habangbuhay?hahahahhahaha"

Bumagsak na ang mga luha ako.

"Layuan mo na ako...huwag mong idamay ang anak namin ni Vinny!baliw ka!!"

Umayos siya ng tayo at lumabi.

"Ayy..paano yan,damaydamay na'to.Kaya..uunahin ko ang baby at isusunod ko ang asawa mo.."

"Bakit mo ba ginagawa to?!ha?!demonyo ka!!"

Sinabunutan niya ako.

"Oo!demonyo ako!at ginagawa ko to dahil kinuha niyo sa akin lahat ng mga mahal ko sa buhay!si Kuya Hector!si Mama Helen at ngayon pinatay ng ate mo si Cassy!!ang kakambal  ko!kaya uubusin ko kayong lahat!at ikaw!pahihirapan kita hanggang sa mabaliw ka!"

"Walanghiya ka!"

Lumapad ang kanyang malademonyong ngiti.

"Sshh..papunta palang tayo sa exciting part!Ipasok niyo ang kapatid nito!"

Halos hindi na ako makahinga ng marinig ang sinabi niya.

Kalaunan ay pinasok nila si Ate Jack,at katulad ko ay nakahiga din ito sa stretcher ngunit tulog.

"Anong ginawa mo sa kanya?!"

"Hmm..Inutusan ako ni Simon na bumili ng gamot,syempre dahil matalino ako pinalitan ko ang laman ng bote,kaya ayan..naging sleeping beauty ang maangas na si Jack Marasigan!hahahahhaha!tinik siya sa lalamunan ko!kaya pinatulog ko na!pasalamat ka nga hindi ko pa siya tinuluyan!hahahha!"

Sunod-sunod ng naglandas ang mga luha ko.

"Ate...ate....."

"Kawawa naman kayo,the mighty Marasigan sisters,now...helpless..oh no....nakakaiyak...."

Humakbang siya palapit kay Ate Jack at hinaplos ang sikmura nito.

"Bitawan mo siya!huwag mo siyang hawakan!"sigaw ko habang nagpupumiglas.

"Di ba?buntis din si Jack?hmm..paano ko kaya huhugutin ang baby niya?hmmm..ah tama!"

"Pakawalan mo na kami!ano pa bang kailangan mo?!ano?!!!please ........huwag mong sasaktan ang mga baby namin!please...."

Humakbang siya at humarap sa aming dalawa.

"Eenie Meenie Miney Moe!sino sa dalawa ang uunahin ko!hahahhaha!"

Binabanggit niya ang mga pangalan namin habang tinuturo kami na animoy pinipili kung sino ang mauuna sa aming dalawa ni ate.

"Jack!"

"Kim!"

"Jack!"

"Kim!"

"Jack!"

"Kim!"

"Jack!!!!hahahahhahahahahhaha!"

"Bogart?!tawagin mo na ang doctor!ngayon na!at ng mahugot na natin ang bata sa sinapupunan ng panganay na Marasigan!hahahhha!I love my job!hahahahahha"

"Hindi!huwag!nakikiusap ako huwag please!!ate gising!gising!!!"sigaw ko.









"Hinga....papunta palang tayo sa mas exciting part 😏

---Countdown to Finale ---

Till ALWAYS FOREVER Ends..(Always Forever,series,last book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon