43

234 23 32
                                    

#BestDads

Magkatabi sina Simon at Vinny sa plane pauwi ng Ilocos.Plane ni Jake Elizalde ang ginamit nila para hindi na hassle ang magiging byahe nila pauwi.

Si Sandro ay katabi si Isabel samantalang magkatabi naman si Jack at si Kim,kaya ke haba ng nguso ni Vinny habang panay lingon sa magkapatid na Marasigan.

Naka abri-syete si Kim sa kaliwang braso ni Jack na para bang ayaw nitong humiwalay sa kapatid.Si Jack naman as usual,tulog at walang pakialam sa mundo.

Kahit nga nagka turbulence,ang relax pa rin nito.

"Simon?"si Vinny sa katabing si Simon,na kanina pa tipa ng tipa sa cellphone nito.

"What?"Simon responded.

"Hindi ba natatakot si Jack na baka bumulusok ang eroplano na hindi ka katabi?"

Tinaasan siya ng isang kilay ni Simon."Why do you ask?"

Saglit pang nilingon ni Vinny ang natutulog na si Jack.

"Well look at her,kahit pa siguro magunaw ang mundo,kalmadu pa rin siya,for sure pati si Satanas mababadtrip sa kanya."

Iiling-iling na napangiti si Simon.He saw his wife na mahimbing na natutulog at pag ganitong tulog si Jack hindi niya ito pwedeng gisingin kong ayaw niyang masapak.Kaya nagkibit balikat lang siya at yun lang response niya sa litanya ng kapatid.

"Si?"

He impatiently sighed."What now?"

"Sabihin mo kay Jack na tabi na kami ni Kim."

"Why?can't you do it yourself?"

"Takot ako sa asawa mo."

"Come on Vinny,magkakasama naman kayo ni Kim mamaya sa bahay niyo."

"E gusto ko magkatabi kami."Giit ni Vinny.

"I can't wake her up!"angil ni Simon.

"Takot ka rin sa asawa mo?"Vinny asked.

Inilingan lang siya ni Simon.

"Sige na,para tabi kami ni Kim."Pamimilit pa rin ni Vinny.

"Well obviously she doesn't want to sit beside you,so...."Umiling si Simon at balik na naman ang atensyon sa cellphone.

"Ano ba kasi yan?!"hindi nakatiis na silip ni Vinny sa cellphone nito. He found out na nanonood ito ng  stage of pregnancy sa Youtube.

Vinny smiled.Simon really wanted to be a Dad,saisip ni Vinny hindi siya kasing praning ni Si.Dapat relax lang,chill,cool dad,ganun.

He took his phone in his right pocket at----

Nag order online ng pinakamahal na baby Crib.Dalawa agad baka sakali kambal. Ay hindi,dinagdagan na niya ng isa pa,baka sakaling triplets. He also ordered,diapers,milk bottles,vitamins and nagpaset na agad ng appointment sa sikat at pinakamahal na obgyne sa Laoag.Kim and his child deserves the best of both world.

Umabot ng 250,000.00 lahat ng inorder niya online at hindi pa siya natigil.Nanood na rin siya ng videos at umorder ng mga books about pregnancy and all.Pag hindi siya nagpigil aabot ng isang milyon lahat,kulang nalang bahay at lupa na ibigay niya sa anak niya,na sa katunayan ay fetus pa.

Ngingiti-ngiting nagtitipa si Vinny ng mapansin niya ang pagtayo ni Kim,nakalapat ang kanang palad sa sikmura at parang masusuka.

Mabilis na tumayo at inalalayan ni Vinny ang asawa,samantalang si Simon naman ay parang si The flash na mabilis nakalipat sa tabi ng gising na si Jack.

Hinimas himas ni Jack ang sikmura habang nakatingin sa labas ng bintana.

"B?"Tawag ni Simon sa asawa.

Lumingon si Jack sa kanya.

"Nagugutom ka?"Simon asked.

Pinagdikit ni Jack ang labi sabay tango.

"Anong gusto niyong kainin ni Baby?"I asked.

"Ginataang itlog na may mani."Sagot ni Jack.

Nalukot ang mukha ni Simon,'Is that even edible?'

"Ipagluto mo ako."Saad ni Jack.

First time itong nag request sa kanyang magpaluto,yun nga lang,para hindi naman pagkain yung ni rerequest niya.

"B?pwede namang steak yung kainin mo,at---"halos malunok ni Si ang dila ng sumama ang mukha ni Jack,ang kilay nito ay halos magbanggaan na sa sobrang inis.

Kaya hands up agad si Simon.

"Okay okay ginataang itlog na may mani!noted B!noted!"Sagot agad ni Simon kung ayaw niyang lumipad ang kaluluwa niya palabas ng eroplano.

Kumalma ang puso niya ng ngumiti si Jack at pikit matang humilig sa dibdib niya.

"B?"si Jack.

Simon kissed her wife's temple,"Bakit B?"

Nag-angat ng tingin si Jack kaya nagtama ang mga mata nila.

Titig na titig si Jack sa kanya.

"Bakit B?"Simon asked.

Jack smiled."Wala lang,gusto ko lang titigan ang best looking son,now best irpat na ng magiging baby natin."

Figuratively lomobo ang puso ni Simon.

Hinalikan niya sa tungki ng ilong si Jack.

Ang lambingan na kay tamis ay na nabulabog sa biglaang pagtayo ni Isabel at takbo sa banyo.

"What happened Sandz?"Vinny asked ng masalubong nila si Isabel.

Ang lapad ng ngiti ni Sandro.

"Don't tell me buntis na naman ang asawa mo?"Si Vinny.

Nagkibit balikat si Sandro then he grinned.

















Till ALWAYS FOREVER Ends..(Always Forever,series,last book)Where stories live. Discover now