*8* MARING IS SICK!

3 0 0
                                    

"inay!!!" Bulyaw ko kay inay. Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko!!

Rinig ko ang pagmamadali ni inay na umaakyat ng hagdan!!

<Kablag!!!>

"O anak bakiiit!!!" Hingal na hingal na saad ni Inay matapos nyang masuhin ang pinto ng kwarto ko

"Inay ang sakit po ng ulo ko... Di muna ako siguro papasok... Pasuyo naman inay baka pwedeng ipa excuse mo muna ako sa school" saad ko kay nanay. Ewan ko ba madalas sumasakit itong ulo ko.

"Sige anak magpahinga ka na muna at tamang tama dumating na yung order ko na damit sa online... Ang ganda anak katulad na katulad sa damit nung babae sa pinapanood ko sa kdrama" pag mamalaking saad ni inay. Speaking of that drama yun ang pinag pupuyatan nya ngayon yung Goblong na kdrama favorite nya yung matanda na nagiging dalaga tapos nagustuhan nya yung suot na pulang damit.

"Hayst inay! Bahala ka na nga! Basta yung pabor na hiningi ko sayo inay! Bahala ka pag bumagsak ako mawawala na yung pa scholar ni Mayor" saad ko kay inay.

" Sige anak dont you worry pagbalik ko dapat kumain at nakainom ka na ng gamot mo" sabi sa concern na concern kong inay. Ganyan si Inay eh mukhang di maasahan pero pagdating sa sakit ko o ano mang maramdaman ko nag iiba sya... I wonder why kaya?

----------------
"Maring!! Maring!!"

"Tita tita!!! Ano pong nangyari sa kanya?" saad ng isang bata na pabalik balik ang uhog sa ilong

"Naku hijo huwag ka mag alala natulog lang sya..." Saad ng inay ni Maring

"Oh tita i watched it ... The prince kiss the princess then after that she will wake up" saad ng bata.

Nagulat ang inay ni Maring ng akmang hahalikan nito ang anak nyang babae...

------------

*Tsup*

Napabalikwas ako ng walanjo aba si kuting hinahalikan ako!!

"Kuting ano ka ba naman?!" Saad ko. Omg pano na ang first kiss ko naagaw ng petsay na alaga ko .. pano na ang first kiss ko kay Ando??

"Huhu saklap naman" saad ko sa aking sarili.

Napagdesisyunan ko na bumaba na ng kusina namin... Gutom na kasi ang ate nyo.

Napatingin ako sa labas ng may kotseng pumarada sa bahay. Sino kaya ito?

Lumapit ako sa labas ng pinto para masilayan ko ito. Mahirap na baka machismis si inay na nakahanap na ng afam.

Sa swineswerte ka nga naman.... Nagulat ako ng iniluwa ng sasakyan ang lukaret kong ina.. di ko namalayan kung sino ang naghatid sa kanya.

Aba may pa kaway kaway pa ang inay. Agad akong tumakbo sa sofa naming butas butas na...

"Ay maring!!!" Gulat na gulat na saad ni inay na napatingin pa sa labas.

"Inay sino yung naghatid sayo?" Naka dekwatro kong pagtatanong kay inay.

Huminga ng malalim si inay

"Wala yun anak di ba nga galing ako ng school mo... Sakto nakita ko si Ando__ ay este si Along tama si Along nga yung kababata ko na titser sa inyo? Ayun nagpahatid na ako" saad ni Inay...

"Akala ko naman si Ando na kasi nabanggit nyo pangalan niya?" Pagsasaad ko kay inay. Pero mukhang hindi kasi nga di na kami kilala ni Mahal...

Chariz!!

"naku Maring! Speaking of!! Nakita ko nga sya kanina... Di mo naman na sabi sa akin napaka gwapo na pala ng inaanak ko!! Kamukha ni seo joon!! Ang sherep" paglalanding saad ni inay

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until You Notice MeWhere stories live. Discover now