*3* Gangnamstyle

27 4 0
                                    


Malungkot......napakalungkot ko talaga ngayon [sigh]

bakit ganun? di parin talaga ako maka get over....maganda na rin siguro yun, atleast magiging kaibigan ko na ulit siya at mapapalapit pa o diba?. tsaka ko nalang siguro aagawin si Ando kay Cheska Landi landi talagang bagay na bagay sa kanya ang apilyedo nya? proud kaya siyang magtaas ng kamay pag tinawag yung name nya? parang ganito:

teacher; Ms Landi?
cheska: present maam!!

with matching taas kamay ?

hay kiver ko sa kanya no!

_______

Nay! andito na po ako! bati ko kay inay

''sino ka?! wala akong anak!" yan si inay ko ganyan ako kamahal!

"oo inay! andito na si Maring ganda!" saad ko kay inay. asan ba si Inay?

"omo. andyan na pala ang pangit ko na anak!" saad ni inay habang kumakaldabog ang paa habang pababa ng hagdan"an-" naputol ang sasabihin ni inay abat nalaglag sa hagdanan sukat ba namang magtatatalon.

"inay!!! ang shunga shunga mo talaga! ano nanaman bang entry mo?" tinulungan ko na siya sa pagtayo nabali yata ang balakang?

"huwaaahhh huwaahhh anak nakakainis kasi ang kumare ko ang daming likes yung video niya Marie!!! sabi ko ako ang sasayaw ng NOBODY NOBODY BUT YOU pero nagulat nalang ako abat inunahan ako ng gaga! Marie pano naman ako what to do? what ?" emote ni Inay

"eh ano ba yang sinasayaw mo?" tanong ko kay inay.

"yung sayaw kabayo anak! ano na nga bang title? aha! gangnam blues!" proud pa siya eh no?

"inay itigil mo na to.... Gangnam style iyon yung kanta ni Pie!" proud ko ring saad

"anak ang boba mo pala? hindi Pie, Psy yun gaga ka!" ay psy ba yun? kaya pala kpag sinesearch ko sa youtube hindi ko mahanap? all this time?

"ganito nalang inay ivivideo kita habang sumasaya ng gangnam style habang bumababa ng hagdan okau ba sayo yun?" sabi ko kay inay.

"anak baka malaglag ako!" sigaw niya.

"eh di maganda mas maraming likes!!"bigla namang  lumaki ang mata ng gaga.

ayun sa huli navideohan ko siya naka ilang take nga kami nakailang laglag din siya sa hagdan at eto ngat nagpapahinga katabi ko habang nanonood ng Tv

''inay....bakit ganun? ang sakit po dito?" turo ko sa precious heart ko

"naku anak malala na yan, pacheck up ka na?!'' untad nito sa akin

"inay! kailan ba kayo magiging concern sa akin? inay Inlove ang anak mo! *sniff* *sniff*" mangiyak ngiyak kong saad sa kanya. ewan ko ba kung bakit ako naiyak.

"naku dalaga ka na anak!! eto lang masasabi ko sayong pangit ka! ang sakit walang pinipili yan sa pagmamahal mahirap man o mahirap at minsan kahit alam mo na sa sarili mo na matalino ka at kaya mo na ang lahat, nagkakamali ka anak masasaktan at masasaktan ka parin parte yan ng love" mahabang litanya ni inay.

"tnx inay da bes ka talaga!'' okay na ako kaya ko ito!"ah inay ano yang hawak mo?" dugtong ko sa kanya.

"martilyo anak shunga ka ba? Maring pokpokin nga kita parang awa mo na oh?....nangangati kasi kamay ko....Maring!!!! de punggal ka bata ka!!! mag usap tayo!!! bumalik ka rito sa baba!!" oh diba iniwan ko nlang siya. gabi na kailangan ko ng matulog

kinabukasan......

"puta ka Tonyang! anong panama mo sa akin? huh? ako ang lalaban!!" tingnan niyo tong magbespren na to ke aga aga nag aaway na naman

"Hoy Girlie di hamak naman na mas maganda ako sayo at matalino noh!" tawanan naming lahat sa comeding si Tonyang

"Tonyang....dream on mas maganda ako sayo noh at may talent pa kaya naman sinasabi ko sayo ako na lang!'" matigas talag ang bungo ng dalawang ito eh no?

Patuloy parin ang dalawa sa pagdadadada microphonr agad ang bumungad sa amin? kulang na lang ata at magsabunatan ang dalawa well mas maganda para naman magising ang mha natutulog naming isipan. Umagang umaga eh si Burjong nga eh may dala pang thermose at kape syempre may baso alangan namang wala? Buti pa sya nag kakape bakit di nalang gauahin ni Girlie at Tonyang?ayan ngat magsasabunutanna ata?

"Anong kagagahan ito?!!!" Speaking of microphone. Andyan na si Maam Mikropono

"Aaahhhhhhh!!!"!!!" Napatingin kaming lahat sa sumigaw abay ayun si Burjong nagulat kay Maam naibuhos yung mainit na tubig sa Mikropono niya sa baba lagot tayo dyan! Baka di na siya makapag parami ng lahi!!

"'Naku Burjong kawawa naman si junior maghubad ka muna ng salawal para mahanginan!" Bulalas ni Gorya. Ehem di niyo lang alam matagal ng pinapantasya nito si Burjong ninakaw kaya niya yung brief ni Burjong sa locker niya.  Aamuyin niya raw pag uwi.

"Gorya dalhin mo na si Burjong sa Clinic dun mo hubaran! Berat kang babaita ka!" Saad ni Maam

Agad naman silang umalis? Wow huh? May balak ang dalawa?

"Mga mahal kong estudyante!"napatakip pa kami sa aming mga tenga dahil sa sigaw ni Maam kamote lang!ang lakas talaga ng bosesni Maam!

"Makikiseat in muna ang 4B dito w/c means dadaldal nanaman kayo." Ani Maam

4B? Omo! Dito sila Ando?!!! Otoke! Otoke!

Nang tinawag na sila ni Maam ay halos naglabasan ng make up ang girls e pano ba naman mga boys ang naki seat in sa min sa 4D kasi ang mga girls. Malas lang ng mga boys. Syempre di naman ako nagpatalo dahil natural na maganda naman ako sa sarili kong pananaw pulbos lang ang inapply ko sa mukha ko, at isa pa wala akong dalang make up today hindi dahil hindi ako nagdala yun ay dahil wala akong pambili ng make up. May pinag iipunan ang lola niyo eh?ayaw niyo ba?  Hindi ko na lang pinansin yung mga naki sit in, talagang sinadya ko talaga!

Matalino kasi ang lola niyo! E syempre success katabi ko si crush! The one and only Kayl!!!

Kyaaahhhh!!!!!

Im so kilig!

Kasalukuyan kaming naglelesson ng may na "pssst" hinanap ko kung san galing hindi ko mahanap talaga? May multo na ba nayon dito sa room?

"Marie, ako yun shunga!" Saad ni Kayl

"Ano ba? Ano bang kailangan mo?" Mahinang saad ko sa kanya. Mahirap na baka tumunog nanaman ang mikropono ni Maam?

"Marie ang pangit mo? San ka ba pinaglihi ng nanay mo?" Aba loko to ah! Hindi porket crush ko te e gaganituhin niya ko!

Dont. Me. Pls. Others!

"Ano sinong pangit huh?!! Sapakan na lang dun tayo sa labas!'" Sigaw ko sa kanya. Huli na ng maalala ko na nag aaral pa pala kami.

Napuno ng tawanan sa loob ng silid maging si Ando tawa ng tawa. Ang gwapo talaga tumawa ng gagong may amnesia na yan! Bestfriend puta ka!

Gayun paman mabilis rin humupa ang tawanan nila aba eh si Maam na nagsalita asahan niyo tatahimik! Ang lakas talaga ng boses!

So ayun nga napalabas kami ng room!

****----*******

Binuksan ko ang pinto ng bahay. Kauuwi ko lang kasi. Dito pala yung malakas na tugtog nanggagaling!

"Nay! Ano to hanggang ngayon Gangnam style pa rin? Ilang oras na ba kayong nag gagangnam style?" Sermon ko kay inay

"Hoy panget! Bat mo ko simiaigawan? O sya simula ng umalis ka hanggang ngayon o ano may angal ka anak?!" Ano raw kanina pa?

"Wala inay! Sige nga turn the music on! Lets do the GANGNAM STYLE!"

******TBC*******

" Hindi sa lahat ng oras kapag may nagawa kang kashungaan ay kailangan  kang pagtawanan! Try rin sana nating isipin yung nadaraman ng taong pinagtatawanan natin, baka kasi naapakan na pagkatao niya"
                                    -marie-

Until You Notice MeWhere stories live. Discover now