*1* Final Destination

51 4 0
                                    

Marie's POV

🎶la la la la la🎶

Tapos nanaman ang klase namin ngayong hapon. Heto ako ngayon at masayang tatalon talon papunta sa aking final destination hehehe xD.

Kainis parin talaga ang nangyare sa akin sa buong araw ko no?  mga loko loko kong mga kaklase eh napagdiskitahan nanaman ako! ikaw ba namang walang kamalay malay na umupo sa upuan ko eh ma stock dun aba naman! sukat lagyan ng dikit! bwisit lang guys kabibili lang kaya ni inay yung palda ko sa kapit bahay naming grumaduate nung nakarang taon. sayang ang 100 pesos lagot ako nito kay inay!

ito pa ah! katatanggal ko lang ng dikit sa palda ko syemore ang saya saya ko na nun diba! aba eh yung buong soccer team pagbabatuhin ba naman ako ng itlog! kainis tinanong ko sila kung bakit nila ako binato at ang sabi ibinalik lang daw nila yung itlog sa pugad!

Pugad daw sika!

bakit ba di nila ma appreciate yung buhok ko!! ito na ngalang ang precious thing na natitira sa kin no! Pashnea sila!

Di nalang nila kasi aminin na inggit lang sila!

🎶la la la la la la🎶

hay pakiramdam ko mag kakawrinkles ako nito.!! stress much!

"naku girl tingnan mo si Marie!" dinig kong tanong ni Tonyang

"Hoy Marie! san ang lakad mo?! aakyat ka nanaman ba ng bundok?!" abat! sumosobra na itong dalawa na ito ah! bi-bingo  na sila talaga.

binigyan ko sila ng isang napakatamis na ngiti. yung ngiting makakalimutan nilang hindi pala talaga sila tao kundi Dikya! "Hoy Girlie at Tonyang! bakit..." tapos biglang lumungkot ang aking mukha "bakit ganito kayo sa akin? may nagawa nanaman ba akong hindi tama sa inyo" putik di talaga bagay sa akin ang best in drama! si Ma'am talaga sinungaling! any way eto na magsasalita na sila

"luh luh luh Marie ang pangit mo pala talaga kapag umiiyak ka!!! hahaha imbis na maawa kami aba etot natutuwa kami!" saad ni Girlie na halos labas na ang gilagid na nangingitim!

"ano nga ang nagawa mo Marie? aha! wala Marie wala! kasi trip namin eh! bakit kakasa ka nanaman ba? huuuuhh???!!!" buga ay este sigaw ni Tonyang

"anong amoy yun?! amoy kanal?!" pagtatanong ko.

"Tonyang! ano ka ba naman! hindi ka nanaman ba nag toothbrush!? asan na yung bigay ko sayong toothpaste at toothbrush?! aba naman pinaghirapan ko pa yung kunit sa kapit bahay!" eka naman ni Girlie ano raw? galing sa ano?

"sorry Girlie di kinaya ng tooth brush ipin ko nalusaw eh? tsaka girlie bakit mag totooth brush pa kung bukas magtotoothbrush uli? Girlie alam mong ayaw ko ng paulit ulit nakakapagod yun! tsaka huwag kang mag alala sa tooth paste ginagamit ko na pang shampoo sa buhok ko ayos ba?!" litanya ni Tonyang na ayaw ng paulit ulit! babaeng to naturingan pa man ding babae!!

"ay ano yun!!" sabay turo ko sa taas.

takbo Marie hayaan mi na yung mga pangit na yun. habang tumatakbo ako nilingon ko ang dalawa ay aba naman talagang hinahanap nila kung ano yun?

sigh

-----

eto ang sinasabi ko sa inyong final destination ko. Andito ako sa ilalim ng puno perfect spot eto dahil malapit lang ito sa soccer field kung saan nandun yung taong di ko pinagsasawaang iguhit akalain niyo 4 na taon ko na siyang iginuguhit. Siya si Androfolt Mondragon. Nalulula na talaga ako sa lalaking ito sobrang di ko na maabot! Malayong malayo sa kababata kong uhugin. tingnan niyo naman Team Captain sa soccer tapos Hearthrob pa dito sa paaralan namin. ay nakalimutan kong sabihin yung school. Nag aaral ako sa PROSPERO ANSELMO KATLI UNIVERSITY. IN SHORT SA P.A.K -U o akay ba?

4 na taon narin ng mag balik sila dito sa pinas.  pero ako 12 years ko siyang hinihintay. namimiss ko na kasi siya. Hindi ko ba alam kung love ba ito o pagkasabik lang na makita siya?

love?

hahahahahhhahhahah

love ko ba si Ando?

hindi siguro namiss ko lang siguro siya :) tama yun lang yun! Maring si Ando lang yan!

ihhhhhh si Ando yun eh!

bwisit kasi si Ando eh! sukat ba namang umakyat ng puno yan tuloy nabagok! nawalan tuloy ng ala ala. ihhhh ... ayan tuloy ang daming nagbago!

"Dati ang lalapit mo lang sa akin,bakit ngayon hanggang tingin na lang ako sayo"

Kaya nga eto po ako ngayon nakaugalian ko na kapag uwian dumideretso ako sa ilalim ng puno malapit sa field dun ko ginuguhit si Ando. Tinutupad ko lang naman yung pangako ko sa kanya noon. Yun yung proprotektahan ko sita at protektahan niya rin ako. Pero mga bes bakit nagkaganun? siya yung number one na nambubully sa akin! uhugin na yon! pektusan ko kaya?

"Marie!! Marie!!" sigaw ni Kayl sa akin. sanggang dikit siya ni Androfolt number 2 na bully sa akin yan eh! pero kahit na! crush ko yan eh. sandali nga!

"eher eher? ene yen keyl!!!" pabebe kong sigaw sa kanya. kenekeleg kese eke. eher eher aigoo!!

"ihhhh kadiri! ikaw Marie ka huh tigilan mo ako sa kalandian mo! yung bola paki abot! bilisan mo!" bigla tuloy ako napalingon sa bola. buti pa ang bola pinahahalagahan e ako kaya kailan? sa inis ka ay dinampot ko ng mabilis ang bola. ibabato ko na sana ang bola ng

ay dumikit!

"ayt!!! ayt!!!! ayt!!! bwisit ka talaga kayl!!!!" huhuhu nakadikit sa kamay ko yung bola. "Tulong Ando si Kayl binubully nanaman ako. " yan sana ang gusto kong sabihin sa kanya kaso nung makita kita Ando.....para bang ayaw ko ng magreklamo ganun ba? seeing you laughing because of what happen to me.... im happy.... gusto ko na makita kang masaya. Pangako ko sa sarili ko yan eh yung panatilihing may ngiti sayong labi. Yung kahit pagod ka malungkot ka may taong makikita ka na magpapasaya sayo....masakit man sa parte ko..... okay lang kakayanin ko.... Hindi naman ako nagbago Ando....kung ano ako noon....ganito parin ako ngayon..... Sa ating dalawa ikaw lang talaga ang nang iwan...ikaw lang ang bumali sa pangako natin sa isat isa.

de punggal ka Ando! Ang saya saya mo ah!! love you!!!

Good Job Marie ... buo nanaman  ang araw mo.

***************

"Maraming dahilan para maging masaya, kahit nasasaktan tayo kailangan pa rin nating maging masaya hindi man sa atin kundi para sa kanila."

an; tnx  hanggang dito munam

Until You Notice MeWhere stories live. Discover now