Chapter Eight

76.6K 2.5K 1.6K
                                    

Sa ospital ako dinala ni Caius. Humawak ako sa braso niya nang akmang bababa na siya sa kotse. Natigilan siya at napakunot ang noo sa akin. 

"Hindi mo na 'ko kailangang dalhin dito. Hindi naman malala 'to," bulong ko na lang. 

He didn't listen. He got off the car and opened the car door for me. I gasped when he carried me again in bridal style. I clung on his nape, hindi na lang ako nagsalita dahil mukhang hindi naman siya makikinig sa akin. 

"Sir, Caius, si Doc Rheus po ba ang hanap niyo? May appointment pa po siya ngayon, eh," sabi ng isang nurse at pinigil kami ng isang nurse. 

"I don't give a shit," tila walang pakialam na sinabi ni Caius. 

Dumiretso kami sa isang silid. May nakalagay na Dr. Rheus McKnight sa pinto. Basta na lang binuksan 'yon ni Caius. Napakurap pa ako dahil wala naman yata siyang appointment dito. 

Natigilan pa kaming pareho ni Caius sa naabutan. The doctor, the handsome doctor is flirting with someone. He's sitting on his swivel chair with a woman sitting on his lap. I looked at Caius, he just raised his eyebrow. 

"I didn't expect that you have this side, Rheus," Caius muttered. "Is this your fucking appointment?"

"I'm sorry, bro. My girlfriend is my priority," the doctor named Rheus said. He smiled and hugged his girlfriend tighter. 

Agad namang napatayo ang babaeng kasama ni Rheus. Namula ang mukha nito at nag-peace sign pa sa amin. "Sorry, guys. Kasalanan ni Rheus kasi nilalandi niya 'ko," sabi ng babae at itinuro pa si Rheus. "Don't worry, gogora na rin ako."

"Everly," sinabi na lang ni Rheus at humawak pa sa kamay ng babae, parang ayaw itong paalisin. 

"Tumigil ka nga, unahin mo ang pasyente mo. Anong klase kang doktor?" the woman named Everly raised her eyebrow. 

Napatitig ako kay Everly. Simple lang siya, pati ang pananamit niya, pero maganda. Si Rheus naman ay hindi rin maikakaila na guwapo, mukhang mabait. Titig na titig siya kay Everly na parang ito ang mundo niya. Nakahawak pa rin sa kamay ni Everly at parang ayaw bumitiw. 

Kailan kaya gagawin ni Caius sa akin ang ganiyan?

Everly took her bag and kissed Rheus' cheek. "Mamaya na lang, hmm? Mwa mwa..." Humalik-halik pa siya sa labi ng boyfriend, halos habulin na ni Rheus ang labi niya. 

Lumapit pa sa amin si Everly bago umalis. She smiled at me and winked before she went out of the room. Dinala na lang ako ni Caius sa hospital bed at marahan akong iniupo roon. Rheus stood up and took his medicine box or something. 

"Your girlfriend seems decent, Rheus. Don't let her go," sinabi na lang ni Caius. 

"Of course. She's the one for me... wala nang iba." Rheus smiled. 

Jealousy crept in my heart... Sana maging ganiyan din sa akin si Caius. Sana mahalin niya rin ako.  

"So, who are you, Miss?" Rheus asked. He smiled at me and started treating my wounds. 

"I'm Luisa, I'm Caius' wi--"

"She's my student. She got bullied by her schoolmates," agad na pagputol ni Caius sa sinabi ko. 

"Oh..." Rheus nodded. "I can see you care so much for your students... You even brought her here yourself. What a righteous professor," he said, I can hint the sarcasm in his voice. 

Caius didn't respond. Hinahabol lang ng tingin niya ang mga sugat ko na ginagamot ni Rheus. Napakagat na lang ako sa loob ng pisngi ko at pinakalma ang puso ko. I'm bruised all over and here I am... blushing like a creep because of him. 

Dangerously Yours (SERIE FEROCI 10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon