Chapter Nineteen

101K 3.5K 2.7K
                                    

"Mi..."

"Hmm? Why, baby?" I asked in a soft voice and kissed his chubby cheek. 

Inayos ko na ang breakfast niya. Inaasikaso ko siyang maigi sa umaga dahil siguradong mami-miss ko siya maghapon. 

Cairon pointed the TV. He's watching a cartoon. Ipinakita ang school doon. "Mommy... School and fwends!" 

"Gusto mo na pumasok ng school at magkaroon ng friends? Don't worry, malapit na. Ipapasok ka na ni Mommy sa school next year," I said even though, I wasn't sure of it. 

Madalang ko ilabas si Cairon. Wala rin siyang birth certificate and other documents na naka-register. Ni walang record na nanganak ako. I requested manang back then to just call a midwife. I know Cairon's father, and even his uncle, Cadence... I don't want them to know about Cairon's existence. 

Gusto kong mamuhay na lang kaming mag-ina nang tahimik. We don't need Caius. I can take care if Cairon by myself. 

I smiled while caressing Cairon's hair. He looks like Caius a lot, but with softer features. Dahil siguro kahit papa'no ay may namana naman siya sa akin. Cairon has softer eyes like mine. 

I honestly feel bad for my baby. Ayoko siyang itago nang ganito. Gusto ko na nakakalabas siya at nakakapaglaro. Gusto ko na dinadala siya sa mga mall at iginagala... pero dadating din kami roon. Mag-iipon muna ako ng lakas ng loob. 

Natigilan lang ako sa pag-iisip nang humawak si Cairon sa damit ko. I smiled at him and kissed his forehead. "Yes, baby?"

"Mommy... Daddy, where?" he asked. 

I licked my lower lip and caressed his hair. "Your Daddy is in hell now."

"Luisa, ano ka ba, ineng?" pananaway sa'kin ni Manang nang marinig niya ang sinabi ko. 

Cairon looked at me with confusion in his cute eyes. "Hell? Where ish hell, Mi?" he innocently asked. 

Nakonsensya naman ako bigla sa sinabi ko. "Joke lang 'yon, baby. Uhm... Your daddy is in a very far place."

I don't hate Caius. I never hated him. I can't hate him. But I don't want Cairon to acknowledge him as his father. Yes, I named Cairon after him. But I was still crazy over him that time I gave birth to Cairon. But I'm very much sane now. I know I don't want to see him again. 

I spent a long and hard time forgetting him... and my love for him. Ayoko na bumalik na naman ako sa dati. Normal na ako ngayon... Natatakot ako na baka ma-trigger na naman ang nakabaon na sa puso ko kapag nakita ko na naman siya. 

Yes, I wasn't confident. I loved him more than my life before. Hindi ako sigurado kung talaga bang wala na akong mararamdaman kapag nakita ko ulit siya. Kaya mas maganda nang hindi ko na lang siya makita pa ulit. Okay na ako. Ayos na kami ng anak ko. The last thing that I want is seeing him... and being involve with him again. 

"Mi! Shtowberry, yummy..." Cairon giggled and drank his strawberry juice. 

Nanggigil ako sa baby ko. Binuhat ko siya mula sa upuan niya. I chomped on his chubby cheeks using my lips. My baby giggled and hugged my nape. His laugh sounds like a melody in my ears. 

"Uy, mukhang nagbo-bonding ang mag-ina, ha."

Natigilan ako at napatingin sa pinanggalingan ng boses. Napangiti na lang ako nang makita si Neron. Lumapit siya sa amin saka humalik sa noo ko. Cairon immediately pushed his chest away from us. 

"No kishing Mommy!" 

Neron laughed out loud and pinched Cairon's cheek. "Grabe, ang possessive naman ng baby na 'to."

Dangerously Yours (SERIE FEROCI 10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon