2

1.2K 37 0
                                    


THE MASOCHIST REVENGE

KIEFER + ALYSSA ( R-18 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

Chapter 2

"Finished." Pagod na napaupo si Kiefer sa
sofa nang matapos magluto ng tanghalian
nila. Tapos na rin siyang magsampay ng mga
damit na nilabhan kanina.
Pagpasok niya ay wala na si Allysa at ang
dalawang bata nalang ang naabutan niya na
nanonood dito sa sala.
"Pssst. Drew, where is your mom?" tanong
niya sa anak na tahimik lang na nanonood
pero ang isa ay busy sa pagkain ng
toblerone.
"I dont know po." magalang na sagot ni
Drew.
"Wag mong pansinin. 'di natin 'yan bati."
Drei whispered. Ang dumi pa ng bibig nito
nang dahil sa chocolates.
"Alam mo bang nasisira ang ipin natin dahil
sa chocolates? Gusto mong matatanggal
'yang lahat ng ngipin mo?" pananakot niya
sa bata na agad namang binitiwan ang
hawak na toblerone.
"Di naman, e." Pero halatang natatakot na
ito.
"Open your mouth, Drei." Utos ni Kiefer na
agad naman nitong sinunod.
"O, hahaha bungi ka na pala. Hala ka!
Mamaya matatanggal na 'yang lahat ng ipin
mo," he laughed. Natanggal na pala ang isa
nitong ngipin sa right side. Hindi lang halata
dahil medyo nakatago sa loob.
Bigla nitong itinikom ang bibig at umiba ang
mukha.
"Shit! I'm just kidding, Drei." Natarantang
bawi ni kiefer nang namula na ang mukha ng
anak. Patulo na rin ang mga luha nito.
"Waaah. Huhuhu MOMMY!" he cried sabay
takbo paakyat ng hagdan habang tinatawag
ang ina.
"Hey kid! Nagbibiro lang si daddy. Balik ka
rito, Drei." Habol ni Kiefer. Iniwan niya muna
si Drew sa sala para habulin ang isang anak.
"M-MOMMY!" umiiyak na takbo pa rin niya
papunta sa taas.
"Hey! Dahan-dahan lang. Baka madapa ka,"
pakiusap ni Kiefer. Pumasok si Drei sa
kwarto ni Allysa. Kabisado na ng binata ang
buong mansion. Ilang beses na rin naman
siyang nakapunta rito noong sila pa ni
Allysa.
"Drei nagbibir--" napatigil si Kiefer nang
pagbukas niya ay nasa likuran na ito ng
kanyang ina.
"What have you done, Kiefer?" madilim ang
mukha ng babaeng nasa kan'yang harapan.
"I'm just kidding. Ayaw kasing tumigil sa
pagkain ng chocolates," depensa ng binata
sa sarili.
"To the point na pinaiyak mo siya?" bulalas
niya. Nakabihis na rin ito at halatang
kakatapos lang maligo. Same parin ang
shampoo at perfume na gamit ni Allysa.
"Hindi ko nga sinadya, e." he swallowed his
saliva to clear his throat. Ang hot parin ni
Allysa tingnan sa kanyang hanging blouse na
kulay pink. Katerno ng kanyang white shorts
na lagpas hanggang tuhod.
"Mommy, sabi niya matatanggal daw po
lahat ng ipin ko. huhuhu." umiiyak na
sumbong nito sa ina na nakalabi pa.
"Wag kang maniwala d'yan, baby.
Sinungaling 'yan, e. Tahan na ha," pag-aalo
niya sa bata sabay tingin ng masama kay
Kiefer.
"Makasinungaling ka naman Allysa," sumbat
ng binata.
Masakit naman sa ego niya na ganyan ang
ituturo ni Allysa sa murang edad ng kanilang
anak.
He wants to be a good father sa mga anak
nila. Iyan na talaga ang pangarap nito mula
nang makilala niya si Allysa.
If he could turn back time pero hindi na
pwede. Alam niyang malaki ang kasalanang
nagawa niya sa kanyang mag-ina.
"Why? May mali ba sa sinabi ko?" she asked.
"Tsss... bumaba ka na. Kakain na tayo. Luto
na ang niluto ko," pag-iiwas ni Kiefer sa
usapan.
"Pakiayos ng mesa pupunta rito ang
boyfriend ko." she commanded. Alam ni
Kiefer na may bagong kasintahan na si
Allysa, si Vincent Gomez. Isang sikat na
doctor. Balita niya ay wala pang isang taon
ang relasyon ng mga ito.
"Bukas mo na lang siya papuntahin,"
pakiusap ng binata.
"May usapan kami na rito siya kakain kaya
ihanda mo na ang mesa." Parang reyna na
utos nito.
"Bukas na lang kapag wala na ako rito o
mamayang hapon na lang kapag umuwi na
ako," naiinis na sabi niya.
"And who told you na uuwi ka?" she asked
habang nakataas ang kanang kilay at
nakapamewang.
Si Drei naman ay nakayapos sa hita ng ina at
nakasimangot na nakatingala kay Kiefer.
"What do you mean by that Allysa?" he
asked.
"From now on, dito ka na titira. Kapag
lumabas kapa ng bahay na hindi ko sinasabi
ay hindi kana makababalik pa rito kahit
kailan!" halos malaglag ang panga ni Kiefer
sa sinabi nito.
"Seriously?" he screamed.
"Tingin mo, nagbibiro lang ako? Subukan
mong lumabas. Makakaasa kang sampung
guwardiya ang kukunin ko para hindi ka na
muling makapasok," napabuga siya ng
hangin sa sinabi ng huli. Kilala nito si Allysa.
Sa sobrang spoiled brat nito ay hindi
impossibleng kaya niyang gawin iyan.
D'yan sila nagkaiba ni Kaye, mapilit ang
kapatid niya sa gusto nitong makuha pero si
Allysa napaka short-tempered nito. Kapag
sabihing ayaw ay ayaw niya. Hindi rin siya
'yung tipo ng babaeng hahabol sa'yo ng
matagal.
Noong mapansin nga niyang hindi
interesado si Kiefer sakanya ay titigil na sana
ito sa pagpapapansin pero dahil sa takot na
mapunta sa iba ay niligawan na siya ng
binata,kahit na bata pa si allysa. Alam ni
Kiefer na patay na patay ito sa sa kanya
noon. Siya rin naman kay Allysa kaya pantay
lang ang pagmamahal na naibigay nila sa
isa't isa.
"Mahal pa kaya niya ako?" naisip ni Kiefer
habang nakatitig sa maganda at maamong
mukha ng dalaga.
"Nagkakaintindihan ba tayo, Kiefer? Did you
hear me?" pukaw ni Allysa.
"Y-yups. Kukunin ko lang ang gamit ko sa
bahay," sagot ng binata nang makabalik sa
reyalidad.
"Tomorrow. Dito ka matutulog mamaya.
Walang magbabantay ng mga bata." utos
niya. Kung tutuusin, pabor kay Kiefer ang
sitwasyon. Mas mabantayan nito si Allysa at
mas mapalapit pa ang mga anak sakanya.
"Okey." Pag sang-ayon nito. Sigurado
naman siyang may mga extra na damit dito
sa mansion na kasya sa kanya.
"Please, pakihanda ng mesa at pwede kapag
dumating ang boyfriend ko ay 'wag kang
magpakita sakanya?" napatingin si Kiefer sa
mukha nito at halos hindi makapaniwala sa
narinig.
"Seryoso ka ba, Allysa? Ano'ng tingin mo sa
akin? Kriminal na magtatago?" galit na saad
ng binata.
"Tsss... bumaba ka na. Kapag ano ang
mangyari dun kay Drew sa sala, hinding-
hindi mo na sila makikita pa." utos ni Allysa
na ngayon ay binuhat na si Drei para
bumaba.
"Psh! Talagang ginawa mo na akong
katulong, a." reklamo ni Kiefer na inunahan
na ang mag-inang bumaba sa hagdan. Ang
anak na si Drew ay tahimik na nakaupo pa
rin sa sala at nanonood parin ng barney.
Napansin ni Kiefer na mas mabait at tahimik
ito kesa kay Drei.
Dumiretso na sya sa dining room para ayusin
ang pagkain. Sa totoo lang ay pagod na
pagod na ito sa trabaho magmula pa kanina.
Maswerte lang sya dahil hindi mga pasaway
ang kambal kaya nakakagalaw siya ng
maayos.
Maya't maya pa ay may nag doorbell na.
"Yeah! Tito Vincent is here," tuwang-tuwa na
sabi ng dalawa at nag-unahan pa na
pumunta ng gate.
"Psh! Tito raw," nagseselos na bulong ni
Kiefer.
"Kiefer, akyat na sa taas, dali!"
Nagmamadaling utos ni allysa sabay hila
sakanya paakyat sa hagdan.
"Bakit? Ayaw mong ipaalam na nandito ako?
Maintindihan naman nun dahil ako ang ama
ng mga anak mo!" he frowned like thunder.
"Peste! Umakyat kana kasi.dun ka sa kwarto
ko at 'wag kang lumabas. Dalian mo na!"
she commanded.
"Oo na!" Padabog na pumunta si Kiefer sa
kwarto ni Allysa.
"Putsa naman!" Napasuntok siya sa kama
nang maupo. Siya ang dapat nandun. Siya
ang dapat na kasama ng mag-ina niya
habang kumakain sa mesa at hindi ang ibang
tao.
Humiga siya sa malambot at puting kama,
iniunan niya ang dalawang kamay sa ulo
habang nakatingala sa kisame.
"Allysa," sambit niya nang mapadako ang
paningin sa picture frame ng dating
kasintahan na nasa ibabaw ng bedside table.
Nakangiti ito na nakatingin sa camera
habang hinahalikan ng kambal sa
magkabilang pisngi.
Bumangon siya at tiningnan ang album na
nakapatong sa ibabaw ng mesa.
Napangiti si Kiefer nang makita ang cute na
kambal habang sanggol pa ang mga ito na
katabi ni Allysa sa kama at mahimbing na
natutulog.
May mga litrato rin noong una nilang
paglalakad, pagkadapa at pag gamit ng
kutsara. Lahat ng iyon ay nakuhanan ni
Allysa kaya habang minamasdan ay
pakiramdam niya, nandun na rin siya noong
sanggol pa ang dalawa.
---------
Nagising siya sa pagtunog ng kanyang
cellphone sa bulsa. Hindi niya namalayan na
nakatulog na pala siya dahil sa sobrang
pagod at gutom na rin. Magmula pa kasi
kaninang umaga ay hindi pa siya kumain.
Pagtingin niya sa wallclock ay mag-aalas dos
na rin ng hapon.
Pinatay niya ang cellphone nang makitang si
Gretchen lang ang tumatawag.
Pagkalabas niya sa kwarto ay narinig niya
ang halakhak ng dalawang bata pati na rin ni
Allysa.
Napangisi siya nang makitang nakatingin ang
dalaga sa kanya at pinagbabantaang 'wag
bumaba. Nakatalikod si Vincent sa kanya
kaya hindi siya nito nakikita.
Agad na tumalikod si Kiefer at bumalik sa
kwarto nang makitang nakaw na hinalikan ni
Vincent si Allysa sa mga labi habang
nakatalikod ang dalawang bata. Mahal pa rin
niya si Allysa kaya labis siyang nasasaktan sa
t'wing makitang may iba itong kahalikan.
"Fuck!" Kinain na siya ng pagseselos kaya
lahat ng pagkahilo nang dahil sa gutom ay
nakalimutan na ng kanyang sikmura.

ALLYSA's REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon