9

710 28 1
                                    

THE MASOCHIST REVENGE ( R-18 )
KIEFER + ALLYSSA

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 9

Unedited...
"Allysa, okay ka lang?" tanong ni Kiefer
habang pababa ito sa hagdan. Napansin
niyang nakahawak ito sa ulo.
"Okay lang ako!" Pagsisinuplada niya at
pumunta sa kusina.
Tatlong araw na buhat nang may nangyari
sa kanila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin
nauunawaan ni Kiefer ang nangyari. Hindi
ang sweet na Allysa ang kanyang nakatalik
noon. Para itong sinaniban ng kung ano at
naging isang mabangis na leon.
May iilang pasa rin siya dulot ng
pagkakasampal at kurot ni Allysa noong
nagtalik sila.
"M-may problem ka ba, Allysa?" nag-
aalalang tanong niya.
"Wala. Sige na, kakain na kami ng mga bata.
Magluto ka na," napabuntong hininga na
lang siya at inumpisahan nang magluto ng
agahan nila na tinulungan naman ng dalaga.
"G-gusto mong magpagamot?" tanong ulit
niya.
"Will you please, keep your mouth shut,
Kiefer?" she shouted na ikinagulat naman ng
binata.
"W-worried lang ako. I'm sorry," paumanhin
niya.
"What is the use of your sorry? If the
damage has been done?" pagsisinuplada
nito.
"Allysa, may nagawa ba akong kasalanan sa
'yo?" huli na nang ma-realize niya ang laman
ng itinanong.
"Do you have to ask, Kiefer?" she smirked.
"Allysa..." Wala siyang masabi. Ano ba ang
dapat niyang sasabihin?
"Pakihanda na ng mesa. Kakain na kami ng
ma bata." Utos nito.
Habang kumakain sila ay panay sulyap niya
sa dalawang bata. Tahimik lang ang mga ito
habang maganang kumakain.
"Bakit po?" inosenteng tanong ni Drew
habang nakatingala sa kaniya.
"Nothing! Masaya lang ako kasi nakikita ko
kayo," binigyan niya ng matamis na ngiti
ang anak pero napalis din nang pagtingin
niya kay Allysa ay nakasimangot ito.
"Daddy? Pasyal po tayo," pakiusap ni Drew.
"Gusto mo? How about a vacation?"
masayang tanong niya. Gusto rin niyang
makabonding ang mga ito.
"Talaga po? Wow!" bulalas ni Drew.
"Walang magbabakasyon!" Natigilan sila sa
sinabi ni Allysa.
"Mommy!" Nakasimangot si Drew.
"Marami pa tayong gagawin kaya dapat,
'wag laging gumala. Isa pa, gastos lang."
"Ako naman ang gagastos," sabat ni Kiefer.
"We don't need anything from you! Kumain
na kayo, Drei."
"Alam kong galit ka sa akin at alam kong
gusto mong gumanti. Sana huwag mo nang
idamay ang mga bata," tumigil si Allysa sa
pagkain at hinarap siya.
"Hindi ako gumaganti. How I wish kaya kong
gumanti but I always prayed na sana, karma
will slaps you before I do." She smiled
widely at ipinagpatuloy na ang pagkain.
Tahimik na muli silang apat na kumain.
Pumanhik si Allysa sa taas. After 30 minutes
ay bumaba na ito.
"Saan ka pupunta?" nakabihis ito. White
pants and black tshirt katerno ng gray
sneakers shoes.
"Kanina kapa tanong ng tanong. Bantayan
mo muna ang mga bata. May importante
akong lakad at hindi ko ugaling sabihin sa
ibang tao ang mga personal na ginagawa
ko," wala sa modong sagot niya.
"Ingat," wala siyang magawa. Mukhang
tinutupak ang babae.
"Daddy, we want to play outside." Ani
Drew. Malambing talaga ito sa kaniya. Unlike
Drei na laging galit. Napapansin niyang
mukhang may bipolar ang anak. May times
na suplado pero minsan ay mabait ito sa
kaniya pero sobrang minsan lang talaga.
"Okay. Wait lang. Liligpitin ko lang mga
kalat ninyo dahil baka dumating ang mom
ninyo, makalat pa rin ang bahay." Kinuha
niya ang walis tambo para walisin ang
nagkalat na chichiria. Natapon ito kaninan
nang mag-agawan ang kambal. "Magbihis
din muna kayo and we will go outside," ani
niya. Nagkalat na rin ang chocolates sa
damit ng mga ito. Ayaw sana niyang
pakainin pero binigyan ni Allysa bago
umakyat kaya hinayaan niya na lang dahil
baka maging ugat na naman ng away nila.
He knows na may something sa ina ng mga
anak niya. Nag-iba na nga ito mula nang
magkita sila muli. Hindi na sweet and
innocent but fierce and may pagka
dangerous na ito at alam niyang kasalanan
niya ang lahat.
Dinala niya ang dalawa sa playground.
Natapos na rin ang ginawa niyang seasaw
para sa mga bata.
"Si Allysa?" tanong ng boses lalaki sa
kaniyang likuran.
"Paano ka nakapasok dito?" naikuyom niya
ang kamao. Tama lang na wala si Allysa rito
kaya masasabi niya ang lahat ng gustong
sabihin.
"Open ang gate. Kapag pala pasukin kayo,
wala kang magagawa. Ni hindi mo man lang
kayang ipagtanggol ang mag-ina mo?" He
smirked. Napadaan lang siya para
kamustahin ang kasintahan.
"Hindi na isara ni Allysa paglabas niya," he
answered.
"Gano'n ba? Dito ka na pala nakatira,"
pagkukumpirma ni Vincent. Malakas ang
hinala niya noong nakaraang araw na
magkasama ang mga ito. At aaminin niya,
nasasaktan siya!
"May karapatan naman ako sa mag-ina ko
kesa sa iyo," pagmamalaki ni Kiefer. Hinding-
hindi siya magpapatalo rito kahit na anong
mangyari lalo na't alam niyang wala pang
nagyayari sa kanila. Allysa was so tight
noong unang pagtalik nila.
"Ako ang kasintahan at ex ka lang. Sige na.
Wala naman pala ang sadya ko kaya aalis na
ako bago pa tayo magsapakan."
"Tito!" Tawag ni Drei at tumakbo palapit sa
kaniya. Sumunod naman si Drew sa
kakambal.
"Hey. Alis na si Tito. Sorry boys, I'll cath up
na lang if may free time," ginulo niya ang
buhok ng dalawang bata saka tumalikod at
iniwang naggagalaiti si Kiefer sa galit.
Sumakay siya sa kotse dahil gusto niyang
puntahan ang dating kaibigan. May party
daw sila mamaya. Habang nagda-drive ay
nahulog siya sa isang malalim na pag-iisip.
Alam niyang mahal siya ni Allysa pero hindi
kasing lalim ng pagmamahal niya para rito.
Dumating na nga ang kinatatakutan niya,
ang tuluyang magkita ang dalawa. Noong
panahong nakilala niya si Allysa ay wala
itong bukambibig kundi si Kiefer. Mahal niya
raw ito pero galit siya rito.
Nagugutom na siya kaya't dumaan muna siya
sa isang chinese restaurant. Pagpasok niya
ay dumiretso siya sa counter. Pagkatapos
mag-order ay naupo siya sa mesang malapit
sa bintana. Pumuwesto siya na nakaharap sa
bintana kaya hindi niya nakikita ang ibang
costumers.
"Mama? Kailan po babalik si Papa?" narinig
niyang tanong ng bata sa likuran.
"Baby, wala na si Papa mo. Ahm... may iba
na siya," paliwanag ni Krizzy sa anak.
Mahigit tatlong taong gulang na ito. Isa
siyang single mom. Kakagraduate lang niya
noon nang mabuntis siya ng ama ni Karf
Jairus. Pumunta siya rito sa Maynila para
maghanap ng trabaho. Gusto niyang kapag
manganak ay may naipon na para pambili ng
damit at gatas ng magiging anak nila.
Graduating naman ang si Daryl noon kaya
okay lang na siya ang magtrabaho. Pareho
silang taga-Leyte pero isang araw ay
nabalitaan niyang may ibang babae na raw si
Daryl na dinadala sa bahay nila. Na
kumpirma niya ito noong nakipaghiwalay
ang kasintahan at pag open niya ng fb ay
ang picfure nila ng bago ang profile picture
nito.
Naiinis siya! Naghabol at palaging
nagmamakaawa na balikan sila dahil
manganganak siya pero tinawagan siya ng
kapatid nito na huwag nang maghabol dahil
nagmumukha lang siyang tanga. Marine
engineering ito. Ang dalawang kapatid na
lalaki ay nakasakay na sa barko dahil seaman
din. Sinabi niyang uuwi siya sa bahay ng
kasintahan dahil manganganak na siya at
wala siyang pera.
Isa pa, iniisip din niya ang kalagayan ng
anak. Kailangan niya ang pirma ni Daryl pero
nagulat na lang siya na tinext siya ng nanay
nito na kapag umuwi siya, palalayasin nila si
Daryl o kapag si Daryl ang pumunta sa
kaniya, hindi na tutulungan ng mga ito na
makasakay si Daryl. She has to choose.
Sa bandang huli, pagkatapos niyang
manganak ay mas pinili pa rin niyang umuwi
sa Leyte at lunukin ang lahat ng Prid e para
sa kapakanan ng anak nila. Maayos naman
ang pakikitungo ng pamilya ni Daryl sa
kaniya at sa anak niya pero isang araw,
habang mataas ang lagnat ng anak nila ay
umalis ang kasintahan. Alam niyang pumunta
ito sa babae niya. Ni hindi man lang nito
naisip na mas kailangan ito ng anak nila.
Tiniis niya iyon. Dinala pa niya sa bahay nila
si Daryl at ipinakilala sa pamilya niya pero
alam niya sa sarili niya na wala na talaga.
Niloloko lang siya ng binata pero tiniis niya
ang lajat ng iyon dahil ayaw niya ng wasak
na pamilya. Galing din siya sa broken family
kaya ayaw niyang matulad ang anak sa
kaniya pero para na lang silang
naglolokohan. After 1 week ay bumalik sila
sa Maynila pero dalawang araw pa lang ay
nalaman niya dahil sa kapitbahay ng
kasintahan na doon na naman umuuwi ang
babae. Masakit sa kaniya iyon. Parang
binaboy lang siya ng mga ito.
Konting RESPETO lang sana ang hinihingi
niya noon pero hindi pa magawa ng
kasintahan at pamilya nito. Ang sa kaniya
lang ay huwag sana nilang hayaang tumuloy
ang babae roon dahil minsan, pinakiusapan
din naman siya ng mga ito na huwag
tumuloy at 'wag silang umuwi na mag-ina
doon pero yung hindi nga nila kadugo ay
taos-pusong tinatanggap? At imagine, two
days pa lang na kakaalis nila ng anak? E,
alam naman ng babae na roon siya galing.
Knowing na teacher ang babae at may
pinag-aralan.
Lahat ng paghihirap naranasan niya. Lahat
ng sakit physically at emotionally ay
natanggap niya mula sa pamilya. Nadoon pa
na pagdudahan siya kung si Daryl nga talaga
ang tunay na ama ng anak e wala naman
siyang ibang naging karelasyon. Pero ni
minsan, hindi siya humingi ng pera at
suporta. Apelyido lang talaga ng anak niya
ang hinabol niya para kahit papano, may
ama naman ang anak niya kahit sa papel lang
pero WALA! Iniisip pa nito na sagabal lang
ang pagbibigay niya ng apelyido sa anak
dahil baka hindi makasampa ng barko kapag
malamang may anak na siya.
Kaya tumigil na siya.
Hindi na siya nakipag- communicate sa
pamilya ni Daryl at binuhay na mag-isa ang
kaniyang anak. At least, kapag dumating ang
araw na magtatanong ang anak niya, alam
niyang hindi siya nito masisisi dahil ginawa
naman niya ang lahat kahit na ang TANGA
niya noon. Hindi naman siya sumuko.
Natauhan lang sa katangahan. There is a
difference between giving up, and knowing
when you have had enough 'ika nga.
"Hindi po ba ako mahal ni Papa?" malungkot
na tanong ng bata. "Mahal ka ng papa mo,
pero mas mahal niya lang ang ibang tao
kesa sa iyo," ngumiti siya rito. Bakas ang
lungkot sa mga mata ng bata.
"Dito na tayo, guys." Ang iingay ng
magbarkadang kakarating lang at naupo sa
katabi niyang table. Pinagdikit ng mga ito
ang dalawang table para magkasya silang
sampu.
Mabilis na tumibok ang kaniyang
puso nang makilala ang isang lalaking
nakaakbay sa babaeng matangkad. Ang ama
ng kaniyang anak, si Daryl at ang kasintahan
nito at barkada nila. Nakilala niya ang mga
ito dahil sa facebook.
Nang inilapag ng mga ito ang pagkain sa
mesa ay nagtawanan na.
"Kailan ang kasal, Daryl? Naku! Kayo talaga
ang forever," wika ng matabang kaibigan ng
ex niya. Alam niyang siya ang pinaparinggan
ng mga ito.
Ngumingiti lang si Daryl. Medyo hindi siya
makakilos ng maayos dahil naiilang siya sa
kaniyang mag-ina.
"Ang tagal niyo na pala noh? Tibay talaga,"
dagdag pa ng isa pero binalewala na ni
Krizzy. Aamin niya, may kirot pa rin sa puso
pero konti na lang.
"Kain ka pa 'nak," hinalikan niya sa noo ang
maganang kumakain na anak.
"Hindi ka kasi kagaya ng iba, napaka easy to
get at walang breeding!" Nanginginig ang
kamay niya sa narinig.
"Hindi naman kagwapuhan," bulong niya.
Napaisip tuloy siya kung bakit niya hinabol
ito noon e, wala namang perang ibinibigay
sa kaniya at hindi naman ganun kagwapo.
Ganun nga siguro kapag mahal mo ang
isang tao, nagiging bulag ka sa katotohanan.
"Well, ganun talaga kapag seryosohing
babae ka," pagmamalaki ng kasintahan ni
Daryl. Kung makakapatay lang ang mga
pagpaparinig nila ay malamang! Kanina pa
siya patay.
"Tita!" Bulalas ng barkada nito nang papasok
ang pamilya ni Daryl at naupo sa isang
table. May namatay silang kamag-anak kaya
lumuwas ang mga ito sa Maynila.
"Krizzy?" Tawag ng ina ni Daryl nang
namataan siya.
"Hello po," bati niya.
"Ang laki na ni Karf. At ang gwapo pa ng
apo ko," lumapit ang mga ito sa kaniya.
"Dito na kayo kumain sa amin," tuwang-
tuwa na yaya ng matanda. Clueless naman si
Karl sa mga nangyayari.
"Huwag na po. Hindi sanay kumain ang anak
ko sa mesang masyadong masikip,"
magalang na sagot ni Krizzy. Tumahimik ang
mga ito.
"Kamusta ka na, hija? Ang laki na ni Karf,"
masayang bati ng ina ni Daryl. Ang mga
kapatod ay tahimik lang. Ang mga kaibigan
no Daryl ay nakataas ang kilay sa kaniya.
"Okay naman po, masaya." Sinikap niyang
ipakitang masaya na sila at balewala ang
nangyari sa nakaraan.
"Ah, hello Karf, pasensya ka na, ha. Ito lang
makaya ni lolo," sabay abot ng matanda ng
limang daan.
"Ito pa, ma. Idagdag mo na," wika ng
kapatid na lalaki ni Daryl.
"Wait lang. May isang libo ako rito," saad
naman ng kapatid na babae. Ito ang
tumawag sa kaniya noon na 'wag nang
istorbohin si Daryl dahil masaya na sila. All
in all ay mahigit tatlong libo ang iniaabot sa
kaniya pero hindi niya tinanggap.
"Pasensya na po, baka wala na kayong
pamasahe pauwi. May pera pa naman po
ako. Isa pa, buhay pa ho ang anak ko at
hindi kami humihingi ng abuloy." Normal na
pagkasabi at ngumiti siya ng matamis sa
harap ng mga ito.
"Excuse me, Krizzy, honey." Tawag ni
Vincent na ikinagulat nila ng mga ito dahil sa
lalaking matangkad at artistahin ang dating.
Ang gwapo nito sa suot na light blue polo
shirt at halatang mayaman pa dahil sa kutis.
"Doc!" Bulalas ni Krizzy. Nagtataka siya kung
bakit nandito ang doctor.
"Let's go? Nami-miss ka na nina mommy.
Oh, kilala mo ba sila?" sabay hawak nito sa
bewang niya.
"Ahm... Oo. Dating kakilala ko," naiilang na
sagot niya. Medyo na gets na niya ang nais
iparating ni Vincent nang pinisil siya nito sa
bewang.
"Excuse me po, hiramin ko lang ang
girlfriend ko. May importanteng lakad pa
kami," paalam ni Vincent.
"Doc, Vincent?" napalingon sila sa babaeng
tumawag.
"Ako po iyong naging patient mo noon sa
Makati," masayang wika ng babae.
"Hubby, siya iyong sinasabi kong magaling
na heart surgeon at may-ari ng ilang hotels
sa Leyte, so doctor Garcia." Pagpapakilala
ng babae.
"Hello po," sagot ni Vincent kahit na hindi na
talaga niya maalala ito.
"Garcia? Kaano-ano mo si Rolando Garcia?"
tanong ng nakatatandang kapatid ni Daryl.
Kapitan nila sa barko si Rolando Garcia
ngayon. Ama nito ang may-ari ng kanilang
agency.
"My older brother," magalang na sagot ni
Vincent. Kanina pa siya nakikinig sa usapan
ng mga ito at kahit papano, alam niya ang
takbo ng nakaraan ni Krizzy. Tumahimik
silang lahat.
"Excuse us, nagmamadali kasi ako. Let's go,
hon?" inakay niya sina Krizzy at Karf Jairus
palabas ng restaurant at naiwang
nakatunganga ang mga ito.
"Bakit mo iyon ginawa, doc?" nahihiyang
tanong ng dalaga habang karga ang anak.
"Trip ko lang. Isa pa, nakikita mo kasi na
kailangan mo ng tulong ko?" sagot nito
habang naglalakad sila papunta sa parking
area.
"Salamat po, doc. Sige. Dito na lang ako
mag-aabang ng taxi," napangiti si Krizzy.
Alam naman niyang mali at hindi tama ang
nangyari kanina pero sa gano'ng paraan ay
parang nakabawi na rin siya sa mga ito at
ipinakitang mas mataas pa ang narating niya
kesa sa mga hambog na iyon pero alam
naman niyang hindi iyon totoo.
"How about a dinner with me?" tumigil siya
sa paglalakad.
"Hindi ako tumatanggap ng "NO" answer.
Here's my calling card. Pakitawagan na lang
ako. Aasahan ko ang tawag mo before 6
pm," sabay abot ng calling card na dinukot
nito sa bulsa at nagmamadaling umalis.
Naiwan namang nakatitig lang si Krizzy sa
calling card ng doctor.

A/N:
It hurts to let go but sometimes, it hurts
more to hold on.

ALLYSA's REVENGEWhere stories live. Discover now