Finale

1.2K 42 5
                                    


THE MASOCHIST REVENGE ( R-18 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

FINALE / EPILOGUE

"Honey? Magka konsulta tayo sa doctor," suhestiyon ni Kiefer habang nasa kuwarto sila at nagbibihis si Allysa.
"Bakit? Hindi mo na ba kaya? Masakit na ba ang katawan mo?"
"H-Hindi iyon. Ahm..." nag-aalinlangan siya dahil baka ma offend ito sa sasabihin.
"Alam kong mahirap ang pinagdaanan mo at wala akong ibang hangad kundi ang gumaling ka. Sana maintindihan mo ako," napayuko ang binata. Mahirap sa kaniya ang lumapit dito kung palagi itong binabangungot ng nakaraan.
"So? Ano ang nais mong tumbukin?" humarap si Allysa kaya umiwas siya ng tingin.
"M-Magpatingin ka sa psychologist. Malay mo, baka matulungan ka nila." Kinakabahang sagot niya pero tumahimik si Allysa.
"C'mon. Isa lang naman ang gusto ko. Iyong gumaling ka. Kahit hindi mo na makalimutan ang nakaraan basta maging masaya ka lang," paliwanag niya. Ayaw niyang mabuhay ito na puro pait ang nasa puso nito.
"Alam mo bang ilang doctor na ang pinatingnan ko noon? Pero ano? Walang gamot na makapagpagamot sa nakaraan ko. Walang mamahaling drugs na puwedeng magbura at magbago ng aking napagdaanan sa nakaraan!" Gusto rin niyang maging maayos ang buhay para sa mga anak dahil ang totoo, pagod na siya. Pagod na pagod na siya!
"Allysa, nandito lang ako, honey. At kahit na hindi ka gumaling, nandito pa rin ako. Handa kang tanggapin at buong puso pa rin kitang mamahalin. Alam kong nagkamali ako noon pero maniwala ka, ikaw lang ang minahal ko ng totoo."
"Hindi ko na alam kung ano ang tama at mali sa mga sinasabi mo, Kiefer." Nalilitong sagot ng dalaga. "Minsan na akong nagtiwala at ayaw ko nang mangyari pa ulit na lokohin ako," mahal niya si Kiefer. Ngayon niya aaminin na kahit ganoon ang nangyari, hindi nagbabago ang pagmamahal niya para rito. Sinubukan niyang mahalin si Vincent pero wala pa ring nangyari. Hindi niya kayang turuan ang pusong mahalin ang taong hindi naman itinitibok at isinisigaw ng kaniyang puso.
"Iiwan muna natin sina Drei at Drew kina Mommy," ani Kiefer.
"Saan tayo pupunta?"
"Basta. Sige na hon, sandali lang ito. Kailangan lang nating mag unwind," yaya ni Kiefer at mabilis na inayos ang mga dadalhing gamit.
"Saan tayo pupunta?"
"Trust me, Allysa." Hinawakan niya ang mga kamay nito at masuyong hinalikan saka tumingin sa mga mata nito. "Mahal kita. Wala akong hinihiling sa iyo ngayon kundi ang magtiwala."
Naguguluhan si Allysa. Ang alam niya ay galit siya kay Kiefer at gusto niyang maghiganti rito pero ngayong hinihingi nito ang tiwala niya, kaya pa ba niyang ibibigay muli?
"Please... Kung mahal mo pa ako, kahit kaunti, magtiwala ka sa akin." napabuntong hininga si Allysa. Hindi habang buhay ay ganito siya. Gusto na niyang maayos ang lahat lalo na't wala na si Vincent para sa kaniya. Tuluyan na siyang isinauli kay Kiefer.
"S-Sige. Idaan na lang natin ang mga bata sa parents mo," pag sang-ayon niya.
Hindi niya alam kung saan sila pupunta pero nagpatangay lang siya kay Kiefer. Pagdating nila sa mansion ay nadatnan nila si Gretchen.
"Ano ang ginagawa mo rito?" nakasalubong ang kilay na tanong ni Kiefer. Ilang beses at taon na niya ito iniiwasan. Kahit sina Rave at kapatid ay hindi na nga ito pinapansin o pinapapasok sa bahay nila.
"Wala naman. Gusto ko lang humingi ng sorry dahil sa panggulo ko sa buhay ninyo," bakas ang lungkot nito sa mukha. "Gusto ko lang maging masaya. Akala ko, masaya ako kapag makuha ko na kayo pareho ni Rave pero mali ako. Kahit na maloko kayo, may babaeng mamahalin at uuwian pa rin kayo at sa pagkamalas, hindi ako iyon." Ilang araw na niyang pinag-iisipan ang ganitong bagay. "Alam kong matindi na ang sakit na naidulot ko sa inyo lalo na sa iyo Allysa." Lumapit siya sa dalaga at hinawakan ito sa mga kamay. "I-I'm sorry, a-alam kong hindi tayo naging magkaibigan p-pero noon pa man, sinusubukan ko naman." Umiiyak na sabi niya. Nakakafrustrate rin sa kaniya na harapan siya nitong inaayawan para sa kapatid. "K-Kaya ko lang naman nagawa iyon d-dahil naiinis ako sa iyo. A-Ayaw mo sa akin para sa kapatid mo at h-hindi ko alam. Bigla na lang ako nagkagusto sa boyfriend mo." Pinahidan niya ang mga luha at mapaklang tumawa. "S-Siguro, malandi nga talaga ako. Pero gusto ko na ng katahimikan sa buhay. Tumatanda na ako." Batid ni Allysa na seryoso ito sa paghingi ng tawad pero hindi pa siya handang patawarin ito. Hinila niya ang mga kamay na hawak ni Gretchen.
"Hindi ko alam kung kailan kita mapatawad dahil ayaw kong sabihin na pinapatawad na kita kung hindi naman iyon ang nilalaman ng puso ko pero umaasa ako na sana, balang araw, dumating ako sa puntong mapapatawad kita." Hindi siya sanay makipagplastikan lalo na sa kaharap dahil ito ang simula ng lahat ng gulo sa buhay nila.
"S-Salamat. P-Pasensya na pero gusto ko lang malaman ninyo na pinagsisisihan ko na ang mga nagawa ko. Siguro, ang nasa Itaas na lang ang bahalang humusga sa akin." Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil sa paghingi ng tawad. "Sana magiging maligaya kayo." tinalikuran na niya ang mga ito.
"Halika, alis na tayo." Yaya ni Kiefer at iniwan muna ang kambal sa mga magulang. Nagdrive siya patungo sa Divine Mercy sa Batangas.
"Ano ang gagawin natin dito?" naguguluhang tanong ni Allysa nang makita ang pare at ilang grupo na kakalabas lang sa sasakyan.
"Aattend tayo ng retreat. Naisip ko na kung ayaw mo nang bumalik sa doctor dahil hindi ka mapagaling, umaasa ako na baka sa pamamagitan nito ay matulungan tayo ng nasa Itaas." Sagot ni Kiefer at inakbayan ang dalaga. "Gusto kong matanggal sa puso ang sakit, poot at galit. Sa mga nangyari, Siya na lang ang naisip kong kapitan natin, Allysa." inilahad niya ang kamay para alalayan itong pumasok. Nakatitig lang si Allysa sa kamay niya. Nagdadalawang isip.
"Please, para sa mga anak natin..." nanginginig na inabot niya ang kamay nito at nagpahila patungo sa retreat house. Habang palapit ay tumulo ag mga luha niya. Nanayo ang kaniyang mga balahibo. Magmula nang mabuhay siya, ni hindi na niya naalalang lumapit sa Kaniya. Ni minsan bago siya matulog, hindi niya naalalang kausapin Siya. Napuno ang buhay niya ng layuning makapaghiganti. Ang naalala niyang huli siyang nagdasal ay noong nasa bingit siya ng kamatayan pero nang magising siya ay ni hindi man lang niya nagawang magpasalamat para sa ikalawang pagkakataong binuhay siya. Ni hindi manlang niya napasalamatan ang pagligtas nito sa kanilang mag-iina.
Tumigil si Kiefer at hinawakan siya sa magkabilang pisngi.
"Tahan na, magiging maayos din ang lahat para sa atin, Allysa..." pinahidan nito ang mga luha gamit ng panyong galing sa bulsa. "Mahal kita, honey." umaasa siya na sana bago sila umuwi, magkaroon ng solusyon ang problema nila dahil ito na lang ang kanilang last option. Ang lumapit sa Poong Maykapal.
Tatlong araw silang nanatili roon. Nang inisa-isa silang kausapin ni Father Ramon Ramos, doon lumabas ang mga luhang ilang taon niyang pinigilan. Ang mga galit na matagal niyang kinimkim. Ang mga hinanakit at katanungang gusto niyang magkaroon ng kasagutan.
Sa second day ay nagkaroon sila ng heart to heart talk ni Kiefer. Ang lahat ng sama ng loob at galit niya para rito ay sinabi niya at umiyak ng sobra. Humingi rin ng kapatawaran si Kiefer at nangangakong hindi na ito uulit pa at mamahalin sila habang buhay. Nang bumalik sila ng Maynila ay tila gumaan ang lahat buhay ni Allysa.
Dalawang linggo ang nakaraan, pumayag na rin siyang magpakasal kay Kiefer nang magproposed ito sa kaniya.
Tahimik na ang pagtulog niya sa gabi at kapag binabangungot siya, nandiyan si Kiefer na gumigising sa kaniya at magpaalala na tapos na ang lahat ng pagdurusa niya.
"Salamat, honey." Nakangiting wika ni Allysa habang nakaupo sa kama at pinapanood itong magbihis. Kakagaling lang nila sa simbahan. Isinumpa nilang palagi na silang magsisimba kasama ang kambal.
"Salamat saan?"
"Sa lahat. Sa pagtiis mo sa akin kahit na sinasaktan kita noon at hindi mo ako iniwan kahit na iyon na ang ginagawa ko sa 'yo."
"Kulang pa iyon para pagbayaran ang mga kasalanan ko." lumuhod si Kiefer sa asawa at tumingala. "I love you. Mahal ko kayo ng mga anak natin at ipinapangako kong hindi na ako magpapatukso sa iba at kayo na lang ang aatupagin ko. Susubukan kong maging mabuting asawa't ama sa inyong tatlo."
Ngumiti si Allysa at yumuko para halikan ito sa mga labi. "I love you too, Kiefer. Ikaw lang..." Buong pusong tinugon niya ang mga halik ito. This time, pagniniig na puno ng pagmamahal at wala nang bahid ng galit.
- -------------------End--------------
Epilogue
Dalawang taon na ang nakalipas. Grade one na ang kambal. Nasanay na rin ang mga ito sa presensiya ng ama. Minsan dumadalaw si Vincent sa kanila dahil busy daw ito sa pagiging doctor niya at mukhang may ibang pinagkakaabalahan.
"Labas na," pagtataboy ni Kiefer. "Doon ka sa yaya ninyo. Laro kayo ni Drew."
"Ayaw! Akin lang si Mommy!" May pagka possesive na sagot ng anak saka niyakap ang ina.
"Paano kami makakagawa ng kapatid ninyo kung nandito ka palagi?"
"E 'wag kang gumawa! Basta akin si Mommy!" Natatawa si Allysa sa kanilang mag-ama.
"Baby, punta ka muna kay Yaya. Kain kayo ni Drew." Pakiusap ni Allysa at lumuhod sa harap ng anak at hinawakan ito sa balikat. "Sige na..." nangungusap ang mga mata niya sa anak. Alam niyang hindi ito makakatanggi sa kaniya.
"Kainis!" Padabog na lumabas ang bata.
"Ang kulit niya," natatawang wika ni Kiefer at hinila ang asawa para kumalong sa kaniya.
"Honey?" tawag ni Allysa.
"Hmmm?"
"May balita ka na ba sa mga gumahasa sa akin?" napalunok si Allysa sa tuwing sambitin niya ang "gang".
"Alam ko na ang pangalan ng gang ng mga gumahasa sa iyo..." naikuyom ni Kiefer ang mga kamao. "Nakatakas sila sa Amerika. Balita ko, sila ang pinakamakapangyarihang gang sa U.S at buong Europa."
"M-Mahihirapan na tayong habulin sila. Baka mapanganib pa ang buhay natin. Ano ang laban natin? Kung ipapahuli natin sila, alam kong babalikan din nila tayo. K-Kiefer, natatakot ako para sa mga anak natin." naiiyak na sabi ni Allysa.
"Pero kailangan nilang magbayad, honey!" tumagis ang bagang ni Kiefer sa kahayupang ginawa nila sa asawa.
"Hayaan na lang natin na ang nasa Itaas ang humusga sa kanila. Ang importante, okay na tayo." iyon naman ang tanging makakapitan nila sa lahat ng oras. Ang Panginoon.
"Magbabayad din ang Black Dragon Gang! Hindi man ngayon pero alam kong makakaganti rin tayo sa kanila!" Ani Kiefer. Gusto man niyang bigyan ng hustisya ang asawa pero mahirap gawin iyon dahil sa makapangyarihan ang kalaban nila.
"Hindi man tayo, honey, pero naniniwala akong darating ang panahon na iyan at iba ang taong gagawa para sa atin. Babagsak din ang grupo nila." Puno ng pag-asang wika ni Allysa at gumanti sa yakap ng asawa. Pareho silang napatingin sa pinto nang bigla itong bumagsak.
"Black Dragon Gang" bulong ni Drei at naikuyom ang mga kamao habang pababa ng hagdan.
"Black Dragon Gang" paulit-ulit na sinisigaw ng utak niya at alam niyang kahit kailan, hindi na niya ito makakalimutan.

A/N:
Thank you sa suporta.
Story nina Drei? Wala pa. And yeah, na introduced ko na siya sa U-Princes. And yeah, spoiler ulit: Naging leader siya ng TRESKILION (Tau Gamma Frasority sa CTU o Crysantemum University)
Nagbabalik ako. Hahaha! Tapos na pala ang story nina Drei and Drew.
"Laro ng Apoy"
Hanapin na lang sa works ko. Salamat💜💗💜💖💜💖💜

ALLYSA's REVENGEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant