13

711 25 0
                                    

THE MASOCHIST REVENGE
KIEFER + ALLYSSA ( R-18 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

Chapter 13

"Uhmmm... H-HUWAG!" Malakas na sigaw
niya saka napabangon.
"Allysa..." nag-aalalang mukha ni Kiefer ang
kaniyang namulatan. "Kanina pa kita
ginigising. Okay ka lang ba?"
"O-Okay lang ako. Lumabas ka na!"
Napahawak siya sa dibdib. Napanaginipan na
naman niya ang pangyayaring iyon.
Hanggang ngayon ay naririnig niya ang
tawanan at ungol ng mga lalaking gumahasa
sa kaniya.
"No. I think, kailangan mo ako!" Awang-awa
na pinagmasdan niya si Allysa. Nagbabadya
itong umiyak pero alam niyang pinipigilan
lang nito ang mga luha.
"HINDI KITA KAILANGAN!" Madiin na sagot
nito. "Kaya kong mabuhay na wala ka. Kaya
kong maka survive na walang tulong kahit
kanino..."
"H-Honey, i-im sorry..." sambit ni Kiefer at
hinawakan ito sa kamay pero iwinaksi ng
dalaga.
"I'M SORRY?"Sigaw ni Allysa at tumulo na
ang mga luha.
"I'm sorry? Bakit? Maibabalik pa ba ng sorry
mo ang nakaraan? Ang mga pinagdaanan
ko? Ang dangal at pagkatao ko? HINDI!"
pinahidan niya ang mga luha at masakit na
tumingin sa lalaking nakaupo sa kaniyang
tabi na ngayon ay nakayuko at umiiyak na
rin.
"MASAKIT! Hindi lang pagkatao kundi
BUHAY KO ang SINIRA MO! Ninyo ng
BABAE MO!" Sa loob ng ilang taon,
sinusubukan niyang huwag magsalita at
huwag ito sumbatan. Lahat ng hinanakit at
pinagdaanan niya ay pinipilit niyang
itinatago pero paulit-ulit namang bumabalik
sa kaniya.
"Alam mo ba kung ano ang gusto kong
gawin?" nakangising wika niya. "Gusto kong
maramdaman ang naramdaman mo noong
panahong niloko mo ako. Gusto kong
maramdaman ang sarap at kaligayahan ng
mga PUTANG Lalaking iyon habang
nagsusumamo at nagmamakaawa ako. Gusto
kong iparanas sa inyo ang sakit na dinanas
ko sa mga kamay ninyo! Hindi lang kayo
mga hayop! MGA DEMONYO KAYO!"
"Allysa..." mahigpit na niyakap siya ni Kiefer.
"A-Alam kong malaki ang utang ko sa iyo.
Alam kong kulang pa ang mga ginagawa ko
p-para pagbayaran ko ang l-lahat ng
kasalanan ko..." mas hinigpitan nito ang
pagkakayakap sa dalaga. "H-Hayaan mong
pagbayaran ko ang lahat habang buhay
ako..."
"U-umalis ka na. H-Hindi kita kailangan dahil
kulang pa ang buhay mo para maging
kabayaran sa hirap na pinagdaanan ko!"
Mahina pero may gigil na sagot ni Allysa.
"N-NO. Hindi kita iiwan..." hinayaan lang
niyang tumulo ang mga luha.
"H-Hinding hindi kita iiwan. M-Mas
kailangan mo ako ngayon. K-Kayo ng mga
anak ko. H-Hindi ako lalayo k-kahit na ilang
beses mo pa akong ipagtabuyan. M-Mahal
kita, Allysa. M-Mahal na mahal ko kayo ng
mga anak natin."
"Talaga? Mahal mo? E bakit nagawa mong
lokohin ako?" mapait na ngumiti si Allysa.
"Dahil mas mahal mo ang sarili mo, 'di ba?"
"A-Allysa..."
"Kung sabagay, ganoon naman kayong mga
lalaki. Kung sino ang bubukaka sa harapan
ninyo, basta-basta na lang kayong
pumapatol. Ni hindi man lang ninyo naisip
na may pamilya na kayo!"
"H-Honey, tama na. M-Mag-umpisa tayo ng
bagong buhay. Nandito na ako. Hindi na
mauulit pa ang nangyari noon. Pangako!"
Niyakap niya muli ang dalaga.
"P-Paano?" mahinang sambit ng dalaga.
"Paano tayo magsimula kung sa bawat
pagkakita ko sa mukha mo, ang kasalanan
mo ang naalala ko? K-Kung sa bawat
pakipagniig ko sa iyo, ang mapait na
karanasan ko ang pumapasok sa isipan ko?
Madumi na ako, Kiefer!" Muli na naman
siyang humagulgol. "Ang DUMI, DUMI
KO!"Pinaghahampas niya ito sa dibdib. "At
lahat ng ito ay D-Da... D-DAHIL SA IYO!
Hayop ka!" Hindi naman siya tanga. Alam
niyang alam na ni Kiefer ang nangyari sa
kaniya noon.
"H-Honey, I'm sorry..." hinayaan lang niyang
suntukin siya nito. Alam niyang ang sakit na
nararamdaman niya ngayon ay wala pa iyon
sa sakit na naranasan ni Allysa.
"A-Ayoko na. Gusto ko nang sumuko..."
"Sssh... Huwag mong sabihin iyan, Allysa."
Hinawakan niya ito sa magkabilang kamay
para tumigil sa pagsuntok sa kaniya.
"Makinig ka..." Mataman na tinitigan niya ito
sa mga mata. "Kailangan mong lumaban.
Kailangan mong magpakatatag para sa
kambal natin. Nandito lang ako. Tutulungan
kitang makalimutan ang masalimuot na
nakaraan mo..."
Bahagyang tumawa ng malakas ang dalaga.
"Paano ko makakalimutan ang nakaraan ko?
Kung sa harap ko mismo ang taong naging
dahilan ng paghihirap ko noon?"
Tumingin sa malayo si Kiefer. Hindi na niya
alam ang gagawin. Kung puwede lang
mabura ng eraser ang nakaraan nila, matagal
na sana niyang ginawa.
"Lumabas ka na. Pakiusap..."
Malungkot na lumabas si Kiefer at dumiretso
sa kuwarto ng kambal. Nahiga siya at
niyakap ang mga ito. Masaya siya dahil
nakita niya ang mga ito pero hindi niya
akalaing ganoon kahirap ang pinagdaanan ni
Allysa bago isilang ang mga ito.
Pinahidan niya ang mga luha. Ayaw niya ng
ganito. Gusto niyang tulungan si Allysa pero
hindi niya alam kung paano.
Kinaumagahan, maaga pa siyang nagluto
dahil buong gabi siyang hindi nakatulog sa
pag-iisip.
"Honey?" binuksan niya ang pinto. Gusto
niyang gisingin ito para makapag-almusal na
pero laking gulat niya sa nakita. Nakahubad
ito at bukas ang dvd player.
"S-Sorry, gusto ko lang sabihin na kumain
na tayo. Sunod ka na lang..." naiilang na
sabi niya.
"Gusto mo akong tulungan, 'di ba?" walang
emosyon na wika ng dalaga.
"O-Oo."
"Puwes, gawin mo ang gusto ko..."
"A-Ano ang gusto mo?"
"Itali mo ako..."
"WHAT?" bulalas niya. "Allysa naman..."
"Ayaw mo? Tatawagan ko si Vincent!"
"Hell, NO!" mabilis na sagot niya. "NEVER
EVER DO THAT!"
"E di gawin mo!"
"B-Baka masaktan ka..."
"I want to feel the pain."
Wala siyang ginawa kundi posasan ang
kaliwang kamay nito at magkabilang paa
pero ang kanan ay hindi na dahil tatlo lang
ang posas.
"O-Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya
nang matapos na sila.
"Ikaw? Okay ka lang?" balik-tanong ng
dalaga.
"Y-Yes..." ang totoo, masakit ang buong
katawan niya. Si Allysa nga ang nakatali
pero puno naman ng kalmot ang katawan
niya dahil sa kanang kamay nito. Mahahaba
pa ang mga kuko nito at ilang beses siyang
kinagat sa dibdib. Hindi pa ito tumitigil sa
pagkagat hanggat hindi siya umungol dahil
sa sakit.
"Kapag hindi mo na kaya, umalis ka na..."
"Hindi ko gagawin 'yon..." kahit na patayin
pa siya nito ay hindi niya tatalikuran si
Allysa.
"Bakit? Masaya ang buhay kapag nasa labas
ka ng bahay ko."
"Mahal kita at dito sa loob ng bahay mo ako
sumasaya."
"Kahit na sinasaktan kita?" nakataas ang
kilay na tanong ni Allysa.
"Kahit na patayin mo pa ako. Tatanggapin
ko ang kapalaran ko sa mga palad mo.
Makita lang kitang masaya, masaya na rin
ako." Ilang taong inakala niyang patay na si
Allysa at ang isiping iyon ay ang pumatay sa
pagkatao't puso niya noon pa.
"Bahala ka. Pero Kiefer, kapag hindi mo na
kaya, sabihin mo lang. Papakawalan kita..."
"Huwag kang mag-alala, Allysa. Hinding-
hindi kita iiwan." Desididong sagot ni Kiefer
kahit na ibitin pa siya nito patiwarik, walang
iwanan na mangyayari.
"Talaga? Kahit na buhay mo pa ang kapalit?"
nakataas ang kilay na tanong ng dalaga.
"Kahit buhay ko pa ang kapalit..." ulit ni
Kiefer sa sinabi ng dalaga.

ALLYSA's REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon