6

758 35 0
                                    


THE MASOCHIST REVENGE
KIEFER + ALLYSSA ( R-18 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

Chapter 6

"Uuwi muna ako, kukuha lang ng ibang
gamit ko." Paalam ni Kiefer habang kumakain
sila. Medyo malikot na rin ang mga bata
habang kumain.
"Why? Hindi pa ba sapat ang mga damit
dito?" she raised her left eyebrow.
Nagdududa kung babalik pa ba ito o hindi
na.
"C'mon Allysa, may mga personal needs ako.
Besides,nhindi mo naman ata ako alipin?"
tatlong araw na siyang hindi nakauwi sa
bahay nila. Tinatawagan na nga siya ng
parents niya para asikasuhin ang problema
sa mga tauhan sa isang company nila but
she doesn't want him to go home. Kung
anu-ano pa ang pinapagawa ni Allysa
sakanya rito sa loob ng bahay.
"You're not? Fine! Kung 'yan ang tingin mo,
then go... And come back. Dalhin mo na rin
ang mga bata," she said.
Ang kambal ay busy pa rin sa pagkain. Bata
palang ang mga ito ay natuto nang kumaing
mag-isa. Hindi sila hinahayaan ni Allysa na
maging dependent sa kung sino mang tao,
kahit sa kanya.
"Are you sure?" masayang tanong niya rito.
Gusto rin niyang ipakilala ang mga anak sa
kanyang mga magulang. Sigurado,
matutuwa ang mga iyon kapag makita na
ang kambal.
"Yupz, I have a date with my boyfriend
later," itinuon na nito ang atensyon sa
pagkain ng kanilang umagahan.
"I see," he chuckled.
"Any problem with that?" she asked.
"Nothing! Just enjoy every moment with
him. I'm sure, hindi naman ninyo gagawin
ang ginawa natin lastday diba?"
sarkastikong wika ni Kiefer habang
ipinagpatuloy ang pagkain pero ang mga
mata ay nasa mukha ni Allysa.
"Kung gagawin man namin iyon, wala ka na
do'n".
"Talaga? Kung kaya mo Allysa," hamon ni
Kiefer. Ilang buwan na silang magkasintahan
ni Vincent pero alam niyang wala pang
nangyari sa mga ito. Allysa was too tight
para niya masabing may ibang makagamit sa
pagkababae nito. Sigurado siya, siya palang
ang nakaangkin dito mula noon, hanggang
ngayon. Dinugo pa nga ito but not as much
as before.
"Of course, I can." tumahimik nalang si
Kiefer. Ayaw na niyang makipag-away.
Pasalamat nalang siya dahil ipadala nito ang
mga bata sa mansion nila.
"Siguraduhin mo lang na walang masamang
mangyari sa mga anak ko dahil malilintikan
ka talaga sa akin." pagbabanta ni Allysa.
"Anak ko rin sila Allysa, kaya wala kang
dapat na ipag-alala. Iingatan ko sila, higit pa
sa buhay ko." Pagbibigay assurance niya sa
kausap.
"Tingan natin, the last time I checked, mas
importante pa sa'yo ang kaligayahan at
tawag ng laman mo, kesa sa kanila." ani
Allysa. Buntis na siya noon nang magloko
ito. Kumulo na naman ang dugo niya nang
maalala ang mga nakaraan.
Namula ang mukha ni Kiefer sa sinabi nito.
Guilty siya. Alam niyang malaki ang
kasalanan niya sa kanyang mag-ina. Gustuhin
man niyang pagsisisihan ang lahat, wala na
siyang magagawa. Hindi na niya mabura at
mabago ang nasa utak ng dating kasintahan.
"I-it was a long time ago, people change."
Kinuha niya ang isang hotdog at inilagay sa
plato ni Drei. Kanina pa kasi inaabot ng bata
pero hindi makuha dahil nasa bandang gitna
ito ng mesa.
"Once a manloloko, always a MANLOLOKO!"
There's pain in her voice.Hindi siya manhid
para hindi mahalata ang mga kilos ng
dalaga. At hindi niya masisisi ito. Kahit siya
ay gusto ding magalit sa sarili.
"If you love someone, you will change for
her, let me prove it." seryosong pahayag
niya habang nakatingin sa mga mata ni
Allysa. Handa siyang magbago kahit na hindi
pa sabihin nito. Lahat ay gagawin niya para
mapaibig muli ang dalaga. Hindi siya susuko!
Lalo na ngayong may anak na sila.
"Too late, I've already moved on. And
besides, I love him." Na ang tinutukoy ay
ang kasintahan nitong si Vincent.
Hindi na niya nasagot pa ang sinabi ni Allysa
nang mag-away ang kambal dahil sa nag-
iisang hotdog nalang ang natira. Ayaw
naman nilang maghati kaya nagluto na lang
si Kiefer ng limang hotdog para tumigil na
ang dalawa.
----------
"Daddy? Sa'n punta?" magalang na tanong
ni Drew na nakaupo sa backseat ng kotse.
Katabi nito ang kakambal na tahimik lang at
pinapanood ang mga dinadaanan nila.
Pagtingin niya sa wristwatch ay alas nwebe
palang ng umaga. Pagkatapos nilang kumain
kanina ay binihisan na niya ang mga ito.
"Grandma and grandpa," tipid na sagot ni
Kiefer. Lihim na napangiti ito nang
mapasulyap sa kambal. Ang cute ng mga ito
sa ternong kulay blue na damit.
"Sabi po ni mommy, wala na po si
grandma." Malungkot na sagot ni Drew. Ang
daldal nito. Minsan, ang sweet din nito.
Tinutulungan siya sa kanyang gawain. Hindi
kagaya ni Drei na may pagka barumbado.
"Yes. But yung grandma ninyo sa akin,
buhay pa." Nakatuon pa rin ang paningin
nito sa unahan ng kalsada. Mas nag-iingat
siya ngayon dahil kasama niya ang mga
anak. Mahirap na! Alam naman niyang
masyadong masungit ang ina ng mga ito.
Tiyak, magwawala 'yon kapag may
mangyaring masama sa mga bata.
"You are our father?" hindi niya alam kung
saan nanggaling ang tanong ni Drei. Minsan
lang ito magsalita pero medyo masakit din
ang atake ng anak. Ano ba ang dapat isagot
sa tanong nito?
Kung siya lang ang masusunod ay gusto
niyang aminin pero tama lang ba na sa
murang edad nila ay malaman na nila na siya
ang ama ng mga ito?
"I am your daddy right? Kaya ang mommy
ko, ay magiging grandma na ninyo." That's
the safest answer na kaya niyang ibigay sa
dalawa. Maswerte nga s'ya dahil napilit niya
ang mga ito na daddy ang itawag sa kanya.
Mabuti nalang dahil tumahimik na ang mga
ito at hindi na nagtanong pa ng kung anu-
ano.
Pagdating sa mansion ay sakto namang
pababa sa hagdan ang kanyang mga
magulang.
"Dad, Mom, where are you going?" tanong
niya. Nakabihis kasi ang mag-asawa pero
mukhang hindi naman business meeting ang
pupuntahan dahil simple lang ang mga suot
nila. Naka black pants at white t-shirt ang
ina. Green t-shirt naman ang sa ama.
Nasa likod ni Kiefer ang dalawang bata na
nagtatago sa malalaking mga hita niya.
"Mall. Kaninong mga anak iyan? Ang ga-
gwapo," may paghanga sa boses at mga
mata ng ina habang palapit sa kanila pero
ang mga mata nito ay nasa dalawang bata.
"My sons," hinarap niya ang mga ito.
"Bless na kayo kay grandma and grandpa
dali." Utos niya sa mga bata.
Nahiya pa ang dalawa pero bahagya niyang
itinulak para lumapit sa mga magulang.
"Goodmorning po/goodmorning po" sabay
bati ng dalawa. Si Drew ay unang nag-Bless
kay Mrs.Bautista. Si Drei naman ay sa lolo
nito.
"Pagpalain kayo ng Panginoon. My ghad!
Totoo ba ito Kiefer? Mga anak mo ito?
Bakit ngayon mo lang sila dinala rito? Sino
ang mommy nila?" maluha-luhang niyakap
ng ginang ang dalawang bata. Alam niyang
hindi nagbibiro ang anak. Nararamdaman
niya ang lukso ng dugo sa mga ito.
"Ang po-pogi ninyo, mana kayo sa lola."
pinahidan na niya ang mga luha.
"K-kay Allysa mom.Anak namin sila,"
mahinang sambit niya sa pangalan ng ex.
"A-allysa?" ulit ng ina. Makikita mo ang
pagkagulat at pagtataka sa mukha ng mga
ito.
"Ibang Allysa ba ito Kiefer? O tama ang
hinala ko?"ma otoridad na tanong ng
kanyang ama.
"She's alive dad. Sila ng mga anak namin,"
hindi niya inilihim sa mga magulang ang
relasyon kay Allysa. Alam na ng mga ito na
buntis ang dalaga bago nangyari ang
trahedya noon.
"Ghad! K-kiefer, buhay si Allysa? At m-may
mga apo na ako?" bulalas ng ginang. Ang
dalawang bata naman ay tahimik na
nakatingala lang sa kanila. Akala nila, ang kay
Kaye ang una nilang apo, hindi pala.
"Yes. Pero may iba na siyang mahal," tiim-
bagang na sagot niya sa mga ito.
"It seems na medyo may mabigat na bagay
kayong pinag-aawayan a. Kung ano man
iyon, ayusin mo 'yan Kiefer, para sa mga
anak mo!" Hindi man alam ng ama ang
nangyari sa kanila, malaki ang paniniwala
nito na malalim ang dahilan ni Allysa kung
bakit nito inilihim na buhay pa ito.
"Nandito na rin lang kayo, tara na, ipapasyal
namin kayo sa mall. Tamang-tama
magsashopping kami kaya sumama na kayo,"
masayang wika ni Mrs.Bautista.
Pagdating sa Glorietta, nagsitakbo na ang
mga bata kaya napailing nalang si Kiefer na
sinusundan ang mga ito. Nagiging palikot na
din at kung anu-ano ang mga pinapabili.
Masaya siya, dahil sa bagay na ito ay hindi
nahihiya ang mga anak kaya kung ano ang
gusto ng mga ito ay agad niyang kinuha.
Ang laki na rin ng pagkukulang niya sa mga
ito. Kung tutuusin ay hindi pa sapat ang
mga materyal na bagay para punuan ang
kakulangan niya sa mga bata bilang ama
nila.
Nang mapagod ay iniwan muna nila ang mga
pinamili sa baggage counter saka pumasok
sa Tony Roma's(ribs-seafoods-steak)
Restaurant para mag lunch.
Dahil sa gutom at pagod, ay nilantakan na
agad ng dalawang bata ang Ribye steak with
roasted onion sauce.
"Kiefer, babes." Gusto niyang magtago nang
makitang palapit si Gretchen sa kanilang
pwesto. Kasama nito ang mga kaibigan at
may kanya-kanyang bitbit na tray na inorder
nila.
"Hi tita, tito." Sabay halik niya sa pisngi ng
mag-asawa at inilapag sa mesa ang inorder.
"Hija, what are you doing here?" nakangiting
bati ng ginang. Malapit si Gretchen sa mga
magulang niya dahil lagi itong pumupunta sa
bahay nila noon. Ang pagkakaalam ng mga
ito ay magkasintahan sila ni Kiefer.
"Bonding with my friends.Girls, dito na lang
ako sasabay sa kanila ha." Agad namang
nakaintindi ang tatlong kaibigan kaya umalis
nalang ang mga ito at kumuha ng table sa
dulo.
"Sino ang mga iyan tita?" sabay nguso sa
dalawang bata na nasa right side ni Kiefer.
Sa dulo ay si Drei. Siya naman ay sa kaliwa
ng binata naupo at sa harapan nila ay ang
mag-asawa.
"Mga apo ko," masayang sagot ni
Mrs.Bautista.
"Apo? Saan?" nakakunot ang noo na tanong
ni Gretchen. Napatulala siya nang makita
ang babaeng kakapasok lang dito sa
restaurant na inaakbayan ng isang gwapong
lalaki.
"Mommy/mommy!" Sigaw ng dalawang bata
na medyo madungis pa ang mga bibig dahil
sa kinain. Nakaharap ang mga ito sa
entrance kaya napansin nila agad ang ina,
kasama si Vincent.
Biglang kinabahan si Kiefer nang
magkasalubong ang mga mata nila ni Allysa.
Hindi nakaligtas sakanya ang nanlikisik na
mga mata nito pero agad namang napalitan
ng ibang emosyon at ngumiti sa kanila.
"Hey kids! Hindi ko inaasahan na nandito
pala kayo. Akala ko kasi sa bahay lang DAW
nila kayo pupunta?" may diin na sabi niya
nang lumapit na sa kanila pero ang mga
mata ay kay Kiefer nakatingin. Naka
holdinghands pa sila ng kasintahan na
ikinainis naman ni Kiefer. Lalong kumulo ang
dugo niya sa pulang bestida na suot ni
Allysa na halos iluwa na ang kaluluwa ng
dibdib nito.
"Hello hija. I'm glad to see you, again."
masayang bati ng ginang.
"Tita, masaya din po ako." Nakipag beso-
beso si Allysa sa mga ito.
"Nice to see you again, Gretchenm" she
smiled sweetly pero ang totoo ay gusto na
niyang sapakin ang dating karibal.
"B-buhay ka." Tanging nasambit ni
Gretchen.
"Yupz. Buhay na buhay. Excuse us,
nagugutom na rin kami ng boyfriend ko,"
paalam ni Allysa.
"Sige, salamat pala hija sa pagpayag na
madala ni Kiefer ang mga bata sa bahay para
makita din namin ha," pasalamat ng ginang.
"Wala po iyon tita, basta isasauli lang ni
Kiefer sa akin, walang problema." Sinulyapan
niya ang binata at nginitian ng sobrang
tamis. Ngiting may pagbabanta at puno ng
galit na si Kiefer lang ang nakakaalam. Hindi
lang nahalata ng mga kaharap.
"See you Kiefer,"makahulugan niyang sabi
bago tumalikod.

A/N;
Thank you pala sa LAHAT ng nag PM sa akin
about this story.super na aprec8 q po ang
EFFORT ninyo para maka move forward tayo
sa story na ito.kayo ang RASON kung bakit
nakapag update ako.
Ganito q kayo o,♥.

ALLYSA's REVENGEOnde histórias criam vida. Descubra agora