[ CHAPTER 13 ]

53 10 9
                                    

[ Chapter 13 ]

[ Secret Reveal ]


HINDI nakagalaw si Rion. He was shocked on what Kyrion was doing at the moment. Nanatiling nakatikom ang bibig niya ngunit ang labi ni Kyrion ay mapaghangad. Tila sinusuyo siya ng halik nito na gumanti. Kung magpapatangay siya ay parang niloko lang niya ang sarili. Ngunit ang sensasyon ng halik nito na binibigay sa kanya ay mahirap tanggihan. Malambot ang labi nito. Magaling din humalik. Nang-aanyaya na gumanti siya sa parehong paraan at intensidad.

Nagtatalo ang isip at puso ni Rion. Gusto niyang magpatangay, gumanti siya, iyon ang sinasabi ng kanyang puso samantalang ang utak niya ay nagsasabing hindi dapat dahil hindi siya ang taong nakikita nito ngayon. Ngunit sa huli, nadaig ang matinong sinasabi ng kanyang utak. Napalitan iyon ng masidhing pagnanasa na nanggagaling sa kanyang puso.

Nagsimula siyang tugunin ang halik nito. He was uneasy at first. Hindi niya masabayan ang ritmo nito. Mga ilang segundo pa ay nahabol na niya ito. He kissed him passionately. They kissed each other hungrily.

Ang matikman ang halik nito, isang magandang bagay na para sa kanya. Alam niyang hindi siya ang nasa isip nito ngunit okay lang sa kanya. All important right now was to feel his sweet kisses.

Kyrion ended the kiss. Inilayo nito ang mukha sa kanya saka siya tiningnan nang maigi. Kyrion caress his face lovingly. He was smiling sweetly at him.

Napangiti siya. But that smile faded when he heard the name that Kyrion called.

"Austin, stay with me. Ako na lang ang piliin mo. Huwag na si Theo."

Nagulat siya. Hindi inaasahan ang pangalan na binanggit nito. Ang buong akala niya ay ibang tao ang tinatangi nito. Ang buong akala niya ay wala na itong ugnayan pa kay Austin.

Parang timang na natawa siya. He only assumed things. Hindi niya ito masyadong kilala. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit nang nabanggit niya ang pangalan ni Theo at Austin ay bigla na lang ang pagtaas ng boses nito. Naiintindihan na niya kung bakit hindi nito mabanggit ang pangalan ng taong tinatangi nito dahil kilala niya ang taong iyon at alam nitong mag-uusisa siya.

Hindi niya alam ang kwento nito tungkol sa ugnayan kay Austin ngunit hindi niya maiwasan ang masaktan. Hindi naman dapat pero nasasaktan siya. Nasasaktan sa nalaman na si Austin pa rin ang nasa puso nito at wala ng iba pa.

Lumayo siya rito. Kinalma niya ang sarili.

"Don't leave me. Stay with me. I'll make you happy. Forget him and stay here with me."

Hindi siya sumagot. Mabilis siyang lumabas sa kwarto nito, sa bahay nito. Malakas ang kabog ng dibdib niya.

Kahit na nasasaktan siya sa nalaman, hindi maipagkakaila na malaki ang puwang nito sa puso niya. Siya ang dapat sisihin sa nararamdaman niya. Siya ang nahulog kaya siya lang ang makakatulong sa sarili niya.

"Nakita niyo po ba si Sir Kyrion, Sir?"

Natigil siya sa paglalakad. Napatingin sa taong nagsalita. Ang guard iyon na naghatid sa kanya kanina sa bahay ni Kyrion. Nasa entrance na pala siya ng subdivision. Hindi man lang niya namalayan dala ng iniisip.

"O-opo." Pagsisinungaling niya. "Uuwi na po ako."

"Ingat po kayo, Sir."

Ngumiti lang siya bilang tugon. Gusto sana niyang sabihin dito na kung sakaling magtanong si Kyrion kung dumating siya ay sabihin na hindi. Ngunit alam niya na magbibigay lang iyon ng confusion dito. Baka kung ano pa ang isipin nito tungkol sa kanya.

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon