[ CHAPTER 41 ]

38 8 6
                                    

[ CHAPTER 41 ]


[ Taking All The Blame ]


AFTER talking to the doctor about the situation of Austin, Kyrion went back in Rion's room. Naabutan niya roon ang kapatid nito. As usual masamang tingin ang binigay nito sa kanya.

Ilang araw na rin itong pabalik-balik sa ospital at binabantayan si Rion. The guy still giving him cold stare and cold shoulder. Hindi sila nagkikibuan kapag nandoon sila.

Kyrion vividly remember the first time that they saw each other. Ilang buwan na rin ang nakakaraan at hindi maganda ang pagkikita na iyon. Tinotoo nito ang banta na malalagot siya. Ginulpi siya nito at hindi siya lumaban. He let him punched and kicked him. Kung hindi lang noon dumating si Tephion at pinigilan ito ay baka pati siya ay nakaratay na rin sa hospital bed. After that incident mas lumamig pa ang pagtrato nito sa kanya.

Kyrion should be making peace with Rion's brother but he chose not to. Naiintindihan niya ito dahil lahat sila ay nasasaktan sa nangyari kay Rion. Pero siya ay higit sa sakit ang nararamdaman dahil sinisisi niya rin ang sarili sa mga pangyayari. Puno siya ng pagsisisi.

Dumiretso si Kyrion sa mesang malapit sa higaan ni Rion. Inalis niya ang luma at tuyong bulaklak at pinalitan iyon ng bago na dala niya kanina.

Habang ginagawa iyon ay nakikiramdam siya sa kilos ni Xion.

"Ngayon na nandito ka na, gusto kitang makausap." Umpisa nito na nagpatigil sa kanya. Tiningnan niya ito. This was the first time that Xion initiated the conversation.

"Tungkol saan?"

"Tungkol sa sitwasyon ng kapatid ko pati na rin ni mama."

"Rion's condition is stable. You don't need to worry about him. Kung may mga kailangan man gawin sa kanya, I shoulder all the expenses. You don't need to worry about it."

"Dapat lang naman na ikaw ang gumastos lahat. Ikaw ang may kasalanan nitong lahat."

"I know that. Kaya nga responsibilidad ko siya. At alam mo na mahal ko si Rion kaya hindi ko siya papabayaan."

"Mahal mo," palatak nito. "Kung mahal mo sana prinotektahan mo. Puro ka lang naman salita."

Nasaktan man sa sinabi nito, hindi na siya nagsalita.

"Tungkol naman pala kay mama," anito.

"Anong tungkol kay tita?"

"Kukunin ko siya."

Nagulat siya sa sinabi nito. Agad na bumangon ang pagtutol sa puso niya.

"Hindi mo siya pwedeng kunin. Sa akin lang siya titira hanggang hindi pa nagkakamalay si Rion."

"Wala kang karapatan sa ina namin." Galit nitong sabi.

"Wala akong karapatan, alam ko 'yon, pero sa akin titira si Tita. Before these things happened, Rion knew that Tita Lourdes is living at my house. That will not change. I'll also take her as my responsibility. Hindi mo siya makukuha sa akin. Isa pa, you don't have enough resources to maintain her needs. You can't pay her caregiver and also can't provide her the medications."

Sinugod siya nito at kinwelyuhan. Pinigilan niya ang kamay nitong nakahawak sa kwelyo niya ngunit mahigpit ang hawak nito kaya hindi niya naalis.

"Wala kang karapatan sa kanya! Huwag kang papapel. Kahit wala akong pera, gagawa ako ng paraan para magastusan ang mga kailangan niya."

"Hindi ako pumapapel. I'm just stating facts, Xion. Kaysa pag-initan mo ang makuha sa akin si Tita, why don't you focus your time finding a job. Be financially stable first before acting up."

From Reel to Real Where stories live. Discover now