[ CHAPTER 39 ]

30 8 8
                                    

[ CHAPTER 39 ]

[ Tragedy ]


"ANONG ibig sabihin nito?" Galit na tanong ni Austin kay Kyrion Jay nang makita nito ang taong inaakala nitong wala na.
Kausap niya si Yaya Gracia dahil tinatanong niya ito kung nakita nito si Rion. Kanina pa niya kasi hinahanap ang lalaki ngunit hindi niya makita. After the outburst of Rion, tumakbo ito palayo sa kanya at hindi na niya nahabol pa.

Walang alam si Yaya Gracia sa pinagagawa ni Kyrion kaya nang makita nito si Austin ay agad nitong nilapitan at niyakap ng mahigpit. Gumanti din ng yakap si Austin at nakita ni Kyrion na na-relieve ito sa katotohanan na maayos ang kalagayan ng matandang babae  ngunit alam niya na taliwas  ang nararamdaman nito para kanya. Malamig ang tingin na binibigay nito sa kanya. At sa tingin nitong iyon ay nasasaktan siya.

"Kumusta ka na, Austin? Mabuti at nadalaw ka rito. Ang tagal na rin mula nang makita kita. Kamusta ka na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Yaya Gracia rito.

Masaya siyang makita ito. Nagagalak sa kabila ng katotohanan na nagsinungaling siya rito.

"Okay lang po ako." Tipid nitong sagot dito. "Pwede po bang iwanan niyo muna kami ni Kyrion, Yaya? May pag-uusapan lang kami."

Agad naman itong tumango at nagsabing kukuha ng maiinom ni Austin.

"Bakit ka nagsinungaling?" Agad nitong tanong sa kanya nang mapag-isa silang dalawa.

"Dahil kailangan."

"Dahil kailangan?" Hindi makapaniwalang gagad nito. "Kailan pa naging kailangan ang pagsisinungaling, Kyrion? Bakit ka umabot sa ganito kalala na kasinungalingan? Bakit mo ginamit si Yaya Gracia? Alam mo ba kung gaano ako nalungkot at nasaktan nang sabihin mo na wala na siya?"

"Gusto ko lang na protektahan ka."

"Protektahan? Para saan? Kanino?"

"Natatandaan mo pa ba nu'ng tinawagan kita?"

Natigilan ito sa sinabi niya. Tila nag-isip.

"Kung gusto mo kong protektahan sana hindi ka na nagsinungaling! Ano bang akala mo, Kyrion? Hindi ako kayang protektahan ni Theo? Hindi ko kayang protektahan ang sarili ko? Sa tingin mo ba hindi kayang gawin ni Theo ang alam mong kaya mong gawin?"

Lumarawan ang sakit sa mukha niya ngunit hindi nito pinansin iyon. Ang pansinin ang nararamdaman niya ay huli sa prayoridad nito ngayon. Austin was consumed by hate towards him. Kahit hindi nito sabihin alam niyang sobrang disappointed ito sa ginawa niya. Pero gusto niyang siya ang maging tagapagligtas nito.

"Gusto kong ako ang gumawa niyon, Austin. I wanted to protect you so badly and I want you to rely on me. Gusto ko akin lang."

"You're impossible! After all the things that happened you still think and insist that I can love you. Sinabi ko na sa 'yo noon at malinaw na hindi ko maibabalik ang nararamdaman mo para sa akin. Si Theo lang ang lalaking mamahalin ko habang nabubuhay ako."

"Alam ko na 'yan!" He was hurt admitting it. "Hindi mo na kailangan pang ulit-ulitin dahil alam ko na 'yan! Pero hindi ba pwedeng umasa, Austin? Hindi ko naman mapipigilan ang damdamin ko sa 'yo. Kahit na anong gawin ko ikaw pa rin ang laman nito," itinuro niya ang sentido. "At nito." This time ay ang kaliwang dibdib naman ang tinuro niya.

Sobrang mahal niya ito kaya kahit nasasaktan niya si Rion ay ito ang naging prayoridad niya. And speaking of Rion, he now fully understand the pain that he was given to him. Being taken aside even you did your best for the one you love. Being neglected even you can do the impossible just to be with the one you love.

From Reel to Real Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang