[ CHAPTER 26 ]

51 8 15
                                    

[ Chapter 26 ]


[ Sudden by Force? ]

DAHIL hindi sila natuloy sa pagpunta sa bahay ni Kyrion, nang gumaling ang lalaki, two days after, agad itong nagyaya roon.

Rion was busy preparing his clothes to wear when Kyrion went inside their room. Wala sa kwarto ang mama niya pati si Isang. Nasa labas ang dalawa at pinapaarawan ng huli ang mama niya.

"I'm really curious what you said the other night. It couldn't stop ringing in my head. Namotan taka...kata." Anito. Frustration was on his voice and also he was feeling frustrated at the moment. Mali, hindi lang ngayon dahil sa dalawang araw na nakalipas ay hindi siya tinitigilan nito sa sinabi niya ng gabing iyon.

Rion was so stupid for kissing Kyrion that night and saying he loves him in other language. The guy was not stopping pestering him.

"Kalimutan mo na 'yon. Ang ibig sabihin niyon gago ka."

"Gago ka? Hindi ako naniniwala. After saying that you kissed me."

"Alangan naman sabihin ko na mahal kita na hindi naman mangyayari."

"Bakit? Hindi ba ako kagusto-gusto?"

Natigilan siya sa sinabi nito. "Kung ano-ano na lang talaga, eh. Tigilan mo na 'yan. Sasakit lang ang ulo mo."

"Wala akong pakialam kahit sumakit. Nandyan ka naman para alagaan ako."

"Eh, di wow ka!" Sarkastiko niyang sabi. "Bakit kailangan mo pang abalahin ang sarili mo sa bagay na hindi mo naman alam. Alam mo naman 'yung curiousity kills the cat."

"I'm not a cat, para sa kaalaman mo. I'm a human so it was my nature to be curious."

"Ewan ko sa 'yo. Hindi ka talaga papatalo."

"Dahil curious ako. Saka gusto ko na i-kiss mo rin ako ulit."

"Gago ka talaga."

"Gago na hinalikan mo at tinitiis mo ang sarili mo na mag—-"

"Ayokong magkaroon ng komplikasyon ang relasyon natin," pamamatlang niya rito. Alam naman na niya kung ano ang gusto nitong sabihin. "Sinabi ko naman yon sa 'yo, hindi ba? Kailangan bang paulit-ulit tayo?"

"Pero gusto mo rin naman kasi. May pasecret-secret kiss ka pa. Kung nasa huwisyo sana ako di nag-enjoy ka rin sa kiss ko."

"Tigilan mo na nga 'to. Maghanda ka na lang para makaalis na tayo," nabubwisit niyang sabi dito. "Paulit-ulit na lang tayo. Para na tayong sirang plaka."

"Ikaw naman kasi ang nag-initiate nito ulit, eh. Kung hindi ka gumawa ng bagay na gusto ko, 'di sana hindi kita kinukulit." Naninising sabi nito. "Alam mo naman na above the limit ang kagustuhan ko na magkaroon tayo ng sexual relationship. You know too well that I'm lusting over you. You also feel the same."

Napailing na lang siya. "Lumabas ka na nga. Magpapalit ako ng damit. Wala tayong patutunguhan sa usapan natin."

"Dahil ayaw mong may puntahan tayo."

"Dahil mapupunta lang tayo sa dead end."

"Bakit? Sigurado ka ba na sa dead end tayo mauuwi?"

Natigilan siya sa sinabi nito. Ang peste niyang puso umaasa na naman. Umaasa na ang pagnanasa nito sa kanya ay mauuwi sa pagmamahal. Bago pa kung saan mapunta ang isip niya ay tinigil na niya iyon.

"Ewan ko sa 'yo. Just go out. Magbibihis ako."

"Pwede ka naman magbihis na dito ako, ah. Nahihiya ka ba sa akin? May malisya ka na ba sa akin?"

From Reel to Real Onde histórias criam vida. Descubra agora