Chapter 12: Pass the message

59.4K 3.1K 1.5K
                                    

12.

Pass the message

Sisa

She snapped. Olive snapped. How long was she in here to end up losing her mind? Did she even try to escape? Did she even try to fight back? Did the torture and Isolation cause her to kill herself in a very violent way? Are we bound to end up like her?

"Olive anak, anong ginawa mo?!"

Natatarantang sigaw ni Tatang habang dali-daling isinasakay ang duguan, lupapay at tila ba walang buhay nang katawan ni Olive sa stretcher.

Habang dumadaan sila sa harapan namin, kitang-kita ko ang pagkalaglag ng dugo't laman sa sahig na nagmumula sa ulo at leeg ni Olive. Napapikit na lamang ako nang mapagtantong piraso na ng utak ang nakikita kong nalalaglag. Hindi ko alam kung saan siya dadalhin ni Tatang pero kung tama ang pagkakaintindi ko sa reaksyon ni Tatang, may balak itong iligtas si Olive mula sa kamatayan.

"Olive Mae Quinez ang pangalan niya. Kung may makakaligtas man na kahit isa sa atin, sabihin niyo sa nanay niya na kailanman ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob dito. Na mahal na mahal niya ang nanay niya. Sabihin niyo sa tatay niya na napatawad na siya ni Olive matapos sila nitong iwan para sa ibang babae. Sabihin niyo sa kapatid ni Olive na alagaan niya parati ang nanay nila." Biglang basag ng walang kaemo-emosyong ni Rose sa katahimikan gamit ang walang kaemo-emosyon niyang boses.

"There were others who didn't make it too...  Beth Corpuz, Anna Marnueva, Rachel Tinson, Elizabeth Joy Dorsal, Charlotte Gambez, Julianna Jade Montecillo—"

"Wait Julia was here?! Does that mean Julia's dead too?!" Biglang tanong ni Paris matapos marinig ang mga binanggit na pangalan ni Kerry.

Bigla kong naramdamang para bang may nakatingin sa direksyon ko kaya napatingin ako dito—Si Ada pala. Mukhang may gusto siyang sabihin sakin pero hindi niya magawa kaya ako na lamang ang naunang magsalita.

"Ada naalala mo ba ang missing posters na ipinamimigay ko noon sa inyo noong bago pa ako sa school? Nabigyan kita noon diba? Napagtanungan kita tungkol sa pagkawala ni Julia?" Tanong ko na lamang sa kanya nang maalala kong isa siya sa mga una kong napagtanungan noon kay Julia nang bago pa ako sa Crimson Lake.

Nakita kong unti-unting umagos ang luha mula sa mga mata ni Ada.

"By the time I saw Julia's face here, that's when I realized that I was in trouble. Naalala ko agad siya mula sa mga missing posters na pinapamigay mo." Aniya pa.

"A-alam ba ni Julia na hinahanap ko siya? Ada alam niya bang andito ako? A-alam ba niya?" Nauutal kong sambit habang pinupunasan ang luha ko.

"I told her you were looking for her... Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pangha-harass mo sa amin para lang tulungan ka naming mamigay ng missing posters." Pabirong sagot ni Ada saka ngumiti.

Napakasakit ng buong katawan ko. Napakasakit ng mukha ko. Hindi ko pa maigalaw ang kabila kong mata. Napakasakit umiyak—literally—pero wala akong magagawa, kusa ng bumubuhos ang luha ko.

"Mula nang malaman ni Julia na hinahanap mo siya, lagi na siyang ngumingiti. Minsan nga naiinis kami kasi kahit pinapahirapan na siya, ngumingiti parin siya. Naniniwala siyang mahahanap mo siya, na mahahanap mo kami... Nahanap mo nga kami, kaso naging kabilang ka na sa amin." Sabi pa ni Rose kaya napahiga na lamang ako sa sahig at lalong napaiyak.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon