Chapter 30: The thing about you and I

52.7K 3K 2.1K
                                    

30.

The thing about you and I

Third Person's POV

"Dito ka nakatira? Sinong kasama mo sa unit mo?" Kunot-noong sambit ni Ponzi habang pinagmamasdan ang apartment complex kung saan nakatira si Serenity.

"Mag-isa lang ako kasi busy sa work sina Mommy at Daddy pero they promised me na bibisitahin nila ako every weekend." Biglang bumaba si Serenity mula sa motorsiklo at tinanggal ang suot niyang helmet, "Thank you sa paghatid. Goodnight! Ingat  sa daan and don't overspeed!" Nakangiti nitong sambit sabay kaway sa binata ngunit agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Serenity nang mapansin niya ang tila ba nagtatampong reaksyon nito.

"Anong problema? Galit ka ba sakin?" Inosente at nag-aalalang tanong ni Serenity.

"Hinatid kita tapos pauuwiin mo agad ako? Di mo man lang ba ako papapasukin para mag-juice man lang o snacks? Serenity 6pm na, yung butete ko nangingisay na." Suminghal si Ponzi at umiling-iling na animo'y naiinis.

"Ha?" Napakamot na lamang sa kanyang ulo ang naguguluhang dalaga, "Diba kumain na tayo ng kwek-kwek kanina? Ba't gutom ka na agad?"

"'Wag na nga lang." Malamig na sambit ni Ponzi at walang emosyong inagaw mula sa mga kamay ni Serenity ang helmet. Nang akmang isusuot na niya ito'y napangiwi na lamang si Serenity at napabuntong-hininga dahil sa pagkakonsensya.

"Okay fine! Ponzi, gusto mo bang mag-juice muna sa taas?" Napilitan na lamang si Serenity na tanungin ito.

"Sige ba!" Biglang taas-noong sambit ni Ponzi na ngayo'y abot-tenga ang ngiti at walang paligoy-ligoy na tumayo mula sa motorsiklo niya at mas nauna pang maglakad papasok sa apartment.

Nilingon ni Ponzi ang dalaga habang may nakakalokong ngiti sa kanyang labi, "Baka gusto mo akong murahin? Okay na okay lang sakin."

"Cussing isn't my thing so I'll just read you a bible verse." Pagmamalaki naman ng dalaga sabay ngisi dahilan para mawala ang ngiti sa mukha ni Ponzi at mapasampal na lamang sa kanyang sariling mukha.

***

Pagpasok pa lamang ni Ponzi sa tinutuluyan ni Serenity ay agad na itong naupo sa sofa at pinaandar ang tv nadahilan para mapangiwi na lamang si Serenity at mapapikit dahil sa inis.

"Magmumura na 'yan!" Pakantang sambit ni Ponzi na animo'y sinusubukan ang pansenya ng dalaga.

"Hindi sagot ang pagmumura sa lahat ng bagay." Giit ni Serenity saka naglakad na lamang patungo sa kusina.

"Yung totoo Serenity? Ikaw ang Admin ng Badwordcop no?" Biro ni Ponzi na agad na sumunod rito at naupo sa mesa na animo'y at home na at home na talaga.

Napabuntong-hininga na lamang si Serenity at binuksan ang ref saka inilabas mula rito ang dalawang maliliit na bote ng juice.

"May problema ka ba? Sabihin mo lang sakin baka matulungan kita?" Tanong ni Ponzi nang mapansin ang biglang pagkabalisa ng dalaga. Matagal bago sumagot si Serenity kaya ininom na lamang ni Ponzi ang juice.

"Nakokonsensya lang kasi ako, pakiramdam ko nagtatampo na si Jojo sakin. Sabi niya siya daw yung boyfriend ko pero di ko napigilan ang sarili kong matawa sa harapan niya. Ponzi boyfriend ko ba talaga siya?" Inosente at problemadong sambit ni Serenity kaya sa isang iglap ay agad na naibuga ni Ponzi ang iniinom at ang ilan sa mga ito'y lumabas pa mula sa ilong niya sa sobrang pagtawa.

Never Cry MurderWhere stories live. Discover now