Chapter 49: Havoc and Farewell

51.9K 2.9K 2.5K
                                    

49.

Havoc and Farewell

Third Person's POV

Muling marahas na nasapo ni Dustin ang kanyang ulo. Hindi siya mapakali kaya panay ang paghampas niya sa pinto... Panay ang panginginig ng mga kamay niya dala ng galit at pag-aalala sa maaring gawin ni Tatang kay Sisa.

"Dustin! Baka atakihin ka sa puso!Kalma! Magiging okay si Sisa! Ang masamang damo matagal mamatay!" Sigaw ni Jojo na nasa kabilang kwarto pero imbes na kumalma ay muling napahampas si Dustin ng paulit-ulit sa pinto.

Makaraan ang ilang sandali ay laking gulat ni Dustin nang bigla na lamang bumukas ang malaki at makapal na pinto. Naguguluhan man, unti-unting humakbang ang iika-ikang si Dustin papalabas at mas lalo pa siyang nagulat nang makitang ang lahat ng mga pinto sa mga katabing kwarto ay nakabukas narin. Nakita niyang unti-unting nagsisilabasan mula rito ang mga kabataang gaya niya'y sugatan at naguguluhan.

"Anong nangyayari?" Naguguluhang sambit ni Jojo na ngayo'y katabi na pala ni Dustin.

"Umalis na tayo dito!" Biglang sigaw ng isa sa mga pasyenteng gaya nila at sa isang iglap ay bigla na lamang nagkagulo ang lahat at kumaripas ng takbo sa iba't-ibang direksyon na animo'y mga hayop na nakawala mula sa hawla nila.

"Si Sisa!" Sigaw naman ni Dustin at kahit iika-ika at namimilipit sa sakit ay pilit na naglakad ng mabilis.

"Hoy saan ka pupunta!" Giit ni Jojo na agad sumunod kay Dustin.

"Kailangan nating hanapin si Sisa! Hindi natin siya pwedeng iwan!" Giit ni Dustin na kulang na lang ay mapatakbo na sa sobrang pagmamadali kung hindi lang dahil sa cast na nakakabit pa sa kanyang paa.

"Rose! Kerry!" Narinig ni Dustin ang isang pamilyar na boses at nang sundan niya ito ay nakita niya ang nalilito at umiiyak na si Ada. Kahit nakawala na ay hindi ito halos makagalaw sa sobrang takot at pag-aalala sa mga naging kaibigan.

"Nasaan sila?! Kinuha rin ba sila ni Tatang kanina?!" Natatarantang sambit ni Dustin saka hinila ang magkabilang balikat ng naghy-hysterical nang si Ada.

"Wala sila sa mga kwarto nila! Dustin hindi natin sila pwedeng iwan!" Giit ni Ada, "Marami pa silang bihag sa taas!" Dagdag pa nito sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

Sigawan at takbuhan, napakagulo ng buong paligid dahil sa mga kabataang desperadong makaalis ngunit sa isang iglap ay bigla na lamang umalingawngaw ang isang napakalakas na putok ng baril at kasunod nito ay ang biglang pagdilim ng buong palapag dahilan para mas lalong umalingawngaw ang napakalakas na sigawan. Ang tanging ilaw na lamang na natitira sa kanila ay nagmumula sa maliliit na emergency lights na nakadikit sa bawat kisame.

"Si Rachel! Shit! Andito si Rachel!" Biglang sigaw ng takot na takot nang si Ada.

"Sinong Rachel?!" Giit ni Jojo at agad na hinawakan ang braso ni Ada upang 'wag muna itong tumakbo.

"Isa sa mga kasama ni Tatang sa programa!" Giit ni Ada at biglang winakli ang kamay ni Jojo at nagtatakbo narin sa gitna ng dilim gaya ng iba.

Bigla na lamang umalingawngaw ang napakalakas at sunod-sunod na putok ng baril kaya naman kahit nalilito sa nangyayari ay walang ibang nagawa sina Jojo at Dustin kundi magtatakbo na lamang kahit pa hindi narin nila alam kung saan sila patungo dahil sa kadiliman ng paligid.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon