Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

84.4K 3.5K 2.4K
                                    

SPECIAL CHAPTER #2:

Stay Strong Jorino

(Few days after 1st special chap)

Napabuntong-hininga si Ponzi nang tuluyan silang makalabas ni Sisa mula sa bahay nito. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa wakas ay nakumbinsi na niya itong lumabas. Aakbayan na sana niya ang dalaga habang kapwa sila papunta sa motorsiklo niya nang bigla na lamang siya nitong nilingon.

"Ponzilita sigurado ka ba? Si Twinkle iiwan natin kay Jojo? Kay Jorino Jomomo Y. Tirador?!" Pabulong na sambit ni Sisa habang pinanlilisikan ito ng mga mata.

"Sisa kaya nga wala tayong dapat ipag-alala, si Jojo 'yan. Kahit mukhang pinlantsa ang utak niyan, hindi niya papabayaan si Twinkle. Diba nga nagprisinta pa nga siyang ninong ni Twinkle?" Natatawang giit ni Ponzi habang pilit na pinapasuot kay Sisa ang jacket niya.

"Nagprisinta? Dude he basically threatened us to make him a godfather or else he'd upload that video of us, high as fuck while making out in the bathroom years ago!" Naiinis na sambit ni Sisa, "Shit ka, paano ba kasi niya yun nakuha? Ponzi baka makita yun ni Twinkle paglaki niya, baka isipin niyang malalandi tayong dalawa." Dagdag pa nito.

"Malalandi naman talaga tayo eh. Sa isa't-isa nga lang." Nakangising sambit ni Ponzi saka inakbayan ang dalaga't hinalikan ito sa pisngi.

Natatawa man, hindi parin maiwasan ni Sisa na mangatwiran, "Bruh wag nalang kaya tayong manood ng sine? I-download mo nalang tutal pirate ka."

"Sisa naman, minsan na nga lang tayong mag-date dahil sa sobrang busy natin." Nakabusangot na sambit ni Ponzi kaya napabuntong-hininga na lamang ang dalaga.

"Okay, let's just take a peek before we go." Sabi na lamang ni Sisa dahilan para muling mapangisi si Ponzi.

Pasimpleng bumalik sa nilalakaran ang magkasintahan at sumilip sa loob ng bahay sa pamamagitan ng bintana.

"Kita mo na." Pagmamayabang ni Ponzi kay Sisa nang makita nilang karga-karga parin ni Jojo ang gising paring si Twinkle. Kapwa sila nasa sofa habang nanonood ng Dora the explorer.

"Hoy negra andun sa likod mo! Wag kang bobo!" Sigaw ni Jojo habang tinatakpan ang tenga ng sanggol. Walang kamalay-malay ang binata na pinagmamasdan pala sila ng dalawa mula sa labas.

"Tingnan mo nga naman Dora na may pulang buhok, si Boots nanonood ng show niyo." Pang-aasar ni Ponzi kaya naman agad siyang inakbayan ni Sisa upang sakalin siya.

"Anong sabi mo Agapito?" Inis na sambit si Sisa sa ngayo'y nagpupumiglas nang si Ponzi.

"Punyeta kamukhang-kamukha talaga ni Sisa si Dora tapos kamukha naman ni Ponzi si boots! Twinkle, wag kang gumaya sa kanila ah?" Natatawang sambit ni Jojo kaya naman agad na napabitaw si Sisa kay Ponzi. Kapwa nagkatinginan ang magkasintahan, si Sisa natatawa, samantalang si Ponzi ay halos magsalubong na ang kilay.

"Tatamaan sakin 'yan." Banta ni Ponzi na akmang papasok kaya naman agad siyang hinila ni Sisa na ngayo'y tawa na ng tawa.

"Aw, nagalit si bootsy poonzi." Pang-aasar ni Sisa at napayakap sa braso nito, "Let's just go to watch a movie Boots." Dagdag pa nito kaya napabuntong-hininga na lamang si Ponzi.

Sasakay na sana sila sa motorsiklo nang bigla na lamang umalingawngaw ang napakalakas na sigaw si Jojo. Dali-daling kumaripas ng takbo sina Ponzi at Sisa pabalik sa loob ng bahay pero mas lalo silang nagulat at naguluhan nang makitang nakatayo na sa harap ng TV ang nakanganga at walang kaemo-emosyong si Jojo. Karga parin niya si Twinkle kaya naman agad itong kinuha ni Ponzi mula sa kanya.

"Jo ano na naman bang kalokohan 'to?" Inis na sambit ni Ponzi ngunit hindi kumibo si Jojo. Nanatili itong nakatitig sa tv.

"You scared the crap out of us! What the heck happened?! Buti di natakot si Twinkle!" Sabi pa ni Sisa at siya namang lumapit kay Jojo.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon