4

144 36 12
                                    

Lahat ng nangyari ay sinabi ko dito, Pati na yung pag kuha ni Flynn sa'akin at sa anak ko.

"Ginawa nang mokong na yon sayo!? Pati ba kay Leim?" Nag-aalalang tanong nito.

"Baliw, Syempre hindi. Alam niyang anak niya yon eh." Pabulong na sabi ko pero parang narinig nito, dahil ito ay natahimik.

"Okay lang ba kayo diyan?" Ito ang bumasag sa Tahimik naming pag-uusap

"Yes, We're fine. Anong oras mo kami susunduin?"

"Hindi ba iiyak si Leim? Kakakita lang niya sa papa niya, tapos Aalis kayo."

Napaisip naman ako sa sinabi nito. Leim was happy when i saw him kanina. Napahugot ako ng malalim na hininga at binuga yon. Magkaka problema kami nito kapag iiyak talaga ito.

"I think Leim would understand, Gagawa nalang tayo ng palusot."

"Mer, Hindi bobo si Leim at alam mo yun." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nito.

"Alam ko, Kaya nga Gagawa tayo ng palusot para mapapayag siyang sumama sa'atin."

"Eh ano bang palusot ang gagawin mo?"

"Hindi ko pa alam." Tumingala ako sa langit at pumikit. Dinadama ko ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Masakit sa balat pero ang ganda sa Feeling.

"Tell him we'll buy Carbonara to Queny's Restau, Diba Gustong gusto niya yon?"

"Kahapon pa kami punta don, Before Flynn took us."

"Hindi ba talaga kayo makakatakas diyan? Baka hindi ako papasukin."

"Hindi nga, I will tell the guards na papasukin ka. Hindi naman siguro sila tatanggi unless tatakas ako."

"Wala bang ibang daan diyan?"

"I don't know, wala akong blueprint sa bahay na ito, at hindi ko memorize yung number ni Logan. Nasa isang phone ko kasi nilagay yung number niya."

Logan Schubert, ay isa sa mga kasama ko saaking isang trabaho na si Bryan lamang ang nakakaalam.

"Hindi mo ba dala yung phone na yun?"

"Hindi, Nasa drawer ko kase iyon at ilalabas ko pa sana kaso nasa Apartment ko na si Flynn."

"Okay, I'll be there in a minute."

"I will wait. By the way, Thank you."

"You're always welcome."

Nakangiti kong pinatay ang tawag at saka tumayo, Ngunit natulos ako saaking kinatayuan ng makita si Flynn na nasa pinto.

"Sino yung kausap mo? You look happy."

"Kanina kapa diyan?" Kinakabahang tanong ko, at hindi sinagot ang tanong ni Flynn.

"Ngayon lang, You didn't answer my Question. Sino yung kausap mo?"  Napahinga ako ng maluwag.

"It's none of your business." Sabi ko at nilampasan siya ngunit napatigil ng makita ang babaeng dahilan kung bakit ako umalis sa bahay na ito.

Nakakaloko itong Ngumisi at nilampasan ako at nilapitan si Flynn na nawala ang lahat ng emosyon sa mukha.

"Hi Honey, You find her na pala." Tinuro pa ako nito, ngunit inirapan ko lang ito. "So did you already give her tha divorce papers?"

Dahil sa sinabi nito, napatingin ako sa kanilang dalawa. Nagtataka.

"Hindi pa." Malamig na sabi ni Flynn at yumakap naman ang bruha sa balikat nito.

I sarcastically laugh, may pasabi-sabi pa si Flynn na hindi raw iiwan, but look at him now with his hoe. Mabuti at hindi ko iyon pinanghahawakan ang sinabi niya. Thanks kay lord.

Married with Flynn WestWhere stories live. Discover now