7

130 26 5
                                    

______

I'm now watching my son na naglalaro sa Cellphone ni Bryan. Nagpapasalamat akong nagising na ito.

After our conversation with Flynn, Sinabihan ko ito na wag muna ngayon magpakita. Ayaw sana nito pero wala siyang magawa, buhay ito ng anak niya. Baka maging kritikal pa ang sakit ni Leim.

"Mommy." Napabalik ako sa katinuan ng tawagin ako ng anak ko.

Ngumiti ako. "Yes baby? May masakit ba sayo?"

He shook his head and smiled, but his smile did not reach his eyes. it seems to be forced. "Where is daddy?" Sa tono ng pananalita nito ay parang malungkot.I know my son is hurting.

"Ahm, Your Daddy is busy anak." Nag-aalangang sabi ko.

"Mommy, Hindi ba tayo love ni Daddy?" Naluluhang tanong nito at parang nawawasak ang pusong nakatingin ako sa anak kong nahihirapan dahil sa kaniyang ama.

Ngayon lang naging ganito ang anak ko, Si Leim ay isang masayahing bata. Hindi ganito na umiiyak at Malungkot.

Niyakap ko ito at hinalikan ang ulo. "No, Daddy loves us. So don't cry na baby."

"Then why he's with another girl." Mahinang sabi ni Leim habang sumisinghot-singhot.

Ayokong makitang nasasaktan ang anak ko pero hindi ko na alam kung anong gagawin. Si Leim ang naiipit sa aming dalawa ni Flynn.

"Hush, Friend lang ng Daddy mo yon. Kaya tahan na anak, Mag-aalala ang Daddy mo." Palusot kong sabi at pilit na ngumiti sa anak.

Unti-unting nabuhay ang Saya sa mga nito, at pinahiran ang mga luhang na sa pisnge.

Hindi ako makapaniwala na nagkasakit ang anak ko. Ang bata pa ni Leim para magkasakit at hindi niya ito deserve. Mabait na bata si Leim, kaya bakit siya pa ang nagkasakit? Bakit hindi nalang ako? Ang hirap tignan ang anak kong nahihirapan dahil sa condition nito.

"Friends lang po ni Daddy?" Tanong ni Leim pagkatapos nitong Pahiran ang luhang nasa pisnge.

"Yes baby. Gusto mo bang papuntahin ko ang Daddy mo?"

"Yes mommy!" Masiglang sabi nito. Napangiti naman ako, Mabuti at ngayon naging okay na si Leim.

"Pumuntahan ko muna yung Tito Bryan mo, Tapos Tatawagan ko ang Daddy mo." Tumango lang ito at bumalik sa pag lalaro ng Cellphone.

Bumibili ng pagkain si Bryan sa labas ng Hospital, kaya kaming dalawa lang ni Leim ang nasa loob ng Kwarto.

Pagkalabas ko ay hinanap ko agad si Bryan.
Nalibot ko na lahat ng malapit na Karenderya sa Hospital, pero wala parin akong nakitang Bryan.

Babalik na sana ako sa loob ng hospital ng may nakita akong dalawang taong nag-uusap sa pinaka gilid ng hospital. May sariling isip ang aking mga paa at naglakad palapit.

Ngunit nagulat ako nang makita ko kung sino ang nakita ko. Ito yung babaeng nakatingin sa'kin kanina! She's talking with someone na nakatalikod kaya hindi ko nakita kung sino, pero alam kong lalaki ito.

Pumunta ako sa gilid kung saan hindi nila ako makita kahit nasa malapit lang ako. May ding-ding kasing malaki sa kung saan sila nag uusap, kaya doon ako pumwesto at walang ingay na naglakad.

"Magaganap ang Kasal ni Flynn at Tanya Next month, Dahil nakita na nila si Meriana." Sabi ng babae sa kaharap nito.

Fvck! Sure ba ito'ng babae na ito? Kung ganon kailangan kong palang tigilan ang kasal na magaganap.

Hindi dahil siya ang Ama ng Anak ko, Kung hindi dahil sa misyon ko. At Ayoko din namang mawalan ng Ama si Leim.

"The reason why i want to talk to you is kailangan mong pigilan ang mag-ina na Lumapit kay Flynn. Mapapahamak ang dalawa kapag nagpatuloy itong lumapit. You know Tanya, Bryan. She kills even though bata pa yan. Remember kung anong ginawa niya sa nakababata mong kapatid."

Lumaki ang mata ko ng ma mention nito ang pangalan ni Bryan. Wtf Si Bryan ang kausap ng babaeng ito?

Nalilitong lumayo ako doon at tulalang Naglakad ng mabilis. Fuck! Ang dami ko nang iniisip dumagdag pa si Bryan.

Wala akong alam na may Kapatid pa pala si Bryan, Ang alam ko lang ay nag-iisa itong anak hanggang sa naging step sister nito si Queny.

Napasabunot ako sa aking sariling buhok.My brain feels like it's going to explode with so many thoughts and so many question. Tulad ng.....

Sino ba talaga si Bryan at ka ano-ano niya ang babaeng yun?

__________

A/N: Ito lang muna ngayon hehe.
Don't forget to follow and Vote!❤

Married with Flynn WestWhere stories live. Discover now