9

132 24 9
                                    


__________

To: Jazel

Na'san kanang Hinayupak ka, Ilang oras na akong nag hihintay sayo!

From: Jazel

Sorry, Next time mo nalang sabihin ang gusto mong sabihin. Kainin mo na rin yung order ko, Alam ko kasing patay Gutom ka.

Nanggigigil na Inamba kong Ihagis ang phone ko, Dahil sa message ni Jazel. Importante pa naman sana yung sasabihin ko. Alam ko na kasama nito si Phoebe, Sa uri palang ng tingin nito kanina sa babae. Hays Jazel nga naman.

Dahil kanina ko pa Kinain ang order ni Jazel ay tumayo na ako at nag-lagay ng pera sa lamesa, Saka lumabas na.

HABANG naka sakay sa kotse patungo sa Apartment ko ay, May kakaiba akong nararamdaman. Winaksi ko lang ito sa'king isipan at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Nang makarating, sa labas ng building ko pinarada ang kotse, dahil aalis din naman ako. Magbibihis lang.

Parang may nakatingin sa'kin. Pinalibot ko ang aking tingin paligid pero wala akong nakita ni isang tao dahil umuulan.

Pamasok na ako dala-dala ang payong. Lahat ng Empleyado ko ay bumati sa'kin at tinanguan ko lang ito. Ang building na ginawa ni Mama Lena ay Malaki. Nasa itaas ang mga Apartment at sa Baba naman ay mayroong Laundry shop, Cafeteria, Grocery shop at iba pa. Kaya madaming Empleyado dito.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang gustong building ni Mama Lena, Para na rin silang nasa hotel pero permanent na silang nakatira doon. Mabuti talaga't Maraming Gusto tumira dito dahil raw hindi na sila pumupunta sa labas para bumili nang kung ano-ano.

I was about to enter the elevator ng may lumabas na naka Hoddie na itim at nagka banggaan kami.

Humingi ako nang paumanhin dito, Nakayuko lang itong tumango at Nag-mamadaling lumabas. Hindi ko na-aninag ang mukha nito, pero alam ko na Babae ito dahil may kaunting buhok ang lumabas sa Hoddie niya.

Nakaramdam nanaman ako ng hindi tama kaya pumasok na ako at pinindot ang Top floor. Yun kasi yung apartment ko.

Tumunog ang elevator at bumukas ito, pero hindi pa ako nakalabas ng may sumipa sa'kin. Kaya ako'y napa-upo habang hawak ang tiyan.
Fvck! Kaya pala iba ang nararamdaman ko!

Mabilis akong tumayo at sinampal sa taong nasa harap ko ang dala kong payong, kaya nasira ito sa lakas nang pag-hampas ko. Ambang Susuntukin ako nito ng maunahan ko ito. Hindi ko kilala kung sino ito, Mabuti at ito lang mag-isa kaya Yakang-yaka ko itong patumbahin. I'm good at hand to hand combat.

Nasuntok ako nito sa mukha kaya napa aray ako. Huhu ang sakit palang manuntok ni manong muntik na akong mahimatay don ah!

Baliwala ko ang laki nang katawan nito, at patuloy lang na umaatake kahit na masakit ang suntok na tumatama sa'kin. At dahil nasa elevator ako at nasa Labas siya, kumapit ako sa magka-gilid ng elevator at sinipa ko ito ng malakas kaya napahiga ito sa sahig. 

Pipindutin ko sana ang close sa elevator nang ma-alalang susundan ako nito kapag hindi ko pinatay. Advance akong mag isip eh and I'm used killing bad people, kaya hindi na ako mag dadalawang isip na patayin ito.

Kinuha ko ang pagkakataong nakahiga pa siya sa sahig at tumakbo papasok sa apartment ko.
Nasa gitna ito ng daan, inapaka ko ito kaya napadaing siya sa sakit.
Fingerprint ko lang ang kailangan sa pinto kaya agad itong bumukas.

Mabilis na kinuha ko ang silencer gun na nasa ilalim ng coffee table. Lumabas ako at nang makitang Tatayo ito, Binaril ko ang Binti. Napasigaw ito at namimilipit sa sakit na hawak-hawak ang binti. Binaril ko pa ang isa niyang binti kaya mag napasigaw siya.

Sure nang hindi ito makakalakad kaya binaba ko na ang aking baril, at lumapit. Hinila ko ang kanyang kwelyo at inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko.

Bakas sa mukha nito ang sakit, kaya napangisi ako. Malaki nga ang katawan mahina naman, Tsk!

"Who send you here?" Malamig at nakakakilabot na tanong ko. Nakita ko ang panginginig ng katawan nito. Fvck, bakla ba ito? Bakit ang daling matakot.

Hindi ito nagsalita kaya winaksi ko ang kamay nitong nakatakip sa kanyang binting sugatan. Pinisil ko ang kanyang binti at parang maiyak-iyak itong namimilipit sa sakit.

"Sino ang nag-utos sayo!" Galit na sigaw ko dito, at diniinan pa ang pag pisil sa kanyang binti.

"Si ma'am Tanya! Si ma'am Tanya ang nag-utos sa'kin na patayin ka!" Sigaw nito at Naiyak na talaga. Walang emosyon kong binitawan ang kanyang binti at kwelyo saka tumayo.

Tangnang Tanya talaga yon, Desperadang makuha si Flynn! San ba kasi ni Flynn nakilala ang babaeng yun.

May dugo ang kamay na kinuha ko ang aking telepono at tinawagan si Logan.

"Hey beautiful Meriana, what's up." Magiliw na bati nito sa kabilang linya.

"Clean the outside my apartment, Pronto." Malamig na sabi ko. Nawalan naman ito nang imik sa kabilang linya at saka tumikhim.

"Okay, I'll send some of our men to clean There. Ilang tao ba?" Tanong nito kung ilan ang taong napatay ko para ilang tao lang ang kanyang ipapapunta para linisin.

"Just one, but still alive. Kailangan nating malaman ang alam niyang impormasyon."

"Okay, Our men will be there in a minute." Sabi nito at Pinatay ang tawag.

I looked at the man lying on the floor. he was pale and his blood spread on the floor

I left him and went inside my apartment. When I entered, I just now noticed the box on the divider near the coffee table.

Dahil siguro sa pagmamadali hindi ko ito napansin.

May dugo parin sa kamay na binuksan ko ang kahon at Nagulat ako sa laman ng kahon. Nabitawan ko ito.

it was two rats that seemed to be stabbed to death! Malaki ito at maliit. May nakita akong envelope sa loob na napalibutan ng dugo.
The whole box was full of fvcking Blood! Mabaho pa!

Pigil ang hiningang Kinuha ko sa kahon ang Envelope at saka binuksan ito. Kinuha ko muna ang Sulat at binuklas.

I stopped breathing and my body felt stiff because of what was written in the envelope.
My hand was shaking with anger because I knew who put the box inside. the girl I bumped into earlier! Fvck! Si Tanya pala yun!

Nanghihina akong napaupo sa sahig habang binabasa ang Sulat.

'Kapag nabasa mo ito, for sure buhay kapa. Ang bobo naman ng lalaking naka-away mo dahil binuhay ka. Pero okay lang, dahil gusto kitang makitang mamamatay sa kamay ko. Nakita mo ba ang pasalubong ko,ang ganda diba? magiging ikaw at ang anak mo yang daga kapag nagpapakita pa kayo kay Flynn. Alam mong Akin si Flynn at walang ibang nararapat sakanya kahit anak mo! Dahil akin siya! I will keep my eye on you and your idiot kid. Kapag nagpatuloy kapa, Goodbye ka nalang sa Anak mo Meriana. i will make sure that you and your son will suffer, until you die. Hindi niyo ako madadaan sa awa, Meriana. Kaya mag-isip ka, Ang anak mo O si Flynn?'

To: Tanya who will kill you and your son ;)

Bakit pati ang anak ko? Tangna kasalanan ko ito, Dahil sa'kin nadadamay na si Leim na wala manlang ginawa!

Kinuha ko sa envelope ang picture at napaluha ng makitang picture yun ng anak kong si Leim na nasa hospital mag-isa habang naglalaro, ito yung kaninang iniwan ko muna siya para hanapin si Bryan. Tanya surely kill Leim kapag pinagpatuloy ko pa ito. Fvck nalilito na ako kung anong gagawin! Bakit ba naging ganito?

Nakaramdam ako ng mga yapak at alam kong ang mga tauhan na namin iyon. Nasa ganon parin akong posisyon nang pumasok si Logan.

"Hey, Are you oka... Holly Fvck!" Hindi nito matapos ang sasabihin dahil sa gulat. Kinuha nito ang hawak-hawak kong Sulat at binasa.
"Fvck!fvck!fvck!" Napamura ito ng paulit-ulit pero wala ako sa sarili. Parang hindi na papasok sa utak ko ang mga nangyari.

Ang dami na.......

Married with Flynn WestWhere stories live. Discover now