QUESTIONS

716 54 9
                                    

Morning came, nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha, idinilat ko ng dahan-dahan ang aking mga mata, umaasa ako na sana panaginip lang ang sinabi sa akin ni daddy na magdedivorce sila ji mommy, pero hindi. Hindi ako nananaginip.

Bumangon na ako para himanda sa aking pag pasok, matamlay ang mga mata ko, growing up na witness namin ng ate ko kung gaano nila mahal ang isa't isa, pero ngayon ako lang ang makaka witness ng pag-hihiwalay nilang dalawa. Hindi ko lubos maisip na mangyayari sa relasyon nila ang paghihiwalay, akala ko mauuwi sa panghabang buhay na pagmamahalan pero sa pag-hihiwalay lang pala ang dulo. Nakaka disappoint lang.

Bumaba na ako para kumain, buhat buhat ko si Irene (my dog) papuntang kusina para kumain, at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. I saw daddy cooking at the kitchen, at parang wala itong pinagdadaanan. Nagagawa pa niyang ngumiti.

"Good morning! little patootie!"bati nito sa akin habang nilalagay ang sunny side up sa plato ko. I furrowed my eyebrows.

"What's wrong?" he asked me. Lumapit ito sa akin at tumingin sa aking mga mata.

"What's wrong sweetie? ayaw mo ba yung luto ko?" he asked.

"No. it's not that"sagot ko. Pinipigilan ko lang yung sarili ko na hindi umiyak, tuwing makikita oo si daddy lagi na akong maiiyak, dahil naaawa ako sakanya. Well naaawa din naman ako kay mommy baka sabihin niyo wala akong puso.

"Tell me what's wrong?" tanong nito ulit.

"Paano mo nagagawang ngumiti ngayon, dad? Nasa kalagitnaan kayo ng divorce ni mommy at nakakangiti ka pa ngayon?" tanong ko at nangingilid na ang mga luha ko. Ngumiti ito sa akin at niyakap ako. "kailangan ko, para sa'yo. Kailangan ko para hindi ako malungkot, edi tanggapin kung matutuloy ang divorce namin ng mommy mo, ang mahalaga, maayos natin yung pamilya natin" he explained, na hindi ko maunawaan. Papaano maaayos ang pamilya namin kung hindi kami buo?

"Paano dad?" tanong ko sakanya. Nginitian niya ako ulit. " Makakasama mo naman kami ng mommy mo eh, tsaka wag ka na malungkot, para ito sa ikabubuti natin." he retorted.

"Ang tanong, okay lang ba talaga sa'yo na pakawalan mo yung taong mahal na mahal mo? Okay lang sa'yo na maghiwalay kayo ni mommy?" tanong ko at ngayon ay umiiyak na ako.

"If that what makes her happy, okay lang as long as masaya siya"he said. He's crying while smiling habang sinasabi niya sa akin ang mga salitang yan and mas nasasaktan ako para sa kanila.

" Pero masaya ka ba? Na witness namin ni ate kung gaano niyo kamahal ang isa't isa ni mommy, daddy please save your marriage, ngayon pa ba kayo susuko?" I said. I badly want them to be back again.

GREGGY'S POV

" Pero masaya ka ba? Na witness namin ni ate kung gaano niyo kamahal ang isa't isa ni mommy, daddy please save your marriage, ngayon pa ba kayo susuko?" tanong sa akin ni Victoria. Aaminin ko nalulungkot ako at nasasaktan, pero yun yung gusto ni Irene. Masyado ko na siyang nasaktan, at ayoko na siyang saktan pa ulit, at kung ito man yung paraan, gagawin ko kahit na masakit para sa akin.

"Masaya ako kasi hindi ko na masasaktan ang mommy mo" sagot ko kay Victoria. Mahal na mahal ko si Irene at kung ito yung paraan para mapatunayan ko yung sakanya, okay, gagawin ko.

Pinunsan ko ang mga luha ng anak ko, at niyakap. "Tatagan mo lang ang loob mo, hindi ako susuko hangga't walang nangyayaring divorce, ilalaban natin ito, anak" I said, kahit na alam kong malabo na.

"Kain na tayo, malelate ka sa school"pag-iiba ko ng topic, kay aga-agang drama naman nito.

VICTORIA'S POV

LonelyWhere stories live. Discover now