Chapter 5

180 10 0
                                    

Nakayuko lang ako habang hinihintay na magsilabasan ang lahat dito sa kwarto. Naka-upo pa rin ako sa kama at nag-iisip ng kung ano na ang dapat kong maging sunod na hakbang ngunit nabigla ako ng may biglang tumikhim.

"Ehm!"

Nagulat ako na naririto pa pala siya sa loob ng kwarto. Akala ko sumama na siya sa kanila sa labas?

"Can I... I talk to you? I just w-want to know everything about you, if it's fine?" May pag-aalinlangan nitong saad.

"Alright" Mahina kong sagot dito na siguradong maririnig pa rin naman niya.

"Can I sit beside you too?" Nahihiya nitong tanong.

Tinanguan ko ito at nginitian ng tipid bilang pagpapahintulot sa gusto niyang gawin.

Napahinga naman ito ng maluwag at dahan-dahang naglakad papalapit dito sa kama. Naupo siya ng may ilang distansiya malayo sa akin.

"Ahm? I'm sorry again for what I had done earlier." Panimulang saad nito sa gamit ang malumanay na boses.

Hindi ko ito nilingon dahil ibinalik ko sa pagkakayuko ang aking ulo. Nanatili lamang akong tahimik habang nakikinig sa kanya at habang nakatingin sa aking mga paa na pinagkikiskis ko sa isa't isa para mawala yung awkwardness na nararamdaman ko sa pagitan naming dalawa.

"I know I hurt your feelings but I don't mean it. I just love my sister that much that's why I acted exaggeratedly earlier even though she has a bitchy attitude. Besides, I am still on process on what Healer Celine revealed about you and my sister's situation." Naramdaman ko ang saglit na paglingon nito sa akin na hinayaan ko lang.

May pagka-bitchy pala si Sophia? Hayst! Paano kung may mga naging kaaway ang babaeng iyon dito at sa labas? Ano ang gagawin ko?

Narinig ko ang pagbuntong hininga ulit nito at nagpatuloy ulit ito sa pagsasalita. "But don't worry, you can trust me even Father and those people who are inside of this room earlier. We can assure you that if you're doubting us." He said with assurance and sincerity.

Hihingi na din ba ako ng tawad? Ramdam ko naman ang sinseredad niya kaya mas lalong nakaka-guilty yung pinag-gagawa ko sa kanya kanina.

"Sorry din sa pagiging rude ko kanina nung maggising ako." Sincere na paghingi ko ng tawad at nilingon siya. Nakatingin na din pala ito sa akin kaya nginitian ko ito ng tipid.

Tumingin na ulit ako sa harap habang iniisip ang mga nangyari sa akin simula ng maggising ako at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Naiinis lang kasi ako kanina dahil sa pagtawag niyo sa akin ng Sophia kahit hindi naman ako iyon. Siguro bilang defense mechanism na din dahil paunti-unti ko na noon narerealize na nasa ibang dimension pala ako na akala ko ay hindi ko mapupuntahan." Mapakla akong natawa.

"Wala din akong kaalam-alam kung ano nga ba ang nangyari sa akin bago ako mapunta sa mundong ito at ang nakakagulat pa ay sa ibang katawan pa ako naggising. This is so annoying na parang gusto kong sumigaw ng napakalakas upang mailabas ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Pero kung gagawin ko man yun ay may mababago pa ba ako? Diba wala? Kaya ano pa ang silbi nun?" Mabilis kong pinahid ang mga luhang naramdaman kong lumandas sa aking mukha.

I heavily sigh upang alisin ang bigat na nararamdaman ko sa kaloob-looban ko.

"For now, I don't know kung ano na ang dapat kong gawin. But I assure you all na gagawin ko ang lahat ng nararapat gaya ng sinabi ko kanina. Iingatan ko ng mabuti ang katawan niya hanggang sa makabalik na siya dito." Kahit na ako ay hindi na makabalik pa sa mundo namin at maglaho na ng parang bula. Wala na din naman akong babalikang pamilya doon eh.

A Soul's Metamorphosis (Metamorphosis Series 1)Where stories live. Discover now